Chapter 15: Loving can Hurt

30 4 2
                                    

****
What is Love?

Love is like a song. Why? Because, loving can hurt, loving can hurt sometimes?

Sometimes nga lang ba?
****

Cristelle's POV

Mga 20 minutes din siguro bago itigil ni asungot yung sasakyan. Tumigil kami sa tapat ng isang mall naghanap lang siya ng puwedeng mapagparadahan tapos bumaba siya sa kotse niya tapos binuksan yung pinto kung saan ako nakasakay at nagsimula nanaman siya pagkaladkad sakin.

Ano bang problema mo? Trip mo bang kaladkadin ako maghapon ha? Masakit kaya sa paa. tinigil niya yung pagkaladkad sakin tapos tiningnan niya ako ng seryoso tapos bigla siyang ngumisi.

Anong nginingisi-ngisi mo baka nakakalimutan mong may atraso ka sakin. biglang bumalik sa pagiging seryoso yung mukha niya lumapit siya sakin tapos may binulong siya

Mag-uusap tayo. nagtindigan yung balahibo ko ramdam ko yung hininga niya sa may leeg ko

Let's go. mas lumapit pa siya sakin tapos...

Hoy ibaba mo ako! Sasapakin talaga kita pagdi mo ako binaba! nakakahiya pinagtitinginan na kami nung mga tao ito kasi si asungot binuhat ako yun bang parang bagong kasal. Medyo nawala na nga yung akwardness na nararamdaman ko kanina tapos bumalik nanaman ngayon

Ibaba mo sabi ako! Paghindi mo ako binaba hindi na kita papansinin at kakausapin ever! natigilan naman siya bigla tapos tiningnan niya nanaman ako ng nakakaloko sabay ngisi ulit.

Ano bang problema mo? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao nakakahiya na kaya ibaba mo na ako! sigaw ko pero pabulong masyado na kasi kaming nakakakuha ng atensiyon. Yung iba natutuwa tapos pinipicturan kami, yung iba naman nagbubulungan lalo na yung mga medyo may edad na tapos mukha pa silang galit pero most of the people ay nakikinig kong nagsasabi na ang sweet daw namin. Kami sweet? Hindi naman kami eh paano kami magiging sweet.

Ano namang nakakahiya dun? Sa gwapo kong ito mahihiya ka pa? ibinaba niya na ako pagkasabi niya ng mga yun buti naman

Conceited kang asungot ka! Tara na nga. this time ako naman yung kumaladkad sa kanya pero nung malayo layo na kami napatigil ako bigla.

Hoy asungot saan ba tayo pupunta? tumingin siya sakin tapos bigla siyang tumingin sa kamay naming magkahawak napabitaw naman ako bigla pakiramdam ko nagiinit na yung mukha ko ngayon nakakahiya bwi*it

Haha! You really are so cute when you blush. sa palagay ko mas namumula na ako ngayon dahil sa sinabi ng asungot na ito

Wag mo nga akong bolahin! Ano saan ba talaga tayo pupunta? ngumisi lang siya tapos ako naman ulit ang kinaladkad niya.

Mga 10 minutes niya din siguro akong kinaladkad bago kami tumigil sa tapat ng isang Italian Restaurant. Mukhang mamahalin mga pagkain dito pero masasarap. Paano ko nasabi? Meron kasing staff nung restaurant ang nagabot samin ng listahan ng mga foods na available. Pangalan pa nga lang mukha ng katakam takam tapos may kasama pang picture dun sa listahan kaya mas natakam ako.

Cristelle yung bunganga mo. sabi ni asungot

Ewan ko sayo tara na nga sa loob. pagaakit ko.

Malapit na kaming makapasok sa loob ng restaurant ng may makita akong isang pamilyar na mukha yung mukha ng isang taong kailan man ay ayaw ko ng muling makita. Di ko alam kung anong gagawin ko nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Parang bumalik nanaman lahat ng sakit na nararamdaman ko ng makita ko yung pagmumukha niya tapos may kasama pa siyang babae ngayon na di hamak na mas maganda sa akin.

Cristelle! nagulat ako dun sa sigaw ni asungot

B-bkit? nauutal kong tanong
Napalakas yung sigaw ni asungot kaya halos lahat ng customer dun sa restaurant ay napatingin samin. Tiningnan ko kung saan siya nakapuwesto sakto namang pagtingin ko tumingin din siya kaya nagtagpo yung mga mata namin agad naman akong umiwas at hinila ko na si asungot palabas pero biglang may humawak sa mga braso ko.

Elle ikaw ba yan? hindi ko siya sinagot.

Pre anong kailangan mo kay Cristelle? tanong ni asungot. Ang galing diba ngayon alam na ng hay*p na lalaking ito na ako nga si Cristelle

Elle magusap naman tayo. mag-usap? Nagpapatawa ba siya? Matapos nung mga ginawa niya sakin sa tingin niya ba papayag akong makausap siya

Bitawan mo ako! Tara na Christian. hinigit ko na siya palabas pero ayaw talaga akong tigilan ng hay*p na ito eh

Bitawan mo sabi ako! hinigit ko yung mga braso ko at hinila ko na uli si asungot

Mag-usap naman tayo Elle! Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na magpaliwanag please. pagmamakaawa nito

Huwag mo nga akong tawaging Elle dahil simula ng iniwan mo ako ng wala man lang pasabi nawalan ka na ng karapatan. Tsaka ikaw magpapaliwanag ang sabihin mo bibilugin mo lang ang ulo ko sa mga kasinungalingan mo!

Hindi ko naman gustong iwan ka-

Huwag ka ng magpaliwanag pa puwede ba huwag mo na akong sund-
Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla niya akong hinalikan. Muli nanamang nagtagpo yung mga labi namin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko muli nanamang bumalik yung nararamdaman ko sa kanya nung kami pa. Nung nakarecover na ako pilit akong kumawala at nung nagawa ko yun sinampal ko siya ng paulit-ulit.

Cristelle tama na yan! Halika na.
hinigit na ako ni asungot palayo sa hay*p na yun

Lumabas na kami ng mall at pumunta sa kotse niya. Sumakay na ako sa kotse niya hanngang ngayon lutang pa rin ako dahil dun sa nangyari di ko na nakontrol ang sarili ko kaya tuluyan ng pumatak yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Okay ka lang ba Cristelle. nagaalalang tanong ni asungot

O-oo i-ihatid m-mo n-na l-lang a-ako p-pauwi b-bukas n-na l-lang t-tayo m-magusap. pinilit kong pigilin yung pag-agos ng mga luha ko hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

********
Kayo na po ang bahala :)

Your's Truly

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon