Chapter 16: On the Other Side

30 1 1
                                    

****
What is Love?

Love is when you feel something inside your system pushes you to do an act to correct all your mistakes.
****
Brixelle's POV

Babe punta tayo sa mall bilis na. Minsan na nga lang kita ayain ayaw mo pa akong pagbigyan. pagmamaktol ni Cheska

Nakakaasar naman itong babaeng ito sobrang kulit di kagaya ni Elle pagsinabi kong ayaw ko tumitigil na kagad siya sa pangungulit. Kamusta na kaya si Elle?

Ano ba babe pansinin mo naman ako
Isusumbong kita sa dad mo pagdi mo ako sinamahan! tss blackmail girl talaga ang lin*ik

Oo na! tumayo na ako sa pagkakaupo tas umakyat sa taas at nagbihis. Nagsuot lang ako ng plain na V-neck tshirt na kulay blue tapos fit na pants at ang paborito kong sapatos.

Bumaba na ako at sumakay sa sasakyan ko. Matagal magbihis yung babaeng yun kaya di ko na hinintay.

30 minutes later...

Bakit wala pa rin yun?
Bumaba ako sa kotse at pumasok sa loob nadatnan ko si Cheska na nakaupo sa sofa.

Anong ginagawa mo diyan? Akala ko ba pupunta tayo sa mall eh bakit nakaupo ka pa diyan?! medyo asar kong tanong

Ikaw naman kasi eh lagi mo na lang akong iniiwan. Magfiance tayo Brix kaya sana naman ituring mo ako ng tama! Alam ko namang di mo parin ako tanggap bilang fiance mo dahil arranged marriage lang naman tayo pero kahit minsan naman Brix iparamdam mo sa akin na may pakialam ka sa akin! natahimik ako bigla. Ganun na ba ako kasama sa kanya? Di ko naman kasi maiwasan lalo na't magkasama kami sa iisang bahay tapos hindi pa ako komportable sa kanya tsk.
.
Wag ka na ngang umiyak tara na nga. kinuha ko yung kamay niya at hinila ko na siya palabas. Nagulat siya nung pagbuksan ko siya ng pinto pasakay sa kotse madalas kasi pagnaalis kami hindi ko siya pinagbubuksan.
.
Tahimik lang siya sa buong biyahe hanggang sa nakadating kami sa mall.

Nagugutom ka ba? Gusto ko kain muna tayo? tanong ko kay Cheska

Tumango lang siya sa tanong ko tsk di ako sanay na tahimik itong babaeng ito. Dinala ko siya sa isang Italian Restaurant. Bakit nga ba dito ko pa siya dinala naalala ko nanaman tuloy si Elle.

Ano tatayo lang ba tayo dito sa labas tsk? pagkasabi niya noon pumasok na siya sa loob.

Pumunta naman ako kagad kung saan siya pumwesto. Seryoso lang siyang nakaupo dun sa lamesa tsk nakakatakot.

Hoy! Ano bang problema mo? Bakit ang taray mo sakin ngayon ha? tiningnan niya lang ako ng masama sabay smirk tsk makaorder na nga lang. Pagbalik ko nilagay ko na yung mga inorder ko sa lamesa para sa aming dalwa. Nagningning naman yung mata ni Cheska at nagsimula na sa pagkain hay nako! Basta kainan talaga.

Cristelle! biglang may sumigaw sa loob ng restaurant kaya napatingin ako sa direksiyon nung sumigaw.

May nakita akong isang lalake tapos may babae siyang kasama na nakatalikod. Sino kaya yun? Magkapangalan pa naman sila ni Elle maganda din kaya siya. Maya-maya humarap na yung babae sa direksiyon namin.

OoO
Nagulat ako sa nakita ko bakit nandito si Elle? Nagkatitigan kami ng may ilang segundo kitang kita ko sa mata niya yung poot at galit. Pagtapos naming magkatitigan hinila niya na yung kasama niya palabas. Sa di malamang dahilan ay tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan ko sila palabas tinawag ako ni Cheska pero di ko siya pinansin.

Elle ikaw ba yan? hindi niya ako sinagot.

Pre anong kailangan mo kay Cristelle? tanong ng kasama niyang lalaki .

Elle magusap naman tayo. sinigawan niya lang ako at hinigit niya uli palabas yung kasama niya.

Bitawan mo ako! Tara na Christian.
pero pinigilan ko parin siya

Bitawan mo sabi ako! tinanggal niya yung pagkakapit ko sa kanya

Mag-usap naman tayo Elle! Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na magpaliwanag please. pagmamakaawa ko

Huwag mo nga akong tawaging Elle dahil simula ng iniwan mo ako ng wala man lang pasabi nawalan ka na ng karapatan. Tsaka ikaw magpapaliwanag ang sabihin mo bibilugin mo lang ang ulo ko sa mga kasinungalingan mo! galit na galit niyang sigaw

Hindi ko naman gustong iwan ka-
pinutol niya ako sa pagsasalita

Huwag ka ng magpaliwanag pa puwede ba huwag mo na akong sund-
Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita hinila ko siya at hinalikan ko siya sa labi. Pero ng nakarecover siya bigla niya akong sinampal ng paulit-ulit.

Cristelle tama na yan! Halika na.
pinigilan na siya nung kasama niya at hinila na ito palayo sa akin.

Naiwan akong tulala dun sa labas ng restaurant. Hinawakan ko yung mga pisngi kong sumasakit dahil sa sampal ni Elle pero wala pa ito sa sakit na naramdaman niya dahil sa ginawa ko. Kung alam mo lang sana ang lahat Elle.

End of Chapter

Kayo na po ang bahala :)

Your's Truly

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon