Papauwi na ako at sadyang isang himala. Walang gaanong siksikan sa LRT. Naupo ako sa may bintana at nag-iimagine ng mga bagay-bagay. Hanggang sa nakita ko nanaman ang lalaking antukin. Lagi siyang naka-itim na damit. Maporma. May dala siyang panibagong instrumento. Lumipat ako ng pwesto ng aking inuupuan sa harap niya. Mukhang pagod na pagod siya kaya nakaidlip siya.
Umandar na ang tren. Natatawa ako dahil naghihilik na siya. Pero tinignan ko maigi ang kanyang mukha. Mestizo siya. Ang tangos ng ilong at ang haba ng pilik mata. Hindi ko gaanong makita ang kanyang buhok dahil sa naka-hood siya. kokey lang ang peg? sabi ko sa aking isip. Pero mukha namang may itsura siya sa sobrang kinis ng kanyang kutis, di malabong nagmomodel ito at habulin ng babae. Dahil ang boring ngayon sa tren at wala ako magawan ng istorya ng iba't ibang taong aking nakakasalimuha, naisipan ko na ilarawan siya.
Kinuha ko ang lapis at isang scrap na bond paper at sinimulang iguhit siya. Sa bawat strokes at shade na aking ginagawa, narerelax ako. Mabuti na lang at restday ko ngayon sa trabaho. Mabilis kong tinapos ang aking sketch. Medyo malamig ngayon ang simoy ng hangin. Siguro dahil sa malapit na ang Pasko. Kaya inayos ko ang aking pulang scarf na nakapulupot sa aking katawan.
Saktong pagkatapos ng pagguhit ko ay tumigil na ang andar ng LRT. Inipit ko ang drawing sa sketchpad ko at nagmadaling lumabas sa tren. May sumagi sa aking kamay at nalaglag ang gamit ko.
''Sorry po.''Sabi ng lalaki.
''Sa susunod kasi mag-ingat!" sabi ko na nagmadaling nagpulot.
Naramdaman ko na aandar na muli ang tren kaya tumayo ako at tumakbo papalabas.* * *
''So how was your first day of school?" Tanong ni Nana Zeny na inihahain ang ulam sa mesa.Naglalagay naman ng plato si Troy sa mesa at inaayos ang table setting. ''Pretty good.''
''Did you have friends already?'' Sumbat naman ni Goryo o mas kilala bilang tatay Goryo. Kilala siya na pinakamagaling na mekaniko sa kanilang barangay.
''Yeah. I did have some, tatay.'' Sabi ni Troy na tinutulungan si Nana Zeny sa paglagay ng ulam sa mesa. ''And we are forming a band.''
''Very good. Hindi mo naman na-kwento Zeny, magaling pala ito sa music.''
''Nagmana sa nanay niya. Kilalang violinist nanay niya.'' Tugon naman ni Nana Zeny. ''Ahy, Troy! call them na. Dinner is served.''
''Yes.'' Sabi ni Troy na lumabas para tawagin ang mga apo nina Nana Zeny at Tatay Goryo.
''Akala ko ba nanay niya si Madam Cecilia?'' Dagdag ni Tatay Goryo ng mahinang boses.
''Wag ka maingay diyan. Anak sa labas ni Sir Joseph si Troy. Naimbitahan kasi si Sir Joseph nuon sa isang recital sa Poland kasama ng mga dugong maharlika sa UK. Iyon kasi hilig ni sir manuod ng mga ganoon nga musicals at recitals. Baligtad naman sila ni Ma'am Cecilia mga hilig nun eh magballroom at umattend ng engrandeng balls. Nagkaroon kasi ng after-party mga napabilang sa recital sa isang bar. Saktong nanduon din si sina Sir. Nakilala niya si Malvina yung Polish violinist. Napasarap ata usapan nila kaya ayun itinuloy nila sa hotel room ni sir hanggang sa ayun, nabuo si Troy.''Kwento ni Nana Zeny. ''Namatay ang nanay ni Troy nung 9 years-old pa
ang siya dahil sa cancer.''''Kawawa naman pala siya. Kaya siguro ganyan ugali niya noh?''
Naramdaman ni Nana Zeny na bumalik na sa loob si Troy.''Tahimik ka na dyan. Oh let's eat na.''
Naupo nasilang lahat sa hapag-kainan. Susubo na sana si Troy ng nakahain sa mesa, pero ang mga kasama niya ay naghahandana sa pagdadasal. Ibininaba ni Troy ang kutsara at inayos ang sarili.
"Sino ang maglelead ng dasal?" Sabi ni Tatay Goryona nakatingin sa pinakabunsong apo niya.
"Ako kaninang tanghali, 'tay." Sabi ni Jesse ang apo nina Nana Zeny at Tatay Goryo.
"Dapat kapag tayoay nagdadasal, bukal sa ating kalooban.Sabi ni Tatay Goryo. Tumingin siya kay Troy at bigla siya nagka-ideya. "Ah! Sir Troy. Why don't you lead the prayer?"
Nagulat si Troy at tumingin sa kanyang paligid. Nakita niya na naghihintay sila sa kanyang isasagot. "Uhm.. okay. So let us pray. God Almighty, thank You for the food. Thank You for the shelter we all enjoy today. And most ofall, thank You for this new beginning. Amen."