Chapter 14: C2

25 4 2
                                    

****
What is Love?

Love is unpredictable because all of us do not know when will love come to us.
****

Christian's POV

Paano ako magpapaliwanag ngayon? Bahala na nga! Sino ba kasing nagpakalat ng picture na yun.
Andito ako ngayon sa tapat ng prefect of discipline office pinatawag kasi kami ni Cristelle nung principal yung lola ni Monique.

Flashback:

Chris at Cristelle! Pinapatawag kayo ng principal sa prefect of discipline office. shit anong gagawin ko? Bakit kasi may nagkalat na picture namin.

Cge. yun na lang nasabi ko

Asan na kaya si Cristelle? Bakit kaya wala pa yun? Alam na kaya niya yung tungkol sa picture? Papasok kaya siya? Galit pa kaya siya?

Konsensiya: Puro ka tanong! Kung inuumpisahan mo na sanang maglakad edi nasagot na sana yang mga tanong mo!

Okay! Wag kang magalit -.-

End of Flashback

Di ko malaman kung papasok ba ako o hindi. Kanina pa ako dito sa labas ng pintuan ng office ni Mrs. Mabel pero hindi pa rin ako pumapasok pinagtitinginan na tuloy ako nung mga dumadaan. Tsk bahala na nga.

Cristelle's POV

Ano bes matagal pa ba? sigaw ni bes

Oo ang lagkit kaya nung icing! sigaw ko pabalik

Bilisan mo na baka hinihintay ka na ni Grandma! naku kinakabahan ako T_T

Oo!

Andito ako ngayon sa banyo naghuhugas ng kamay at buhok nalagyan kasi ng icing dahil sa pagsabunot ni Trisha the frog.
Buti na lang dumating si Nick dahil kung hindi siya dumating baka nakalbo talaga namin ni bes yung apat na yun. Naikuwento na din sa akin ni bes na pinsan niya pala si Nick kauuwi lang daw nito nung friday last week. Siya pala yung kinukwento sakin lagi ni bes na kaclose niyang pinsan tapos si bes naman lagi din akong kinukwento kay Nick kaya pala nung nagkita kami ang sinabi niya ay "It's nice to finally meet you' kasi nakilala niya ako dahil sa kadaldalan ni bes. Nasabi din sakin ni bes na half pinoy at half chinise si Nick kaya pala chinito siya.

Pagtapos kong maglinis ng buhok lumabas na ako.

Tagal mo naman bes masisira na ganda ko sa init eh. pagrereklamo ni bes

Di kaya ang ganda mo nga eh alam mo tisay ka talaga. ang ganda talaga ni bes. Ang ganda ng mga singkit niyang mata, matangos na ilong, tapos hazel brown pa yung kulay ng mata niya, idagdag mo pa yung mapupula niyang labi tsaka yung height niya na 5'11 nanliit tuloy ako.

Nako! Maliit na bagay haha! loka-loka talaga. Pero mas maganda ako hahaha! Yung mga mata ko medyo bilugin na may pagkasingkit kahit wala akong lahi, light brown kulay ng mata ko, matangos din ang ilong ko, pero mas lamang parin sa height si bes 5'5 lang kasi height ko ang lamang ko lang mas malakas appeal ko tsaka mas kissable ang lips ko haha! sariling buhat ng bangko huhuhu! Walang basagan ng trip!

Bes nagdudugo labi mo? kinapa ko yung labi ko tapos tiningnan ko yung mga daliri ko may dugo nga pero paano nangyari yun?

Bes bakit dumugo? nagulat si bes sa tanong ko

Anong klaseng tanong yan? Ako pa tatanungin mo eh napansin ko nga lang na dumudugo nakagat mo siguro.

Ang dami mo pang sinabi sasagutin mo din pala yung tanong puwede namang sabihin na lang na "nakagat mo siguro bes" pinapahirapan mo pa sarili mo. loka-loka talaga

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon