Just A Dream

24 0 0
                                    

Just A Dream by M.M

~

Just A Dream…

Hugh Gothico’s POV.

I just can’t believe na totoong buhay na pala toh. Hindi na toh biro o panaginip 

lang. Realidad na talaga toh.

Bumalik lang ako sa katinuan ko nung kinalabit ako ng Anak ko.

“ Daddy, why you’re spending your time looking at that toy car in your car collection? “ Sabi niya.

“ You know why Steven? This is the best TOY CAR of your dad. “ Tapos hinimas ko yung buhok niya.

“ Hmm, why Daddy? Why this red old style toy car is very important to you? “Napahawak pa siya sa baba at napatingin sa taas. Mukhang curious talaga siya.

“ Well, let’s take a seat first and I’ll tell you the story of this toy car! “ Tapos dinala ko siya sa may living room para makaupo.

“ Yey. Daddy will tell a story, but wait. I will call Gyver. Para na din po marinig nya yung story! “  Tapos tumakbo na siya sa taas.

“ Kuya Hugh, ikwekwento mo na ba sa anak mo ang buong kwento? “ Si Yugi pala nandito na rin.

“ Oo Yugi. Siguro panahon na din na sabihin ko to kay Steven. “ Sa tingin ko, kailangan nya din naman malaman to. Parte na din siya ng buhay ko ehh.

“ Daddy! Daddy! You can start to tell us the story. Andito na po si Gyver oh. “

“ Ok, Have a seat.  *sigh* Nagsimula ang lahat sa…. “

*FLASHBACK *

Third Person’s POV

Time Setting : August 21, 1978, Hospital (May kalaliman ang mga tagalong words ditto. 1978 eh)

“ Hello Baby! “ Sabi ni Seth sa kanyang bagong silang na anak.

“ Hmm, Seth. May naisip ka na bang pangalan para sa Baby Boy natin? “ Sabi ng asawa ni Seth na si Miq na mapapansing mong nanghihina pa dahil mahigit 2 oras pa lang ang nakalipas nung isinilang nya ang kanilang anak. 

“ Uhhhm. Teka Miq. Iisip lang ako. “  At nag-isip nga ng matagal si Seth.

Kumuha siya ng Papel at Lapis at nagsulat ng mga letra at numero. Hindi ko pa nga pala nasasabi na guro ng Matematika itong si Seth sa Sekundaryang Paaralan sa kanilang Bayan.

“ Aha. Nakuha ko na. Ito ang babagay na Pangalan sa anak natin! “ Pagmamalaki ni Seth sa kanyang asawa.

“ Maghinay-hinay ka nga sa pagsasalita mo Seth. Nagulat naman ako sa iyong pagsigaw. “ Angal ng kanyang asawa.

“ Paumanhin Miq. Ito na. Ang napili kong pangalan sa kanya ay HUGH! “ Sabi ni Seth habang may pagkinang sa kanyang mga mata.

“ HUGH? Bakit naman Hugh? At para sa ganung pangalan kailangan mo pa ng Papel at Lapis? Saan mo nga ba kinuha ang pangalang yan? “

At ipinaliwanag na nga ni Seth sa kanyang asawa kung bakit Hugh ang pangalan nito.

“ Ganito kasi yan Miq. Ang petsa ngayon ay ang kapanganakan ng ating anak. Ngayon ay Agosto 21, 1978. Kung bibilangin mo ang Agosto sa kalendaryo ay pang-walo ito diba? Isinama ko na lang din ang 21 at 78. Kung ibabagay mo ang mga numerong ito sa Alpabeto, ito ang lalabas. “

Story-Making ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon