Nakasakay ako sa isang bagon sa MRT na malayo ang aking iniisip. Napatingin ako sa nagsisiksikang mga tao na iba't iba ang ginagawang libangan. Sa haba ng aming biyahe, hindi ko mapigilang tumingin sa aking paligid. Si ate na sing kapal ng dala-dala kong mga libro ang makeup na siguro paparty ngayong gabi, walang humpay ang pagreretouch sa kanyang mukha. Samantalang yung katabi kong lalaki na nasa edad 45 years old na, walang tigil ang pakikipag-usap sa misis niya na pinapagalitan dahil late na umuwi. At yung nakatayong dalawang magsyota na mga high school students na simula pa sa pagsakay nila dito sa MRT, naghaharutan sila. Hanggang sa napatingin ako sa bintana at pinanuod ang araw na palubog na. Iniisip ko na sa edad ko na 21, kahit man lang pupply love, hindi ko naranasan. Sa love story na lang ng iba ako kinikilig.
No Boyfriend Since Birth ako. Wala nanligaw sa akin. Yung kapitbahay ko nga na ever since bata pa ako crush na crush ko siya. Kasi lagi kami yung nanay at tatay sa laro namin na bahay-bahayan, ayun nasa rehab na sa ka-kalaklak ng pinagbabawal na gamot. Hindi rin kasi ako maporma. Hilig ko lang eh, magtago sa library at magbasa ng mga nobela na wini-wish ko na san mangyari rin sa akin.
Farrah is my name. Named after the late actress Farrah Fawcett. Nope. Hindi ako kasing sexy at ganda niya kaya ka-pangalan ko siya. Crush kasi ng tatay ko si Farrah Fawcett. Kaya naging Farrah Angelita pangalan ko. Sa anim naming magkakapatid, pang-apat ako sa panganay. Ako lang ang nasa kolehiyo samanatalang ang mga nakakabatang kapatid ko nasa elementarya palang. Yung dalawa kong kuya at nag-iisa kong ate, lahat sila may kani-kaniyang pamilya na. Kaya pressured ako, na matapos ko ang aking kurso na architecture.
Hindi ko na malayang nakatulog ako sa sinakyan kong MRT. Nagsisipag- alisan na pala ang mga pasahero kaya dali-dali rin ako na tumayo at lumabas sa tren. Kelangan ko na magmadali dahil male-late pa ako sa trabaho ko. Isa akong waitress sa isang restaurant sa Trinoma. Hindi kasi kaya ng suweldo ng tatay ko at ng nanay ko ang pag-aralin kamin magkakapatid kaya, ayun nagsakripisyo ako.
Nagmadali ako dumaan sa backdoor ng pinagtratrabahuan ko na italian restaurant na ang pangalan ay Bocca Felice. Minadalo kong isinuot ang apron at tinali ang aking buhok. Nilapitan ako ng aking kaibigan na si Jackie at inabutan ako ng container na may cream cheese.
''Heto, lagyan mo ng egg tapos i-mixer mo. gawa ka daw ng blueberry cheesecake. Kunin yan mamayang 6.'' Sabi ni Jackie na nagmamadali. ''Basta girl dalian mo, hinihintay yan.''
''Okay.'' Sabi ko na inihahanda ko ang mga kakailanganin ko. Si Jackie ang aking baklang bestfriend. Well, totoo niyang pangalan ay Jacinto. Simula pa nung bata kami, jumping rope na ang gusto niyang laruin. Siya rin nag-aayos ng aking buhok tuwing buwan ng wika. Kinukuha niyang kurso ay fashion designing. Kahit may-kaya ang kanyang pamilya, Mas ginusto niya maging working student para kahit papaano may napag-iipunan siya at hindi lang humihingi sa kanyang ina na nagtratrabaho sa Sweden bilang nurse.
May kumiliti sa aking likod habang nag-mix ako ng cream cheese at whip cream. Tumingin ako sa aking likod at ang kaibigan ko na si Lorraine. Sila ang may-ari ng shop. ginawa siyang OJT ng kanyang mga magulang sa sarili nilang shop para matutunan niya ang pamamalakad ng kanilang shop. Siya naman ang nasa cashier area. Naging close kami simula nung elementary. Lunch nuon at umuulan. Nadulas ako papuntang canteen at natapon ang baon kong itlog maalat at kanin. Siya ang good samaritan na inabutan ako ng pagkain.Simula noon magkaibigan na kami.
''hoy babae! late ka nanaman. Nako! pag nalaman to ni mama.'' Sabi ni Lorraine na inilalagay ang mga orders sa sabitan ng orders.
''Eh katatapos ko lang magduty sa isa kong trabaho.'' Tugon ko naman na isinasalin ang mixture sa isang bowl.
''Mamaya magkasakit ka na niyan. Bakit kasi pati pagpapalamon sa mga kuya mong batugan at sa nagbununtis mong ate eh ikaw na ang sumalo. Pati pag-aaral mo naagrabiyado na.''
''Alam mo naman ang sitwasyon ko di ba. ''
''O sya. Sige. after mo diyan, magluto ka ng pesto. May nag-oorder.''
''Yes ma'am.'' sabi ko na pinalo ko pwet ng aking kaibigan.