Chapter 11: Christian's Side

26 5 2
                                    

Dedicated to nzxcvm

Christian's POV

Di ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Ang gulo-gulo naman kasi!

Naasar ako sa sarili ko gawa nung nangyari nung school fair. Wala naman akong kinampihan sa kanilang dalwa kaso nga lang nasigawan ko si Cristelle. Pero kaya ko lang naman nagawa yun kasi alam kong walang laban si Trisha kay Cristelle. Di ko nga din akalaing may pagka-amazona pala yung babaeng yun.

Pero ang gulo talaga! Di ko alam kung anong gagawin ko ayan tuloy stress na stress na yung gwapo kung mukha. Natry ko ng itext siya kaso hindi naman siya rumereply naseenzone ata ako.
Tapos kahapon di niya din ako pinansin para ngang wala akong katabi kahapon -.-

Ngayon naman hindi ako pumasok kasi gusto ko munang magpalamig. Kaya nga lang bagot na bagot na ako dito ang tahimik kasi ng bahay. Minsan lang kasi umuwi si Mom at Dad laging busy sa business nila na imamanage ko sa tamang panahon tsk alam naman nilang ayaw ko ng commitment tapos sakin nila ipagkakatiwala yun bahala nga sila. Wag lang talaga nila akong sisisihin pagnalugi yung kompanya -_-

Kuya! sigaw nung bunso kong kapatid ang aga naman ng labasan nila.
.
Bakit bunso? Halika nga dito. tawag ko sa kanya.
Tumakbo siya papalapit sa akin tapos umakyat siya ng kama ko at nagtatalon. Ang cute cute talaga nitong batang ito sarap pisil pisilin ng pisngi tsk.

Hoy! Itigil mo nga yang pagtalon mo sa kama ko. Pagikaw nalaglag siguradong mababawasan yang kakyutan mo. pagsaway ko sa kanya. Bigla namang nanlaki yung mata niya nung narinig  niya yung salitang cute.

Iiihhhh! Kuya di nga cute ako? Sigurado ka ba? kinikilig na tanong nung kapatid ko tamo ito batang bata pa sobra sobra na kung kiligin.

Oo cute ka! Kaya itigil mo yang pagtalon sa kama mo kung ayaw mong mabawasan yang kakyutan mo pagnalaglag ka. tumigil na siya sa pagtalon sa kama tsaka siya umupo sa tabi ko.

Kuya alam mo napakabolero mo! Maligo ka na nga lang ang baho baho mo na eh kanina ka pa nakahiga diyan sa kama mo! pangaasar nung kapatid ko. Pinisil ko nga yung matataba niyang pisngi.

Ano ba kuya! Wag yung pisngi ko!

Aray! sigaw ko. Ikaw kaya ang kagatin tsk ang liliit pa naman ng ngipin nung batang yun kaya ang sakit mangagat.

Masakit kuya? Hahaha buti nga sayo. tapos bumelat pa siya sabay takbo palabas. Hay nako makaligo na nga lang.

*Bar*

Andito ako sa bar ngayon. Naisip ko kasi munang lumabas para mabawasan kahit papaano yung isipin ko. Kanina pa ako umiinom pero di pa rin ako tinatamaan. Kung sino sino na ngang malalanding babae ang tumabi sa akin kaya nga lang wala ako sa mood ngayon para makipagflirt.

Brad! biglang may humampas sa likod ko.

Oh? Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa umuwi? tanong ko kay Bryan. Galing kasi siya ng US dun ko nga siya nakilala eh

Nung isang araw lang. Ano kamusta ka na brad? Long time no see ah. tanong ni Bryan

Ok lang naman, ikaw ba?

Ok lang din. Ano palang ginagawa mo dito? May problema ba?

Wala naman may iniisip lang. wala nga ba? Wala naman talaga akong problema may iniisip lang tsk.

Nagkuwentuhan lang kami ni Bryan. Nasabi niya din sa akin na pumunta siya sa school namin nung isang araw pinuntahan niya daw yung kababata niyang si Cris. Mga 5PM nagpaalam na ako sa kanya.

Sumakay ako ng kotse ko tapos pinaandar ko na. Naisipan kong dumaan muna sa school nagbabaka sakaling nandun pa si Cristelle gusto ko kasi siyang kausapin para magpaliwanag sa kanya kahit wala naman akong dapat ipaliwanag -.-

Pagbaba ko sa kotse ko dumiretso ako sa room kaso wala ng tao nakauwi na din siguro si Cristelle di ko na siya naabutan.

Kabadtrip naman makapunta na nga lang sa garden. Pumunta ako sa favorite spot ko sa garden. Halos isang linggo na din ako dito sa school na ito at naging hobby ko na din ang tumambay sa ilalim ng malaking punong ito.

****
Wala namang magawa dito makaalis na nga. Nung naglalakad na ako sa hallway napansin kong may tao dun sa locker room. Dun kasi ako sa kabilang hallway dumaan kanina kaya ngayon ko lang napansin na may tao pala dito.

Pinagpatuloy ko na yung paglalakad ko kaso nung malapit na ako sa locker room namukhaan ko yung babae. Si Cristelle yun di ako maaaring magkamali, hinintay kong matapos yung babae para masigurado ko kung siya nga iyon. Pagkasara niya nung locker niya dun ko na nasiguradong siya nga iyon kaya nung tumayo siya di na ako nagatubili. Hinigit ko yung kamay niya at kinaladkad ko siya papunta sa garden.

Kung ano-ano pa ngang pinagsasabi niya kanina habang kinakaladkad ko siya. Ang malupit pa dun tinawag niya lang naman akong rapist. Sa gwapo kong ito nagmukha pa akong rapist tsk pero kung sabagay di pa nman niya alam kung sino ba yung humihila sa kanya.

****
Pagdating namin sa garden dinala ko siya sa ilalim ng puno yung favorite spot ko. Di ko alam kung ano ba itong ginagawa ko basta ang alam ko  gusto ko siyang makausap.

Aishh nahihilo na ako tsk napadami ata nainom kong vodka. Isinandal ko si Cristelle sa puno, pagkasandal ko sa kanya ay iniangat ko yung mukha ko para makita yung reaksiyon niya. Gulat na gulat yung reaksiyon niya matapos niyang makita yung mukha ko. Di ko alam kung ano bang nangyari sa akin at bigla ko na lang hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Pero yung sumunod na pangyayari hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun basta ang alam ko ay HINALIKAN KO SIYA.
Oo hinalikan ko talaga siya pero nagulat ako ay nung hinalikan niya din ako pabalik.

Halatang halata na nagulat din siya dun sa ginawa niya kaya pilit siyang bumitiw at itinulak ako palayo tapos lumapit siya sa akin at sinampal ako sa abot ng kanyang lakas. Wala akong naramdaman na sakit sa pisngi pero ng sabihin niya ang mga salitang ito ay biglang kumirot ang puso ko sa di malamang dahilan.

B-bakit mo ginawa yun ha?! Sino ka para halikan ako?! Bastos ka! Manyakis! Pervert! Walang modo! pagkasabi niya nun ay tumakbo na siya paalis.

Sino nga naman ako diba? Di niya naman ako kaibigan. Isa pa di naman naghahalikan ang magkaibigan. Wala din namang namamagitan sa amin tsk ano ba itong nagawa ko. Ikaw na Christian ang galing mo talaga. Pero ang tanong ngayon ay kung paano ko ito aayusin.

Trisha's POV

Did you see that girl? Nagkiss sila. sabi ni Abby

Oo nakita ko di naman ako bulag eh nakuhaan ko pa nga ng picture. sabi ko naman
I have a really great evil plan HAHAHA (evil laugh)

At bakit ka naman biglang ngumingiti? May masama ka bang binabalak? tanong ni Elle

Oo naman humanda sakin yang malanding yan. mataray kong sagot

Baka puwede mo namang ishare samin. suggestion ni Misty

Wag kayong excited bukas na lang weekend naman diba.

Okay! they said in a unison

Paano ba yan Cristelle bilang na ang masasayang araw mo because I will make your life a living hell >:-)

End of Chapter

Sorry medyo na late yung update hahaha ✌Long chapter naman siya kaya pagbigyan niyo na ako LOL. Thank you nga pala kay prettypatoots sa paggawa ng bagong cover ng What is Love?
Thanks din sa patuloy na pagbabasa sana po wag kayong magsawa.

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon