Chapter 12: Mysterious Guy

28 4 3
                                    

Dedicated to misstiaradoll

Cristelle's POV

Ano ba Cristelle makinig ka naman sa akin! sigaw sa akin ni Christian

Wala naman akong dapat pakinggan sayo! Kung iniisip mong nagalit ako dun sa ginawa mong paghalik sakin puwes nagkakamali ka gustong gusto ko nga yung ginawa natin eh! sinigawan ko din siya

Ha?! Nagustuhan mo yung paghalik ko sayo? Kaya ba hinalikan mo din ako pabalik. tuwang-tuwa na tanong ni Christian

Oo nagustuhan ko kaya wag ka ng magaksaya ng oras para magpaliwanag sakin.

Puwede ba nating ulitin yung kiss? iiihh anebeyen nakakakilig tsk ang landi niya naman hihihi

Nakakahiya naman.

Huwag ka ng mahiya nagawa na nga natin nung minsan eh ngayon ka pa ba mahihiya tsk. sabi ni Christian

S-sige na nga.

Unti-unting naglapit ang mga mukha namin. Hinawakan niya yung pisngi ko habang patuloy ang paglapit ng mga labi niya sa labi ko. Sobrang lapit na ng mga labi namin ayan na magdidikit na ang mga labi namin at......

Ahhh! Anong klaseng panaginip yun huhuhu! Panaginip ba talaga yun o isang nakakatakot na nightmare. huhuhu bakit ba kasi ako hinalikan ng lalaking yun kung ano-ano na tuloy napapanaginipan ko!

*tok-tok* (sound effect yan may kumatok kasi sa pinto hahaha )

Pasok bukas yan! sigaw ko

Hampasin kaya kita! Kakatok pa ba ako kung bukas yung pinto! sigaw ng magaling kong kuya

Sino bang may sabing pumunta ka dito! lumapit ako sa pintuan at nakita kong nakalock nga ito hehehe

Kung hindi ka sana sumigaw edi hindi ako pupunta dito! kasalanan ko pala hehehe ✌

Pasensiya na wag kang highblood. binuksan ko yung pinto at pumasok si kuyang nakakunot ang mga noo sayang tuloy yung gwapo ni kuya.

Ano ba kasing pumasok sa isipan mo at kailangan mo pangsumigaw ha?! galit na tanong ni kuya

Wala ka na dun! Lumabas ka na nga sa kwarto ko!

Ewan ko sayo! Maghilamos ka nga may panis na laway ka pa eh tsk. bastos ito ah. Pumunta ako sa banyo at humarap sa salamin. Wala naman akong panis na laway eh bulaan talaga yung higanteng yun -.-

****
Napagpasiyahan kong pumunta sa park wala kasing magawa sa bahay sigurado namang aasarin lang ako ng mabait kong kapatid.
Maitext nga si bes monique para naman may makasama ako. Naghanap muna ako ng puwedeng mapuan at ang napagtripan kong lugar ay yung swing ang cute kasi haha!

To: Besty Monique

Ui bes may gawa ka ba? Kung wala punta ka dito sa park wala kasi akong kasama :)

Sent.

Hinintay ko yung reply niya. Maya maya nagreply na din siya.

From: Besty Monique

Sorry bes di kita masasamahan may date ako ngayon eh hihihi <3

To: Besty Monique

Date? Tsk ang landi mo talaga bes magiingat ka ha baka marape ka SANA! Hahaha joke! Date lang ha! Baka mamaya kung ano pang gawin niyo.

From: Besty Monique

Ewan ko sayo! Sige na gogorabels na ako nandito na ang date ko hahaha. Ingat ka diyan ang alam ko kasi mading rapist diyan hahaha babush.

Loka-loka talaga ito -.-
Inikot ko yung mata ko sa paligid, ako lang pala tao dito huhuhu baka mamaya may rapist nga dito T-T uwi na lang kaya ako. Kaya nga lang nandun yung asungot kong kapatid.

Konsensiya: Sige pumili ka magiistay ka sa park pero marerape ka o uuwi ka sa inyo pero aasarin ka lang ng kapatid mo. Pili-pili din pag may time

Lalo mo lang ginulo isip ko eh manahimik ka na nga lang huhuhu.

Hi miss.

Ay puwet ng nanay mong mabantot! napasigaw ako sa gulat. Tiningnan ko yung tumawag sakin isang lalaki matangos yung ilong, mga 5'8 ang height , mistiso, chinito at ang pogi niya huhuhu ngayon lang ako pumuri ng gwapo kaya magdiwang kayo!

S-sino ka? nauutal kong tanong

Just call me Nick. saad niya sabay smile. Diyos ko Lord bakit niyo ako hinainan ng isang gwapong nilalang huhuhu.

Ah o-okay. himala ata at nakaramdam ako ng hiya ngayon. Ganito ba ang epekto ng gwapo sakin?

Ikaw ano pangalan mo? ano ba yan ang gwapo ng boses niya tapos ang lambing pa.

Ah ako si Cristelle. bigla siyang ngumisi may nakakatawa ba sa sinabi ko? -.-

So Cristelle it's nice to finally meet you. finally meet you? Bakit matagal niya na ba akong kilala? Ang gulo naman. Inilahad niya yung kamay niya iniabot ko din naman yung kamay ko at kinamayan siya baka mamaya isipin niya pang suplada ako.

Nice to meet you too. Puwede bang magtanong? I just want to clarify something.

Eh nagtatanong ka na nga eh. sabi niya sabay smirk tss leche naman itong gwapong ito eh napakagaling mangbara -.-

Oo puwedeng magtanong haha! may sapak ata ito eh tss

Kasi diba sabi ko kanina it's nice to finally meet you.

Then? tanong niya

Matagal mo na ba akong kilala?

Secret hahaha sige alis na ako.
tumayo na siya at nagsimula ng maglakad ang galing niya ding kausap diba.

Wait lang sagutin mo muna yung tanong ko. naguguluhan kasi ako. Tumigil naman siya at humarap sa akin pero kinindatan niya lang ako tapos nagpatuloy na siya sa paglalakad niya hanggang sa makarating siya sa isang kulay blue na motor. Sumakay siya dito at pinatakbo na ito ng pagkabilis-bilis.
.
Naiwan akong tulala dun sa swing. Ang saya diba kaasar naman yung lalaking yun. Ano nga ba pangalan niya Vic? Tama ba tsk bakit ba kasi napakahina ko sa pagmememorize ng pangalan. Wait processing pa yung utak ko.....
1%.....56%.......79%.......85%.....96%.....99.9%......TING. Yun na alala ko na yung name niya siya si Rick hahaha ang galing ko talaga!

Konsensiya: Tsk akala ko naman natandaan mo na talaga. Nick ang pangalan niya hindi Rick -.- Magmemo plus gold ka nga!

Sorry naman ha! Edi ikaw na da best ka eh tss. Diba pati konsensiya ko pinapatulan ko na.
Kung sino man yung lalaking yun kanina kung si Nick man siya o si Rick-

Konsensiya: Nick nga diba

Edi Nick , ito lang ang masasabi ko mas lalo mong pinagulo yung isip ko huhuhu. Sana naman maging maayos ang araw ko sa Monday wag lang talaga sana akong guluhin ng Asungot na yan dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko lalo na at may nangyari sa amin. HAY NAKO!

End of Chapter

Oh Chinito! Hahaha himala ata at may pinuri si Cristelle. Minsan lang mangyari yan kaya pagbigyan niyo na hahaha.

Kayo na bahala. :)
Your's Truly

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon