Panyo by S.M.B
~
“Shiela ayoko na..” Nagulat ako sa mga sinabi niya.. Automatic na napaluha ako dahil dun..Di ako makapagsalita,di ako makapaniwala..“Tama na..”
“B-bakit C-ced?” sambit ko habang tuloy tuloy parin sa pagluha.. habang gulong gulo ang isipan..
“Itigil na natin to.. wala nang patutunguhan ang relasyong to.. shiela.. wala na”. Hinawakan niya ang dalawang kamay kong nanginginig na ngayon.. “Itigil na natin.. shiela please”
“May kulang ba? C-ced ano? Ced naman..” Humigpit lang ang hawak niya sa mga kamay ko.. “C-ed please.. Wag namang ganito..” pagmamakaawa ko..
“Shie…” nakayuko siya.. lalo akong napahagulgol dahil sa pagsambit niya ng pangalan ko.. Ced.. ayoko.. ced..
Di ko alam kung bakit ganito ang nangyayari ngayon.. di ko alam kung bakit siya ganito.. maayos naman kami ee.. maayos ang relasyon namin.. Masaya kami.. Pero bakit ganito.. bakit?
Anniversary namin ngayon.. diba dapat Masaya kami?.. diba dapat nageenjoy kami?.. diba dapat tuwa ang makikita sa mga mata namin hindi luha? Diba dapat saya ang nararamdaman namin pareho? Pero bakit makirot? Bakit masakit? Ayoko nito ayoko..
“Shiela…” nakayuko parin siya..
“Bakit ba? Bakit ka bibitaw? Masaya naman tayo diba? Ano bang problema sabihin mo naman Ced please..” Tuloy tuloy parin ang mga luha ko sa pagtulo.. di ko alam pero di na ata sila titigil.. dahil hindi ko kayang pigilan.. Hinawakan ko ang mukha niya at inangat ang ulo niya para makita ko siya.. tinitigan ko ang mga mata niya.. ayokong itanong dahil di ako handa sa isasagot niya.. Ayoko mang itanong pero dapat.. “C-ced m-mahal mo pa b-ba ako?” utal utal na tanong ko..
“Sorry” Isang simpleng salita lang pero sobrang sakit.. parang isang milyong kutsilyo ang tumusok sa puso.. isang salita lang pero siya namang nakapagpaguho sa mundo ko.. Bumitaw ako.. kahit ayoko.. bumitaw ako kahit masakit.. Tumayo ako.. at tumalikod sa kanya.. “Sana maging Masaya ka” yan ang huling pangungusap na binitawan ko bago ako tumakbo at lumayo..
Di ko alam kung saan ako tutungo di ko alam kung saan ba dapat.. Malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo.. Masakit.. kasi mahal ko si Ced sobrang mahal ko siya..
Napaupo nalang ako sa kalsada dahil wala na akong lakas nanghihina na ako.. Nanginginig ang buo kong katawan.. Wala na akong pakialam kung sino man ang makakita sakin ngayon dito.. wala na akong pakialam kung anong isipin nila.. kasi wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.. wala na..
Nagulat nalang ako nang may biglang kamay na may hawak na panyo sa harapan ko.. “Miss kailangan mo yan.. Kunin mo na..” Napatingala ako dahil sa nagsalita.. Lumuhod siya at pinunasan ang luha ko.. “Di ka dapat umiiyak sa kalsada miss.. Di bagay sayo.. ang ganda mo pa naman” Tumayo siya at kinuha ang kamay ko para itayo.. Namumukhaan ko siya pero di ko alam kung saan ko siya nakita.. tsss wala ako sa mood para alalahanin pa..
Ngumiti siya ng matamis sakin pero.. di ko kayang ngumiti pabalik.. Yumuko lang ako.. nakakahiya.. para akong isang batang naagawan ng candy sa itsura ko ngayon.. “S-salamat”yan nalang ang nasambit ko.. tatalikod na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.. At pinihit niya ako paharap sa kanya.. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin.. Weird yung pakiramdam dahil sa yakap niya pakiramdam ko safe ako.. Pakiramdam ko maayos ang lahat.. lahat okay..