CHAPTER SEVEN
NAGNGINGITNGIT ang kalooban ni Rene habang tanaw niya sa malayo si Twinkle kausap ang isang lalaki. They're on a date. Sa set up nilang iyon alam niyang hindi iyon simple acquaintances or pagkikita lang ng magkaibigan. Ilang linggo na rin niyang lihim na sinusubaybayan si Twinkle. Gusto man niyang lapitan ito at kausapin pero pinigil niya ang kanyang sarili na gawin iyon para lang bigyan ito ng space na makapag-isip at para na rin sa kanya upang makapag-isip.
Laking pagkadismaya niya ng huling araw ng pagsubaybay niya rito ay nakita niya itong may ka-date. Nasaktan siya sa kanyang nakita. Wala pala talaga siyang pag-asa dito. Kaya pala hindi ito tumatawag sa kanya o nag-usisa man kung bakit hindi siya muna nagpapakita nito. Malinaw na talaga sa kanya ang lahat na ayaw nito sa kanya.
Parang dinurog ang puso niya na masaya pa itong nakikipag-usap sa kasamang lalaki. Na masaya ito sa piling ng lalaking iyon. Sa kanya hindi. Nang umalis na ang mga ito ay sinundan pa rin niya ito. He want to see her safe na makauwi sa bahay nito. Hindi niya namalayan ang pagtulo sa kanyang mga mata. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na umiyak siya sa isang babae. Ang babae minahal niya sa ilang linggo pa lang nilang pagsasama at pagkilala.
SIMULA nang gabing may nangyari sa kanila ni Rene ay hindi na ito nagpakita sa kanya. Hindi na niya ipinagtaka iyon. Napaghandaan na niya iyon simula ng gabing ibinigay niya ang kanyang sarili rito. Gusto niyang tawagan ito sa cellphone nito pero may isang bahagi sa kanyang utak na pumipigil sa kanya.
Siguro'y dapat na lang niyang tanggapin na hindi na magpapakita sa kanya si Rene. Iyon nga lang talaga ang habol nito sa kanya. Ang pagkababae niya. Dapat na niyang tanggapin sa sarili na magiging soltera na siya. Talagang malas siya sa pag-ibig. Kung noon ay lapitin siya ng mga lalaki, ngayon ay kabaligtaran. Siya pa ngayon ang nagpapahanap ng ka-date sa kaibigan. Nang may lumapit naman sa kanya at nagpahayag ng pag-ibig ay hindi naman niya ito tinanggap. Dapat ba niyang pagsisihan iyon?
DUMATING ang araw ng Christmas Party nila. Silang lahat ng nightshift noon ay hindi na umuwi sa kanilang mga bahay pagkatapos ng duty nila. Dumiretso nalang sila sa Watering Hole katabi ng Shangri-La sa Ortigas kung saan gaganapin ang party nila. Ang iba sa kanila ay ngarag pa dahil sa puyat pero ng dumating sila doon ay parang nabuhay naman ang mga dugo nila ng makita ang naglalakihang mga prizes na pa-raffle para sa kanilang mga empleyado.
Pangarap niyang makuha iyong bagong Honda Civic na siyang pang grand prize sa pa-raffle na iyon. Pero ang gusto niyang marinig doon ay ang announcement ng mga mapo-promote sa kanila.
Nasa isang sulok lang siyang nakaupo habang umiinom ng isang bote ng SanMig Light habang pinagmamasdan si Maureen na sumasayaw kasama ang iba pa nilang kasamahan. At ilang sandali lang ay nagsimula na ang maikling programa.
Nagdasal muna silang lahat at pagkatapos ay nagbigay ng welcome message ang head ng account nila na si Merlita Jamboy. Pagkatapos nitong magbigay ng mensahe ay may presentation number pa. Kumanta ang isa sa mga kasamahan nilang si Debbie ng Breathless na siyang paborito nito. Kasunod naman niyon ay tinawag na ang Senior Operations Officer ng kanilang kompanya. Parang wala lang sa kanya iyon. Pero nang marinig niyang banggitin ng emcee nilang si Estilito na kung tawagin nilang Stella L ang pangalang Rene Ramirez ay parang umikot ang mundo niya. Tama ba ang narinig niya? Si Rene ay isa sa mga boss nila? C'mon Twinkle, baka nabingi ka lang. Lasing ka na yata, eh.
Lalo siyang nagulantang ng makitang si Rene nga ang nakatayo doon sa gitna. Nakatitig ito sa kanya. Matiim. Parang galit ito sa kanya. Napakatalas ng tingin nito sa kanya na tagos sa puso niya. Kung nakakasugat man ang paningin nito tiyak kanina pa siya nasugatan nito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang
RomanceThis is my second story sa PHR. August yata siya narelease. Bali inspirasyon ko nito si Twinkle na kaibigan ko at ang crush niyang accountant namin. Natawa pa ako dito kasi pinarevise sa akin ng dalawang beses ang dedication page kasi masyado dawng...