Kasama ko sa mall ang dalawa kong kaibigan. Sinamahan ko sila magshopping. Kahit gugustuhin ko bumili ng mga bagong damit, nag-iipon ako para makabili ng ireregalo kay nanay. Next week na kasi birthday niya. Habang kami ay naglalakad nagkukwento si Jackie tungkol sa kanyang experience sa fashion school na isa nilang instructor na pinag-iinitan ang design niya,
''Ahy nako girl! Na-iimbyerna akis dun sa instructor namin na chimay naman itsura. Joana naman boobita ng chimay na yun. Makapagsalita na chararat mga design ko. Nako! matusok ko ng gunting mga mata niya na kasing laki ng lanzones.'' Sabi ni Jackie na may gestures pa magsalita.
''Hay nako, bakla! Kumalma ka nga dyan.'' Tugon naman ni Lorraine na inayos ang pagbitbit ng paperbag na shinopping niya.
''Hoy babaita! Tahimik mo diyan.''Tulak sa akin ni Jackie.
''Ha?'' Sabi ko na gulat na gulat.
''Oo nga. Iniisip mo nanaman si tita Esther at ang mokong mong kuya Junior.'' Dagdag ni Lorraine.
''Ano nanaman ba ginawa niyang ni kuya Junior mo? Nakipagsapakan nanaman ba?" sabi ni Jackie.
''Manganganak kasi si ate Anna next month. Eh wala maibigay sina nanay at tatay na panggastos ni kuya. Ayun.'' Sagot ko.
''Aasa nanaman sayo. Ang martyr mo talaga. Pwede ka ng gawing santa niyan.''Sabi naman ni Jackie.
Tinapik ni Lorraine sa balikat si Jackie para senyasan na medyo malungkot na ako. ''Ang point lang kasi namin dito, hindi mo naman kasi obligasyon lahat ng responsiblidad nila. Tignan mo, yung posture mo dati na pang beauty queen mukha ka ng kampanerang kuba.''
''Jackie naman eh.'' Sabi ko.
''Hay nako! Change topic na nga. Dito nga tayo sa Hugo Boss tingin tayo dito ng pwede ma-shopping.'' Sabi ni Lorraine na hinila kami sa loob.
Naglibot-libot ako sa shop. Maraming mga magagandang damit ang nandito, may kamahalan nga lang. Hinila ako ng aking kaibigan na si Lorraine pati na rin si Jackie. Nakatingin siya sa screen na nakalagay malapit sa cashier at pinapanuod ang isang advertisement ng lalaki.
"Ang pogi mga gurlash oh!" Sabi ni Lorraine na tila ba nasasabik.
Tinignan ko din ang screen. Oo nga, pogi ang lalaki. Pero typical model siya. Kahit ang minomodel niya ay eyewear at hindi makita ang buo niyang mukha, sa tindig at galaw palang halatang may ibubuga naman siya. Sa pagkaka-style sa kanya, bagay na bagay niya. Mukha siyang descenteng tignan.
Pagkatapos ng commercial, niyaya ko sila na kumain na. ''Tom Jones na akech. Kain tayo na ng lunch.''
''Sige. Nagutom din ako panuorin yun.'' Sabi ni Lorraine.
''Ano kaya name ng papa na nagmodel ng eyewear. Bigla ako na-curious.'' Dagdag ni Jackie. ''Kasi usually ang nagmomodel sa Hugo Boss eh kilala kong mga model eh. Dakilang stalker ako ng mga ganyang bagay. Ngayon lang yata na hindi ko kilala ang latest endorser nila.''
Kumain kami sa Buzzy Bees at nagorder kami ng pasta. Dahil treat ito ni Jackie, umorder kami ng maramihan. Dumating na ang order at napansin namin na busy sa pagtetext o pag-scan sa phone niya si Lorraine.
''Ano nanaman inaatupag mo? Hoy kumain ka na!" Sabi ko na umiinom ng Coke.
''Eh kasi nga na-curious ako duon sa model kanina.'' Tugon naman ni Lorraine.
''Crush mo agad? Malay mo ka-pederasyon ko pala yan.'' Dagdag ni Jackie.
''Gaga ka talaga. Crush agad? Hindi ba pwede na-curious lang? Para kasing familiar. Nakita ko na siya, pero hindi ko alam kung saan.''
'' Nako, guni-guni mo lang yan. I-kain mo na lang at baka mamaya, mahipan ka ng hanging dumi diyan baka magloka ka nanaman.'' Sabi ni Jackie na hinahalo ng maigi ang pesto niya.
Bagamat ko rin ay na-starstruck sa lalaki sa commercial kanina, pinagwalang -kibo ko na lang. Sigurado kasi ko na ang mga katulad niya ay taken na. Habulin pa sila, matinik sa mga babae. Besides, kahit i-search ko pa ang pangalan ng model na yan, hindi naman lilipad agad-agad yan dito sa Pilipinas at makikipagkilala sa akin. In short, wala rin lang mangyayari kahit pagpuyatan ko mag-scan sa internet.