"Babs tara na take na daw!"
"Maka babs? Sabagay muka ka namang horsey eh. Pangit mo kasi."
"Atleast hindi baboy katulad mo!"
"Oh talaga kapre? Kapreng bansot hahahaha!"
"Kapal mo ano ba! Pandak ka lang talaga!"
"Wag mo ngang laitin height ko! Di naman ako maliit!"
Ayan na naman sila. Hay. Walang kasawaang bangayan. Napailing ang kanilang Assistant Organizer ng mapanood ang sigawan nila. Itong mga to talaga! Isip nya.
Habang padaan ng tent si Miles Ocampo ay narinig niya ang sigawan ng dalawang bata. Whats new? Yan agad ang naisip nya at napatawa.
Si Direk naman pagkalabas na pagkalabas ng Production tent ay narinig ang tili ng dalaga at pagsigaw sa sakit ng binata. Walang katapusang sigawan na naman ito! Sabi nito sa sarili.
Araw araw, ayan ang routine nila. Ayan ang scenario na naaabutan nila sa set. Palagi.
"Oh direk? Nagaaway na naman yung dalawa. Di ka ba nagsasawa?" Natatawang salubong ni Julia sa direktor tska bumeso.
"Hay nako, Juls! Kung alam mo lang no! Sanay na sanay na kami sakanila." Sagot naman ni Direk Tracy. Kasalukuyang nasa taping sila ng bagong teen movie kung saan pinagsama sama ang lahat ng mga loveteam. Isa itong palabas na may ibat ibang kwento.
Sino ang dalaga't binata na yun? Walang iba kundi si Nash Aguas at Alexa Ilacad.
"Direk! Si Nash oh! Sinisira make up ko!" Kunsumidong sumbong ni Alexa sa direktor habang lumabas ng kanilang tent.
" Hay nako. Tigil na yan at magtatake na tayo. Tapos na ang lunch break nyo." Sabi ni Direk Tracy sa kanila. Isa itong big break para sa love team na ito. Isa sila sa pinakabatang love team sa palabas na to.
"By the way, Alexa nakita mo na ba yung package for you? Andun sa may buffet area. Sabi ni Cheche may nagpaiwan daw ng gift sayo." Pahabol ng direktor sa dalaga.
"Gift? Sino naman po?" Nagtatakang tanong ng dalaga. Sa pagkakaalam nya ay Monday ngayon, paniguradong may pasok ang kanyang mga fans.
"Lalaki daw nagabot parang driver?"
"Ah sige po tignan ko nalang later thanks direk. Game na take na tayo. Gulo kasi ni Nash kabwiset."
"Ako nanaman?! Eh ikaw kaya tong may ayaw magtake!"
"Eh gusto ko naman! Nangbwiset ka lang talaga!"
"Hoy ano ba tama na yan. Tawag na kayo ni Direk. Nash wag mo na guluhin si Alexa nako! Kelan kaya kayo magkakasundo?" Saway sakanila ng ate Julia nila.
"NEVER!" Sabay nilang sigaw.
"Okay okay chill guys. Game na! Take na!" Taas kamay na sabi sa kanilang dalawa.
ALEXA'S POV
*****
@alexailacad:
Done taping! So tired! Catch you guys later at SM Aura, Activity Hall! See you!
*****I tweeted once na natapos at nagpack-up na ko. Pinakuha ko yung package na sinasabi nj direk para maitago ko na bago umalis.
Pagdating ng isang staff sa tent, nakita ko may hawak syang mint colored na box. Mga kasing laki ng shoe box. Plain lang sya. No sign or whatsoever sa labas.
Nang inabot nya saakin yon, nagmadali akong buksan. Isang white rose, at mga favorite ko na candy from the states. Alam kong galing ibang bansa since wala dito non.
"Miss us? -K"
Napatili agad ako. Alam ko. Alam kong andito na sila. Kaagad namang nagtakbuhan mga tao papasok sa tent ko. Nagpeace sign ako sakanila.
"Sorry hehe" Nagsibalikan na sa kanya kanyang paghahanda yung mga staff pero may isang tukmol na natira.
"Anyare? Makatili ka naman diyan kilig na kilig sa pinadala."
"Inggit ka lang kasi ako pinapadalhan."
"Inggit? Baka gusto mong pakita ko sayo likod ng kotse ko?"
"Joke lang naman." Alam ko namang mas madami talagang sumusuporta sakanya. Dahil mas matagal na sya sa industriya kesa sakin.
"Pero.." Dugtong ko
"Ano?" Parang batang excited sa candy nyang sabi.
"Andito na sila"
"Ha? Sinong sila?"
"Andito na sila. Sila Kyle!"
******
HELLO GUYS! YES NAGBAGO YUNG PARANG EVENTS KO OR LINES OR ANO. BUT I DID THIS BECAUSE MEDYO TRASHY YUNG UNA. I PROMISE ILL TRY TO KEEP IT RUN THE SAME STORY LINE. MAY MGA NABAGO LANG OR ANO. BUT I MISSED WRITING ❤ SANA MAGCOMMENT PARIN KAYO AND VOTE. Thank you guys.BTW STOP READING HERE KASI YUNG IBANG CHAPTERS DI PA NAUUPDATE HEHE MWA
![](https://img.wattpad.com/cover/6428396-288-k892426.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit siya pa?
FanfictionsMagka-away sila. Di sila nagkakasundo. Laging parang aso't pusa. Akala nila, best friends. Peri di yun ang totoo. Publicity laman ang mga ito. Nang tahakin nila ang mundo ng showbiz nalaman nila "BAKIT SYA PA?"