Stare

8 0 0
                                    

Stare by J.M.V

~

STARE

I’ve always looked at him from afar. Pero hindi ko alam, kung isa ba sa milyong beses na tinitigan at sinulyapan ko siya ay napansin o nalingat man lang siya para makita ako kahit na isang segundo lang. Pangarap? Well, siguro ganun lang talaga ang buhay. Hanggang pangarap nalang lahat.

Sino ba naman ako para mapansin ng isang Hugh Gothico dba? Isa lang naman akong hamak na babaeng patay na patay sa kanya at walang ibang ginawa kundi titigan lang siya sa malayo. Ako nga pala si Anna Tuazon, 17 years old at limang taon ng patay na patay sa ultimate love of my life na si Hugh – boyfriend ko. Hahaha. Charot lang! Ang ambisyosa ko ba? Well ganun talaga kapag nagmamahal ka e. Kahit pangarap nalang yan ipupush pa din! Malay mo naman dba? Magkaroon ng real life godmother na katulad ng kay Cinderella o kaya naman may mabuhay sa mundong ito na wicked witch katulad ng kay Snow White at Sleeping Beauty na isang halik lang ay magigising na with matching happily ever after pa pagkatapos ng storya.

Pero wala nanaman ganun sa mundo dba? Lahat ng yun katang isip lang.

“Uy Anna!” 

“Anak ng tokwa!”Nagulat ako sa kumalbit sa akin.

Palingat ko si Emiko pala. Anak ng tokwa talaga tong bespren ko ang ganda tumayming. Nadaday-dream pa ako kay Hugh my loves e.

“Anak ako ng nanay at tatay ko. Hindi ako anak ng tokwa” T_T Bakit ganyan bespren ko? Sarap hambalusin.

“Ewan ko sayo! Chupi, dun ka sa boyfriend mo!”Pagtataboy ko sa kanya. Tinignan naman niya ako with her big eyes.Hahaha.

“Boyfriend? Wow bespren ha. Kelan pa ako nagkaroon ng boyfriend?Sa pagkakatanda ko kase nung gumising ako kaninang umaga wala naman akong sinagot sa mga nanliligaw sa akin.” Sabi naman niya sa akin. So kailangan niya talaga ipangalandakan sa akin na madami siyang manliligaw? Hayup na kampon ni Satanas tong bespren ko. Mang-inggit ba?

Bakit ba kase hindi nalang ako naging kalevel nila Chandria. Maganda tapos matalino pa.

“Ewan ko sayo” Sabi ko nalang ulit sa kanya.

Nagsalukbaba nalang ako.

“Taray taray mo no. If I know ito lang katapat mo” Sabay labas niya ng picture ni Hugh my loves. Nanlaki naman yung mata ko tsaka napatayo.

“SAN MO NAKUHA YAN!?”Stolen picture ni Hugh my loves yung nakikita ko ngayon at take note! Ang gandang kuha nung nasa picture.

Agad ko naming hinablot yun sa kanya. Lumapit ako kay Emiko at kunwari pa siyang ikikiss pero hinarang niya yung mukha ko ng palad niya. “Iyyh! Wag na bespren! Isaksak mo na yang picture ni Hugh sa baga mo! Baka sakaling tumagos papuntang puso mo” Ano daw? Minsan hindi ko talaga gets yung mga linya niya e. Ang weird lang talaga.

“Eto naman. Ikikiss ka lang para magpa-thankyou e.” Sabay pout. Pacute muna ako sa bespren ko baka sakaling tumalab! Hihi.

“Nga pala bespren, nabalitaan mo na bang may merge ngayon sa PE?” Sabi niya sa akin.

“O ngayon? Pakialam ko naman. Kung sanang kasama ko si Hugh my loves ko mamayang PE edi masaya ako ngayon.” Pagtataray ko sa kanya habang todo smile ko naming tinutunaw sa picture ang aking my loves.

“Sila Hugh nga yung kamerge natin.”Mabilis pa sa alas-tres akong napatayo at nagtatatalon. Mukha na akong tanga dito kakatalon pero ano bang magagawa niyo!? Ang saya ko kaya.

Story-Making ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon