Nang Dahil sa Ask.fm ni A.D
~
Hindi ko alam, siya na pala. Ang una kong pag-ibig.
Nauna ko siyang naka-usap sa ask.fm. Naka-anon siya kaya pilit kong inalam kung sino siya pero hindi talaga siya nagpakilala.
Flashback.
Makapag-online na nga sa ask.fm, sabi ko sa isip ko. Medyo hindi ko na rin ito nabubuksan kaya baka na-flood na ako dito. Medyo kilala na rin kasi ako sa wattpad kaya may mga nagtatanong kung kailan ang update ko.
Pagkabukas ko ng account ko, 152 questions ang tumambad sa mga mata ko. BAKIT ANG DAMI?! Masasagot ko ba lahat ‘to?
Tiningnan ko isa-isa ung mga tanong at sinagot sila. Baka kasi kapag hindi nila ako pinansin, baka sabihan nila akong snob at bratinella. Masyado kasi silang judgmental.
Halos masagutan ka na lahat hanggang sa may nakita akong sunud-sunod na tanong. Pare-pareho lang ung mga tanong niya.
“Hi, pwede ka bang maging girlfriend?”
Tiningnan ko ung time ng pagsend niya.
Same time, different days.
Ang galing naman nito! Nag-aalarm kaya siya para lang masend ‘to?
Ni-replyan ko siya.
“Di pwede e. Taken na si Mr. Heart.”
Totoo naman e. Taken na naman talaga siya. Nino?
Ni Mr. Hugh Gothico.
Kaso, hindi man niya yata ako mapapansin… Sino nga ba kasi ako? Simpleng estudyante lang na walang pumapansin. E siya? Sikat sa campus, andaming may gusto sa kanya… Haaay. Isa siyang bituing hindi ko kailanman maaabot.
Isasara ko na sana ang computer nang makita kong may notif ako sa ask.fm.
“Ay, sayang naman… Ayaw mo talaga?”
Nagtanong na namin si Mr. di-ko-alam-ang-name. Tawagin na lang natin siya Mr. MG. MG stands for Mystery Guy. Catch?
Nireplayan ko naman.
“Why so persistent?”
“Kasi, I like you.”
“Pero, di kita kilala.”
“Fine. Just three weeks. Three weeks lang magiging tayo. Give it a chance!”
“Hala, di man nga kita kilala tapos tayo na agad?”
“At least we tried diba? There’s no harm in trying. At least, in the future, masasabi mo sa sarili mo na ay nasubukan ko ito. If it’ll turn out wrong, you’ll learn from it. If it’ll turn out right, then be proud of it.”
Wow. Lalim magsalita ni Kuya. May pinaghuhugutan?
“Lalim, san hinukay yan? :)).”
“Eto naman. Ang seryoso na nga. O ano na?”
Napaisip naman ako. Tama nga naman siya. At least sinubukan ko. Wala namang nagbabawal sa akin. Pwede na rin naman akong magka-boyfriend. Ang dahilan kasi nila Mama, ganito rin daw ang edad nila nung una silang mapasok sa relasyon.
Maybe, oras na rin para kalimutan si Hugh and start focusing on other things…
Well, di naman pwedeng puro na lang ako Hugh diba? Paano kung hindi naman pala talaga siya yung para sa akin? Edi nasira lang ang buong highschool life ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/6490671-288-k902018.jpg)