Chapter 10

6 1 0
                                    

"Sure kaba na nandito yun? Eh pinalinis ni Ma dito sa kitchen, sa stock room at sa manager's office wala sila nakita dito sa resto na sketch pad." Sabi ni Lorraine na nagmomop sa kitchen.

"Oo nga beks. dito ko nga lang nilagay yun. Naalala ko talaga na last ko binitawan yun dito sa kitchen.'' Tugon ko na iniaalis ang mga kaldero sa kabinet. ''Hindi pwede mawala yun kasi may sentimental value yun eh.''

''Alam mo tinanggal na natin lahat wala as in beks!" Sabi ni Jackie. ''Ilan taon ka na ba?"

''Ano namang klaseng tanong yan?" Sabi ko na nagtanggal muli ng mga kaldero sa isang kabinet.

''Ang bata-bata mo pa eh uulyanin ka na. Jusko po! tinalo mo pa mga dyutanders sa pagka-ulyanin mo. Last week naman, nawawala yung pencil case mo.'' Dagdag ni Jackie na kumuha ng mansanas at umupo sa counter.

''Eh di ba sabi mo sa akin kagabi sa Messenger eh nakasabay mo yung si Mr. Antukin sa LRT?" Sabi naman ni Lorraine. ''Na nakita mo in closeup eh gwapo naman siya.''

Biglang pumasok sa aking isip yun. Shit! Sabi ko sa aking isip. ''Ang tanga ko. Naiwan ko ata sa tren!"

''Eh paano ngayon yan? Paano kung natapak-tapakan na? Tapos may nakapulot tapos tinapon o sinunog or worst case, ginawang basahan?'' Sabi ni Lorraine na biglang nag-aalala.

''Hoy bakla! Ang OA mo naman. Hindi ba pwedeng may nakapulot na tao na may malasakit naman. Malay mo maging 'ikaw na ba si Mr. Right?' ang magiging peg niyan.'' Tugon naman ni Jackie na sumubo muli ng mansanas.

''Eh lalo naman di mangyayari yun noh. Ano yun teleserye lang?"

''Ikaw ang nega-nega mo kaya ka rin hindi nagkaka-lovelife.''

''Eh bakit ikaw? Meron ba?''

''Wala pero at least hindi ako bitter at tatandang dalaga katulad mo!'' Sabi ni Jackie na tumatawa.

''Ah ganon ha!'' Sabi naman ni Lorraine na hinahabol si Jackie.

Naalala ko na ang lahat. Naiwan ko nga talaga sa LRT. Pero paano ako makakapunta ng maaga duon para tanungin kung may nakita silang naiwan na sketchbook. Kung sabagay, nakalagay naman sa first page ng sketchbook ang buo kong pangalan at kung saan ako nag-aaral. Sana pagbalik ko sa university may mag-abot sa akin nun. Biglang may pumasok sa kitchen at tumigil sa kakatakbo sina Jackie at Lorraine. Ang tatay pala ni Lorraine napaka-pormal niya. Ni minsan di ko siya nakita ngumiti.

''Hindi ba kayo papasok? Lagpas alas nuebe na ng umaga ah. Baka naman ma-late kayo.''Sabi ng tatay ni Lorraine. ''Ilang oras na lang magbubukas na ang mall at ang restaurant.''

''Ah, papa oo papasok na kami. May inayos lang kami dito sa kitchen.'' Sagot ni Lorraine.

''Be professional. Hindi playground ang aking kitchen.''

''Sorry po, papa. Na-carried away lang po.''

''Sige. Ipapahatid ko ba kayo kay Berting?''

''No need, papa. May kotse naman si Jackie.''

''Sige.Mag-ingat kayo.''

Nagmadali kami umalis sa restaurant at nagbubulungan sa mga nangyaring tension kanina.

* * *
Isang linggo rin ang nakalipas ng unang pumasok si Troy. Naipasa niya agad ang entrance exam sa UP. May angkin din siyang talino. Sadyang tamad at napabayaan niya lang ang kanyang sarili. Vacant niya kaya naisipan niyang mapag-isa na lang muna at tumugtog ng gitara. Umupo siya sa silong ng acacia tree at nag-plucking sa gitara. Gumagawa siya ng mga sariling harmony. Sumagi sa kanyang isipan ang napulot niyang gamit nuong isang araw.

Binitiwan niya muna ang gitara at binuksan ang kanyang bag. Binuksan niya ang itim na pahabang manipis na libro. Nakita niya ang iba't ibang sketches ng tao, hayop at abstract na drawing.Hanggang sa nakita niya ang sketch ng lalaking nakatulog. Nuong una, iniisip niya kung bakit kahawig niya ang nasa sketch. Siya nga pala talaga. Natuwa siya na nainis. Do I look this funny? Nakita niya ang pangalan ng pagmamay-ari. Gotcha.




Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon