Chapter 2

5 2 0
                                    

Pagkatapos ng trabaho ko, nagmamadali nanaman ako umuwi papunta sa amin. 10:00pm natatapos ang aking trabaho Dahil last trip na ng LRT pauwi sa Antipolo. Habang sa biyahe, nagrereview na ako ng aking mga leksyon. Lagi ko nakakasabay sa paguwi ang isang lalaki na lagi na lang ginagawa ay matulog sa biyahe. Tisoy siya. Lagi rin nakaheadset. Lagi siya may bitbit na gitara.

11pm na ng nakauwi ako. Sa aming barangay, nagiging buhay ang mga kalye pagsapit ng gabi. Nandyan na sina Mang Teryo kasama ang kanyang mga ka-toda na nag-iinuman sa tindahan ni Lola Delia. Ang mga binatang hindi pa rin nagsasawa sa paglalaro ng basketball. At ang mga nanay at mga matatandang babae na nasa labas ng kanilang tirahan at nagchichismisan.

Sa bahay lang namin ang may katahimikan. Maaga kasi natutulog ang aking mga kasama sa bahay. Ang lumang dalawang palapag naming tirahan na minana pa ni tatay sa aming mga lolo at lola na yari pa sa antique na narra at bintanang gawa sa capiz shells. Pagbukas ko ng aming pintuan, ang dilim ng kapaligiran. Binuksan ko ang ilaw at binitawan ang mga dala kong libro at mga plates. Umupo ako sa silya at huminga ng malalim. Narinig ko na may pababa ng hagdan. Ang aking ina.

''Late ka nanaman umuwi, anak. Kumain ka na ba?'' Sabi ni nanay na hinahaplos ang aking likod.

''Oo 'nay. Kinain ko yung mga extra na naluto sa resto.'' Tugon ko na minamasahe ang aking noo.

''Anak, sabi ko naman sayo, kami na lang ng itay mo ag kakayod. Napapabayaan mo na ang sarili mo.''

''Nay sino bang aasahan niyo? Si kuya Junior na wala ng ginawa kundi mag lasing kasama nina Mang Teryo? si kuya Dodoy na walang ginawa kundi matulog magdamag? o si ate Frances na under sa asawa niyang lubog sa utang? Nako nay. Hayaan niyo po ako na magbanat ng buto at tulungan kayo.'' Tumayo ako at niyakap ko siya. ''Nay, kapag naging architect ako, mabibilhan ko kayo ng mga bagong damit at makakapag-celebrate pa kayo ni itay ng golden anniversary.''

Napaiyak ang aking ina sa aking mga sinasabi.'' Salamat anak. Sige gawin mo na assignments mo. Para makapagpahinga ka pa.''

''Opo ma.''

Ilang oras lang ang tulog ko, at kailangan kong maagang gumising. Ang ate Marissa ko ang nagluto ng umagahan namin. Labing walo kaming kakain ng umagahan at sa siyam na pirasong daing at nilagang sayote, pinag hahatian naming lahat. Bago kami umalis ng bahay, ang tatay namimigay ng baon. Jeepney driver ang aking ama. Minsan siya ang naghahatid sa akin papasok ng UP kasabay ko ang dalawa kong bunsong mga kapatid. Sa baon ko na 150 pesos, pinagkakasya ko yun magdamag.

''Anak, pasensya ka na. Hindi ko kayo maihahatid ngayon. Alam mo naman ang boss ko. Baka sisantihin ako. Yung kambal lamg maihahatid ko sa kanto lang naman ang eskwelahan nila.'' Sabi ng aking itay habang pinupunusan ang kanyang pawis sa leeg.

''Tay, okay lang yun. Susunduin naman ako ni Jackie dito sa atin.'' Tugon ko na niyakap ang aking ama. Bumusina na si Jackie at ako ay napatingin sa labas. ''Sige tay, nay! alis na po ako.''

''Mag-ingat ka anak ko.''

''Ganun din po kayo.'' Sabi ko na nakangiti.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon