Thanks To You

7 0 0
                                    

Thanks to you by P.A

~

Thanks to you..

Hugh’s POV

Isang tahimik na lugar kung saan nakakasama ko sya. Kasama ko sya pero di ko sya nakikita, Di ko nararamdan at di ko naririnig.

Nagsimula lahat sa panyo. Isang panyo na naging daan para makilala ko sya at mahalin ng lubusan.

Flashback 3 years ago….

Pumunta ako sa hospital para puntahan ang mama ko. 

“Nak ikaw na muna bumili ng pagkain dyan sa labas, mag pag-uusapan lang kami ng mama mo” sabi ni papa.

I just nodded at lumabas na rin ako.

Nakakita ako ng isang magandang nurse. Dumaan sya sa harap ko. Yung tipong bumagal lahat , bumagal yung paglalakad nya. Tapos yung puso ko ang bilis ng tibok.

And my senses got back. 

Tapos lumabas na ako ng hospital para bumili ng pagkain. Pagkalabas ng hospital ay tumawid lang ako sa kabila kasi nandun lang sa tapat. Pagkatapos ko bumili ng pagkain ay nakita ko agad yung nurse. Papasakay na sya ng tricycle ng may nahulog sa kanya. Tumawid agad ako papunta sa kabila at kinuha yung nahulog.

Isang panyo.

Nakaalis na ang tricycle na sinasakyan nya. Itinago ko ang panyo sa bulsa ko. Malay mo Makita ko ulit sya sa hospital.

Pumunta ako sa room ni Mama. Pagkapasok ko, nilapag ko lang sa table yung binili kong pagkain. Napansin kong nakatingin lang si Mama at Papa sa akin.

“May problema po ba?” tanong ko.

“Anak, iaarrange marriage kita” mahinanong sabi ni Papa.

“Para makapag paopera ako” sabi naman ni Mama.

“Sige po.” Simpleng sagot ko. Syempre.. syempre gusto ko pang mabuhay mama ko. Si Mama kasi may butas sa puso at kailangang palitan. May ipapalit na pero wala ng pera. Nabank crupt kasi si Papa sa kompanya.

“Sige alis na ako, Hugh ikaw na bahala sa mama mo” sabi ni Papa at umalis na rin.

Umupo ako sa upuan at kinuha yung panyo. Tiningnan ko yon at may nakalagay na “Amy” three letter name pero ang cute. Napangiti ako dun. Tapos inamoy ko pa. Ang bango..

“Ma ano bang signs ng inlove?” tanong ko.

“Bakit mo natanong?”

“Eh basta po” 

“Ikaw Hugh ah. Pero okay lang yan para sa edad mo. Ganito kasi yan ang mainlove kasi yan yung Masaya ka kapag nakakasama mo sya yung ngiting sobrang wagas. Hahaha. Tapos kapag nakikita mo sya bibilis ng tibok yung puso mo” bigla akong narelate dun. Parang kanina lang gusting kumawala ng puso ko sa dibdib ko. “Pero may part rin sa love na masasaktan ka. Hayy, okay na ba yung expalaination ko?” sabi ni mama.

“Opo. Sige po ma. Salamat” 

--

Kinabukasan. Nakita ko agad yung nurse

Nung una medyo kinakabahan ako, tapos ewan.  Unti unti akong lumapit sa kanya…

*dug* *dug* *dug* *dug*

Ayan nanaman, nag slow ang paligid.

“Ah..Nurse?” 

Tumalikod sya. Ang ganda nya.

“Sir? Sir?”  sabi nya tapos winagayway pa yung kamay sa harap ko.

“Ay, yung panyo mo nga pala. Nahulog kahapon” tsaka ko inabot sa kanya yung panyo.

“S-salamat po. Kaya pala nawawala” tapos umismile sya sa akin.

Medyo natawa ako dun.

“Ah sige po sir. Punta pa ako sa room 9. Salamat po” sabi nya.

“Wait. Room 9? Room ng mama ko yon. Tara samahan kita” 

“Ay wag na po sir” 

“Amy. Hugh na lang” 

“Pano nyo po---“

“Sa panyo mo” tapos ngumiti ako.

“Ahh.. opo” 

“Matanda na ba ako at nanginginopo ka?” 

“Sorry” tapos tumungo sya.

“Halika na nga” kinuha ko yung kamay nya.

At simula ng araw na yon. Naging magkaibigan kami and I realize I fall inlove with her na pala .

Lagi kaming magkasama, nanonood ng sine, nagshashopping at laging tambay sa playground. May playground kasi malapit dito sa hospital. Pero sa totoo lang.. yung playground na yun ang special.

Dun kasi kami nagkaaminan ni Amy. Na mahal nya ako at mahal ko rin sya.

*Cellphone rings*

I open the message isa galling kay Amy at isa galling kay papa

Papa

Hugh come here in your mom’s room. 

Amy

I have to tell you something, punta ka sa playground.

Di ko alam ang uunahin ko. Pero… una kong pinuntahan si Papa. Baka naman saglit lang yun.

“pa?” sabi ko habang papalapit sa kanila.

“Oh Hugh, meet your fiancée nga pala si Patricia.” 

“Hi!” tapos lumapit sya sa akin.

“Tingnan mo nga naman, bagay ang mga anak natin” at dun ko lang natandaan na engage na nga pala ako. Gusto kong tumutol kaso para kay mama toh.

Ilang oras rin ang nakalipas bago ako makaalis. Pero pagdating ko don.. wala. Wala akong Amy na nakita.

Nagdaan din ang ilang araw di ko nakikita si Amy . Nagtanong rin ako sa mga nurse don di rin daw nila nakikita. 

Hanggang sa isang araw. May sulat na ipinadala sa akin.

Hi Hugh! Salamat ah. Salamat sa lahat. Kasi.. kung di dahil sayo di sana ako mabubuhay ng ganung katagal. Kasi nagkaroon ako ng dahilan para labanan ang sakit kong cancer. Matagal ko ng nilihim sayo ang sakit na yan kasi alam ko mag-aalala ka, pero kailangan ko ring mamahinga. Wala na akong pamilya. Yan ang dahilan kung bakit di kita madala sa bahay kasi nakakahiya wala akong magulang. Kaya sana mahalin mo ng lubusan ang iyong magulang. 

Sinulat ko toh para masabi lahat ng gusto kong sabihin nung pinapunta kita sa playground pero di ka dumating. Yun yung mga oras na malapit na ako kunin. Gusto sana kita Makita ng mga huling oras na yon. Aaminin ko nasaktan ako sa di mo pagpunta. Pero salamat talaga nabuhay pa ako ng ganung katagal. You’ll always be in my heart. I love you 

At ng dahil sa sulat na yun nanghinayang ako at nagsisi. Nagsisi kung bakit hindi sya ang inuna kong puntahan. 

Tumakbo agad ako papunta sa playground. Pero wala na talaga sya. Huli na ang lahat.

End of flashback 

Kaya dito ako ngayon sa puntod nya. Araw araw akong nandito para linisin iyon. Kasi kahit kasal na ako sa ibang babae. Di pa rin mawawala sa puso at isipan ko… ang mga ala ala nya.

Kaya Thanks to you  Amy. Binigyan mo ako ng chance mahalin ang isang babaeng katulad mo.

Di man maganda ang happy ending naming dito sa lupa, sisiguraduhin kong sa langit tayo magiging habang buhay.

~~~~

Vote!! 

Story-Making ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon