Additional Chapter: Ang Nakaraan...

24 4 1
                                    

****
What is Love?

Love can change everything!
****

Minsan ba naisip niyo kung bakit sa Chapter 1 ay nabanggit ni Cristelle na NBSB siya?

Tapos ngayon sa Chapter 15 ay nabanggit naman ang muling pagkakita niya sa taong minahal niya ng lubusan na umiwan naman sa kanya.

Kung iisipin natin siguradong mahihirap at maguguluhan tayo. Kaya para sa ikalilinaw ng lahat na ito ang isang kabanatang magbibigay linaw ng lahat.
------
Bawat tao may nakaraan na ayaw na nilang muling balikan sa kadahilanan na masama ang naging karanasan niya dito.

Wala tayong karapatang manghusga ng pagkatao ng isang indibidawal lalo na kung hindi naman natin alam ang buong pangyayari.
------

9 months ago ...

October 18 ang kaarawan ni Cristelle isang 16 years old na dalaga na magiging 17 years old na sa susunod na taon. Si Cristelle ay isang masayahing dalaga na may maayos na pamumuhay sa lahat ng kapamilya niya ang pinakang kasundo niya ay ang kapatid niyang lalaki na si Kyle.

Para kay Cristelle ang pagibig ay isang distraction at sakit lamang sa ulo. Isang siyang 4th year highschool sa Geneva State University doon niya nakilala ang bestfriend niya na si Monique. Simula 1st year highschool palang ay naging magkaklase na sila, madaming bagay ang kanilang pinagkakasunduan. Pero ang pagiging close nila ay medyo nagkaroon ng kaunting espasyo simula ng dumating sa buhay ni Monique si Kent isa ding 4th year highschool na kilala sa University nila. Isa itong basketball player at siya din ang president ng Dance Troupe kaya sikat talaga ito sa school.

Nawala ang atensiyon ni Monique kay Cristelle na ikinalungkot naman ng dalaga. Pero sa kabila nito ay masaya naman si Cristelle para sa bestfriend niya dahil nakikita niya namang masaya ito. Madalas pa din namang nagkakasama si Monique at Cristelle pero sa bawat lakad nila ay kasama din si Kent. Sa dami na din ng beses na nakasama ni Cristelle si Kent ay nasabi nito sa sarili niya na "mabait ang taong ito at alam kong hindi niya lolokohin ang bestfriend ko". Pero lahat ito ay nagbago ng makita niya si Kent na may ibang kasamang babae at ang masaklap pa nito ay nakita din ito ng bestfriend niya.

Nakipagbreak si Monique kay Kent kahit sobra itong masakit. Dahil sa naramdamang sakit ni Monique ay naging laruan na lang sa kanya ang mga lalaki at kailanman ay wala na siyang sineryosong lalaki. Dahil nga sa nangyari kay Monique ay itinatak na ni Cristelle sa isipan niya na pare-pareho lang na mangloloko ang mga lalaki pero hindi niya isinama sa mga tinutukoy niya ang tatay at kuya niya.
Pero sabi nga ng nakararami walang permanente sa mundo sapagkat lahat ng iniisip ni Cristelle tungkol sa mga lalaki ay nawala lahat ng dumating sa buhay niya si Brix ang lalaking naging dahilan kung bakit laging nagiging abnormal ang puso niya. Naging kaklase niya si Brix nitong 4th year siya. Naging magkaibigan sila pero ang pagkakaibigan nila ay humantong sa pagliligawan.

Niligawan ng mahigit 3 linggo ni Brix si Monique at ang date na October 18 ay ang araw kung kailan niya ito sinagot na ang araw din ng kaarawan niya. Isinakto niya ito sa kaarawan niya dahil gusto niyang maging 16 muna siya bago niya ito sagutin.
Naging masaya sila sa relasyon nila tuwing monthsarry nila laging may surpresa si Brix kay Cristelle na labis namang ikinatutuwa ng dalaga. Pero nung ika5th monthsarry nila ay hindi sumipot ang binata sa sinabi nitong lugar kay Cristelle. Isang Italian Reataurant ang sinabing lugar ni Brix matagal na naghintay ang dalaga hanggang sa magsara na ang restaurant. Naiwan siyang nakatulala sa bench na nasa labas ng restaurant tuliro siya halo halong emosyon ang nararamdaman niya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon dahil kahit anino man lang ni Brix ay hindi niya nakita, hindi siya sinipot ng boyfriend niya na minahal niya ng sobra-sobra.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya wala na siyang lakas na tumayo man lang dahil halos lahat ng enerhiya niya sa katawan ay nawala na dahil sa pagiyak niya. 11 na ng gabi pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na dadating si Brix sinubukan niyang itext at tawagan ito pero wala namang nangyari.

2 linggo na din ang lumipas simula ng nangyari ang di pagsipot ni Brix sa monthsarry nila. Simula ng araw na yun ay hindi niya na din ito muling nakita hindi na ito pumapasok dahil lumipat na daw ito ng ibang paaralan. Hindi naman na inalam pa ni Cristelle kung nasaan na ito dahil hindi niya alam kung ano ang puwede niyang magawa pagmuli silang nagkita. Dahil sa nangyari kay Cristelle ay mas naging matapang na siya itinatak niya sa isipan niya na kahit kailan ay hindi na siya muling magpapabilog sa mga lalaki. Kinamuhian ni Cristelle ang lahat ng lalaki sa mundo pero sa paglipas ng panahon ay nawala na din ang poot ang sa puso niya. Natuto na siyang makisalamuha sa lalaki pero sinisigurado niyang hanggang kaibigan lang talaga.

Walang ibang may alam ng nangyari kay Cristelle at Brix kundi ang kuya niya. Hindi niya nga din sinabi kay Monique na nagkaroon siya ng relasyon dahil ayaw niyang malaman ito ng kaibigan niya sa di malamang dahilan. Nagsinungaling si Cristelle na hindi pa niya nararanasang magmahal dahil ayaw na niyang muling maalala pa ang mga bagay na matagal niya ng ibinaon sa limot.

End of Chapter

Kayo na po ang bahala

Your's Truly

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon