Chapter 10: He Stole My First Kiss

33 5 4
                                    

Cristelle's POV

OMG! Bakit ganun? Ang sama ng panaginip ko huhuhu. Gusto niyo bang malaman kung ano?! Kaya nga lang nakakahiya kaya wag na lang hehehe baka kung ano pa isipin niyo eh.

Pagtayo ko sa kama biglang tumunog yung cellphone ko kaya hinanap ko ito sa kama ko. Nakita ko naman ito kagad pagtingin ko ito yung bumungad sa akin:
.
45 New Text Messages! Wow ha! Ang dami naman masyado hahaha. Teka nga lang hindi ko nga pala nadala cellphone ko kahapon kaya siguro madaming nagtxt isa pa baka mga gm lang yan. Pumunta ako sa inbox at nagulat ako dahil sa iisang tao lang nagmula yung 45 messages. Gusto niyo bang malaman kung kanino galing? Walang iba kundi kay Asungot/Enemy/Christian.
Inopen ko ito isa-isa at sa lahat ng text niya wala kang ibang mababasa kundi ang mga salitang I'm Sorry. Dinaig pa sa dami ng sorry yung kanta ni Justin Bieber. Di ko na lang pinansin yung mga text niya. Kasi nga WALA AKONG PAKE! in english I DON'T CARE lolo mong long hair hahaha kung ano ano na talagang pumapasok sa utak ko.

*School*

Bestie! sigaw ni monique

Bakit? tanong ko naman
Tumakbo siya palapit sa akin. Kaya naghahabol siya ngayon ng hininga. Ano ba kasing pumasok sa kokote nito at kailangan pang tumakbo.

Ano kaya pa ba? tanong ko

Give me five minutes.
Hay nako!

Ok na ako! Hahaha so ano kamusta yung date niyo ng lover boy mo ha?! Kuwento kuwento din pag may time. sabi niya habang tinutusok-tusok yung tagiliran ko.

Ano ba? Nakikiliti ako!Tumigil ka nga. hinampas ko nga yung kamay niya

Ayoko nga! Magkuwento ka muna bilis na. Wag ka ng mahiya. loka loka talaga itong babaeng ito.

Oo na! Pero dun ko na ikukwento sa classroom.
Pumayag naman siya at di na nakipagtalo buti naman hahaha.
Pagdating namin sa classroom bumungad kagad sa akin ang mga nanlilisik na tingin ni Pervert/Trisha tsaka nung tatlo niyang mga mukhang palakang kaibigan.

Ay ano ba yan! sigaw ko

Oh bkit bestie?! tanong ni bessy na nakikisakay sa trip ko.

Wala naman bestie. Nagtataka lang ako kung bakit may mga palaka at mga hayop na nakapasok sa school natin. Kasi sa pagkakaalam ko isa sa rules dito ay NO PET'S ALLOWED! sabi ko sabay tingin dun sa apat. Sa mukha palang nila alam na alam ko ng tinamaan sila.

Nagpaparinig ka ba! sigaw sa akin ni Trisha. Pinagtitinginan na tuloy kami pero ok lang para mapahiya siya sa harap ng maraming tao.

Bakit? Tinamaan ka ba?! prangka kong sagot.
.
Tapos sumenyas si Trisha kaya lumapit yung apat. May balak pa ata silang pagtulungan ako kaya nga lang nakalimutan nilang may katabi akong babaeng isa sa kinatatakutan sa school na ito. Introducing my bestfriend Monique ang Campus Princess at ang apo lang naman ng may ari ng school na ito.

Hi girls! sabi ni bestie kaya napatigil yung apat

May balak ba kayong gawin sa bestie ko? Kung meron man, wag niyo ng ituloy kasi baka hindi niyo magustuhan ang gagawin ko sa inyong apat. sabay turo ni bestie dun sa apat.
Tiningnan lang nila si bestie ng masama at inerapan ito tapos tumalikod na sila. Pano ba yan Cristelle:Monique-1
Trisha at 3 palaka- BOKYA hahaha.

Umupo na din kami ni bestie at ayun ikinuwento ko na sa kanya yung kahapon kahit wala naman masyadong mahalagang nangyari loka loka kasi ito kaya hindi ito titigil hanggat hindi niya nakukuha yung gusto niya tsk.

So ayun naging maayos naman yung araw ko. Nagpaalam sa akin si bestie na may pupuntahan daw siya ngayon kaya hindi siya makakasabay sa akin. So ayun solo flight nanaman ako. Si asungot naman absent din tsaka ayaw ko din naman siyang makita.

Naglalakad ako ngayon papuntang locker para itabi yung mga gamit ko. Pagdating ko nilagay ko na yung mga gamit ko tapos sinara ko na kagad gusto ko na kasing umuwi baka abutan pa ako ng gabi.
Nung paalis na ako sa may locker biglang may humawak sa kamay ko atsaka ako kinaladkad tiningnan ko kung sino yun kaso di ko siya mamukhaan nakatalikod kasi. Pero ang alam ko hindi siya taga dito. Alam niyo kung bakit kasi di naman siya nakauniform.

Hoy! Sino ka ba? Saan mo ba ako balak dalhin?! hindi siya sumagot

Wala ka bang balak sumagot ha! Rapist ka siguro ano! Oh May Gulay masyado pa akong bata wag po ! ano ba yan nakakaiyak. Masyado pa akong bata para makuha kagad ang bataan ko huhuhu.

Hoy! Saan mo ba ako balak dalhin! Maawa ka naman! Uso kayang sumagot. Pipe ka ba?! kaasar naman ito eh wala atang balak na kausapin ako

Parang alam ko kung saan ito ah. Papunta itong way na ito sa garden huhuhu dun niya ba ako gagahasain :'(

Nung nakarating kami sa garden bigla niya akong isinandal dun sa puno. Tapos bigla siyang humarap kaya unti-unti ko ng nakita yung pagmumukha nung rapist. Nung tuluyan na siyang nakaharap nagulat ako ksi si Christian yung lalakeng humigit sa akin. Isa pa sa ikinagulat ko ay ng bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako. OMG! yung first kiss ko! Di ko alam kung ano bang sumapi sa akin ksi naman eh! Hinalikan ko siya pabalik. Biglang nagflashback yung napanaginipan ko kanina. Itong ito yung napanaginipan ko at siya din mismo yung humalik sa akin dun sa panaginip ko.

End of Chapter

Hi guys sana magustuhan niyo hahaha. Yie! May first kiss na si Cristelle ^///^ wag kayong maiinggit ha!
VOTE/COMMENT/VIOLENT REACTION IS HIGHLY APPRECIATED. :)

Your's Truly

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon