Chapter 6

3 0 0
                                    

''Sir Joseph will kill me, Troy.'' Sabi ni Nana Zeny na nagsilbi sa household ng mga Millers ng 12 years. Siya ang personal maid ni Troy simula pa ng lumipat siya sa kanilang tirahan.

''Please, Nana Zeny. It is only for a while. I just need some place to stay.'' Tugon ni Troy na dala-dala ang kanyang maleta, backpack at gitara.

''Nako! Dise oras na ng gabi. Talaga tong bata na ito. Kung 'di lang wala lang akong utang na loob sa mga magulang mo.''

''Nana Zeny you are talking nonsense again.'' Sabi ni Troy na napapangiti.

''Wala. I said come in.''Sabi ni Zeny na tinulungan niya makapasok si Troy at ang kanyang gamit.

Nakatira na ngayon si Zenaida o mas kilala bilang Nana Zeny ni Troy sa Antipolo. Nakaipon siya ng marami kaya nakapagpatayo siya ng tirahan na hindi ganoon kalakihan para sa kanyang pamilya. May mga anak siya na nagsipagtapos na at may sarili nang mga pamilya. Nakatira npang kanyang mga apo at asawa ay nakatira rin duon.

''How did you know I live here Troy? Nako! Buti hindi ka nakidnap. Mukha ka pa naman mayaman sa suot mo. '' Sabi ni Nana Zeny na inaayos ang dating kwarto ng kanyang panganay na anak na lalaki. Maliit ang kwarto. Kulay berde ito na may dalawang bintana at single bed na may dalawang mesita sa gilid nito na may lampshade. May mga lumang aparador din duon. ''There is no aircon here. We only use stand fan.''

''I'll be alright. Hey, um... Nana Zeny. Please help me find a school or university. I would like to apply for college.'' Sabi ni Troy na tinatanggal ang kanyang jacket at naupo sa kama. ''I was thinking that while I stay here, I should make myself productive and maybe try out for some college.''

''Do your parents know this?''

''Yes.''

''Nagsinungaling ka pa. Alam ko kung nagsisinungaling kang bata ka. Tell me the truth.''

Tumayo si Troy at lumapit sa kanya na inaayos ang damit niya sa aparador. ''No.''

''Susmaryosep! Sinasabi ko na nga ba eh. Tumakas ka nanaman. Mapapatay talaga ako ng pamilya mo.''

''But! Don't worry. They don't know where I am. Just please. Please Nana Zeny. Let me stay here. I will not be a troublemaker to you and your family. Just let me stay.''

''O sya. Sige. I will let you stay and I will help you find the finest university here. But wait, do you have money?"

''Yeah. My bank account is still operating. Dad didn't cut it off I guess.''

''Did you have dinner already?''

''No.''

''Jusko talaga tong batang ito. Let's go downstairs and I'll cook you dinner.''

***
Maaga naghanap ng university si Troy. Sa ibang university hindi siya tinanggap dahil sa nagumpisa na ang semester. Kaya sa last nilang pinuntahan ay ang University of the Philippines. Nasa loob sila ng registrar's office at kinakabahan si Troy na baka hindi nanaman siya matanggap.

Pinapasok na sila sa office ng head ng registrar na si Mr. Macaraig. Isa siyang matandang lalaki na nakasuot ng pormal at may malaking eyeglasses.

''Have a seat.'' Sabi ni Mr. Macaraig na tinuro ang upuan malapit sa kanyang mesa.

''I have seen your credentials Mr. Miller. And it is great to see that all your GPAs are at its highest peak. But only your good moral character isn't that quite as scrupulous as your grades, but I guess you can change that attitude. So, we will conduct an UPCAT.'' Sabi ni Mr. Macaraig.

''UPCAT?'' Sabi ni Troy na nagulat.

''Yes. It is an admission test that is a part of the admission requirements here in this institution. So, if you pass, you'll move on to the next stage which is enrollment. By the way, what are you planning to take up?"

''Biology.''

''I see. Wait. Aren't you Troy Michael Miller? The son of Cecilia and Joseph Miller?"

Nanahimik na lang si Troy at isinuot ang hood. Kaya ang Nana Zeny niya ang sumagot. ''Yes sir.''

''Ah. Kaya naman pala maganda ang grades niya. Mana sa mga magulang.'' Tugon naman ni Mr. Macaraig. ''Anyway, and you've graduated high school 2011 at Budmouth College. Why didn't you enrolled after or before that year?"

Hindi pa rin sumasagot si Troy. Malayo ang iniisip. Kaya ang Nana Zeny niya ang nagsalita. ''Uh, sir. Mahiyain kasi si Troy. Kaya hindi siya naka-enroll nuon kasi naging busy siya sa pagmomodeling nuon eh at pumasok din siya sa music industry nuon kaya hindi na-asikaso ang kanyang college life.''

''I see. Anyway, bumalik kayo sa monday. Mag-UPCAT siya. By the way here is the form. And I'll see you in the campus.'' Sabi ni Mr. Macaraig na tumayo at nakipag-shake hands sa kanila.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon