Chapter 4

2 1 0
                                    

Habang naglelecture ang aking professor sa philippine constitution, gumagana ang aking imahinasyon sa sobrang boring ng aming topic ngayon kaya napa-doodle ako. Ang nasa aking imahinasyon ay nasa isang liblib ako na lugar. Parang isang maiden in distress ang aking peg. Nawala ako sa aking patutunguhan. Hanggang sa may paparating na lalaki na may hawak ng puting kabayo at nakasuot ng mamahaling damit na naburdahan ng ginto. Siya ay si Prince Charming.

Nakapasok na ko sa aking mapaglarong imahinasyon na lahat sa aking paligid ay unti-unti nang nanawala. Tipong nawala na ang tinig ng aking professor na nagsasalita sa harapan. Iniisip ko ano ang susunod na storya? Darating na si Prince Charming. Ano ngayon? Ano ang dapat na katuloy? Patuloy ko pa ring pinagagandahan ang aking doodle ng mga shadings ng mga karakter nang biglang...

''Ms. Delgado! Ms. Delgado!" Sabi ni professor Sanchez na binagsakan ako ng librong mabigat ng Philippine Constitution sa aking mesa. ''Kanina pa kita tinatawag.Napansin ko na hindi mo binubuksan ang aklat mo. Siguro ay alam mo na ang kunstitusyon ng ating bansa. Tumayo ka!''

Nagtawanan ang lahat. Nagising ako sa pagkakabagsak ng libro sa aking mesa. Hindi ko matanggal ang aking papel sa ilalim ng librong binagsak ni Prof. Namumula ako sa pagpapahiya niya. Kaya tumayo ako na naka-yuko.

''Now, read Article II section 5 and explain to the class what is it all about.'' Sabi ni prof na pabalik na sa professor's table.

"Article 2 section 5 states that the maintenance of peace and order, the protection of life, liberty, and property, and promotion of the general welfare are essential for the enjoyment by all the people of the blessings of democracy. Based from my understanding, it is the duty of the government to maintaineace and order by establishing and enforcing laws to promote the general welfare of the society.''

Nagpalakpakan ang aking mga kaklase at tuwang-tuwa sa aking sinagot. Tumayo ang aking professor at nakataas pa din ang kilay. ''Good.''
***
Vacant namin ni Lorraine at nasa carinderia kami ni Aling Auring na kami ang kanyang number one na suki. Lagi kaming may libreng dessert na leche flan. Patago niya nga lang binibigay para hindi makita at malaman ng iba na namimigay siya ng libreng leche flan.

''Aling Auring isa nga pong kare-kare at porkchop.'' Sabi ko na inaabot ang bayad.

''At ako rin po yung usual na chicken curry at lechong paksiw.'' Dagdag ni Lorraine na inabot din ang bayad.

''Mamaya na yung... alam niyo na'' Sabi ni Aling Auring na iniaabot ang aming order. Ang tinutukoy niya ay ang leche flan.

Umupo kami malapit sa may bintana para pumasok ang hangin at hindi kami mainitan. Nagkwento si Lorraine sa nangyari sa kanyang quiz sa management. Hanggang sa napansin niya na nilalaro ko ang aking ulam.

''Hoy! Tulala ka nanaman. Kulang na lang yang ulam mo maging halo-halo sa kaka-halo mo.'' Sabi ni Lorraine na sumubo ng kanyang tanghalian. ''Ahh. Alam ko na ang drama mo. Kulang ka nanaman sa tulog, napahiya ka nanaman ni Professor Sanchez noh?''

Tumango ako. ''Ilang beses na ko na binibingo ng matandang dalaga na yun. Palibhasa kasi, mas maganda ako sa kanya at mukha akong fresh.''

''Tignan mo to. Hay nako! Farang.Sabi ko kasi sayo magresign ka na diyan sa isa mong trabaho. Ang layo-layo kaya ng Makati. Tapos ang dadatnan mo lang duon ay maglilinis ng CR ng isang ospital. Duon ka na lang sa amin irerequest ko kay mommy na medyo lakihan sahod mo.''

''Wag na. Ok lang ako. Kaya ko naman eh.''

''Ewan ko ba sa mga nakakatanda mong kapatid. Tinubuan ata ng mga pigsa sa pwet at ayaw ng tumayo para man lang makatulong kay tita sa paglalako sa palengke.''

'' Ako nga lang di ba nakunton sa kolehiyo.''

''Oo nga. Ang gusto ko i-point out friendship, may sarili naman na silang pamilya. Hayaan mo namang sila ang maghanap buhay para sa kanila. Yung sinusweldo mo, napupunta sa kinakain niyo sa araw-araw at sa pagtustos din ng pag-aaral ng mga kapatid mo. Pati nga pang baon ng mga pamangkin mo, inako mo na. Intindihin mo naman sarili mo. ''

''Sa tingin mo... martyr na ako?"

''Oo. Nagmumukha ka ng matanda.''

''Talaga?" Sabi ko ma biglang naconcious at inilabas ang aking salamin.

''Gaga ka talaga. Basta focus ka na muna ngayon sa studies okay? Magday-off ka na. Tignan mo eyebags mo pwede na maging mangkok sa laki.''

Nagtawanan kaming dalawa at inabutan na kami ni Aling Auring ng kanyang specialty, ang leche flan.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon