Hey guys! :) Ang ganda ng panaginip ko :( si Nash and Alexa!! Hahahaha nakakakilig :((( kaya dito ko ilalagay napanaginipan ko.
••••••••••••••••••••••••••••••
Alexa's POV
Ano ba yan? Bakit ba sila pupunta rito?
*DING DONG*
Hala andiyan na sila! Tago Alexa! Tago!
HAHAHAHA joke. Ano yun? Sila na nga may kasalanan ako magtatago? Ano sila, siniswerte?! Monggi nalang nila.
"Pare! Its good to see you!" sabi ni Jared kay Nash. Kunwari nalang nagp'phone ako. Lahat sila nakipag-handshake.
"Alexa? Di ka man ba babati?" tanong ni James.
"Wala akompake sa nararamdaman mo at nila." Sabi ko nalang. Si Kyle na katabi ko na ngayon, nagpipigil ng tawa. Pero wala akong pake.
"Hayaan niyo yan. Di ko kailangan ng bati niya." Sabi ni Nash. "Sino bang nagsabing babatiin ko kayo?" Pangbabara ko sakanya.
Di nalang niya ako pinansin. Hoy grabe ang galing umarte ni Talia ah. Mukhang anghel.
"Guys, si Talia nga pala. Girlfriend ko." Nakipagshakehands naman ang bruha. Napa-irap naman ako. One word
PLASTIK.
"Hay! Nakaka-ano dito. Sama sa pakiramdam ng aura. Naalibadbaran ako. Lalabas na muna ako." Sabi ko. Pagsabi ko nun, napatingin ng masama sakin si Talia kaya binigyan ko siya ng isang inosenteng ngiti.
Lumabas na ako sa may garden. Umupo ako malapit doon sa may pool. Iniisip ko kung hindi nangyari yung dati no? Sana hindi kami ganon ni Nash. Kung hindi lang ako nakipagbest friend sa ibang bata, siguro mag-bestfriend na talaga kami. Gusto niyo ba talaga malaman yung totoo? Kung bakit di kami magkasundo?
*Flashback*
Andito kami ngayon sa playground ng Village namin. Nakikipaglaro ako sa mga ibang bata. Bigla kong napansin si Nash nakaupo sa bench malapit sa puno at kalikod yung pond habang masama tingin sakin. Linapitan ko siya at hinatak braso niya.
"Nashie! Tara let's play there sa may sli-" Napastop ako nung bigla niyang tinanggal kamay ko ng harsh.
"No. I dont want you near me, understand? Ayaw ko na sa iyo!" Nagsimula nang mamuo mga luha ko sa mata. "W-what do you m-mean? Diba we're b-bestfriend?!" Tinanong ko siya with my voice shaking.
"No! Ayoko na maging bestfriend tayo! Hindi kita gusto maging friend! Wala ka kasing kwenta! Hindi ka masaya kalaro! Dun ka na sa ibang playmates mo! Ayaw na kita makita! Hindi na tayo bestfriends!" Sigaw niya. Tumutulo na mga luha ko. "I HATE YOU!" Sigaw ko sakanya sabay takbo paalis.
*End*
Naramdaman kong may nagp'pat ng likod ko. si Kyle. Simula palang mag-away kami ni Nash, andiyan na siya for me. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko at nangyayare samin ni Nash.
"Kyle, grabe.. Nakakamiss yung dati.. Miss ko na siya.." Iyak ko habang nakatakip yung kamay ko sa muka ko. "Shh... Iiyak mo lahat.." Sabi niya habang niyakap niya ako.
"Hanggang kelan ko kaya kakayanin na ganto kami? O kaya kakayanin ko pa ba? Gusto ko nang sumuko eh." Hikbi ko uli sa dibdib niya. "Shhh... kaya mo yan Alexa. Ikaw pa?"
Humihikbi lang ako sa dibdib niya hanggang sa medyo okay na nararamdaman ko. "Kyle, sorry kung nabasa ko shirt mo ah? Sorry!" sabi ko. "Sus? Yun lang ba? No biggie, bestfriends nga diba? Tropa? Gang y'know!" Natawa naman ako sa mga sinasabi niya.
"Tara na! Pasok na tayo! Kumakain na ata sila oh?" Yaya niya. "Teka? Halatang umiyak ako eh!" Sabi ko naman. "No worries! Alam kong di sila magtatanong about that." Sabagay, my friends are understanding.
Pumasok na kami to see nanonood sila ng movie. Pagpasok namin nakita kong nakatingin si Shar, Hilary, At Jared ng nagaalala. I just smiled para malaman nilang okay lang ako. Ang tanong.... okay ba talaga ako? Umupo ako sa may sulok na beanbag. Gusto ko tahimik. Ayoko ng may katabi.
Maya maya, medyo nagiging uncomfortable na yung movie. About kasi sa magbestfriend na nagaaway dahil sa isang tao. Pinagtatalunan nila. Parang yung samin ni Nash? Naramdaman kong may tumulong luha and soon, medyo humihikbi na ako ng mahina.
Pinunasan ko muka ko kasi napansin kong nakatingin sakin si Kyle at Shar. I held my thumbs up and nagsmile. "Guys, kukuha lang ako ng popcorn ko at drinks ko. May papakuha kayo?" Sabi ko at tumayo na sa floor. "One coke for me!" Sabi ni Ary. "Ako rin! Coke na!" Sabi naman ni James. "Sainyo Shar?" Tanong ko. "Water nalang kami nila Mika Kobi at Jai." "Mamaya nalang kami ni Mykk. Kami nalang kukuha nung amin!" Sabi ni Kyle. Tumango ako.
I made my way to the kitchen at nagsimulang kumuha ng tray at ng mga glass. Kinuha ko yung ice bucket at nilagyan na yung mga glass. Bakit ko pa ba kasi brining up yung past eh?! Past is past! Di na maayos yun! Tinakpan ko ng kamay muka ko at sumadal sa counter. Pagbaba ko ng kamay ko, nagulat ako ng makita si Nash nakatitig sakin habang nakaupo sa kaharap kong counter.
Inirapan ko siya at humarap na dun sa tray. Dahan dahan kong nilagyan ng coke yung dalawang baso. Pagkatapos ko lagyan, pupunta na sana ako sa fridge para kumuha ng water pero biglang hinarangan ako ni Nash.
"Tabi." sabi ko. Pero di siya umalis. "Sabi ko tabi diba?!" sigaw ko at umalis naman siya. "Sunget kala mo may malaking problema sa buhay eh!" bulong niya pero enough para marinig ko.
Hindi ko nalang siya pinansin at nilagyan na ng water yung glass. After nun, kumuha ako ng popcorn and nilagay sa microwave. Prinipare ko na yung bowl. Hindi parin umaalis si Nash.
Isa nalang talaga ah?! Bubulagin ko na to! Bakit ba di pa to bumabalik doon!
Pero ayoko siya tanungin kasi ang isasagot lang naman niya ay "Bakit? Iyo ba to?" Bwiset talaga ugh!
"TING!"
Kukunin ko na sana yung popcorn pero hinarangan uli netong hayup na to yung microwave.
"Umalis ka nga!" sigaw ko. "May problema ka ba?!" Sigaw rin niya.
"Oo! Marami! Infact ikaw unang una sa listahan eh!" aba't buti nalang ay soundproof yung theatre room.
"Naks! Pinoproblema mo talaga ako ah!" sabi niya sabay ngiting nakakaloko. "Siraulo! Pinoproblema ko kung pano ka mapapatay ngayon! Bwiset tabi!" Sabi ko at pilit na tinutulak sa paalis. Pero dahil mapangasar tong kupal na to, balik parin ng balik.
"Seryoso kase Alexa! Ano bang problema mo sakin?! tska kay Talia?!" sigaw niya halatang nagiinit ulo. Handa na akong sabihin lahat ng hinanakit ko sakanya at sa magaling niyang girlfriend.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Well,
Here goes nothing!
•••••••••••••••••••••••••
Ayan! alam niyo na kung bt magkaaway sila!
Hehehe
Hello guys! Thank you sa mga comments and votes niyo! Nakakakilig :"> and guys may surprise ako sainyo!!
It'try ko pong magupdate ng tig-2 chapters everyday hanggang Saturday/Sunday. Kasi schooldays nanaman po and busy busy nanaman so yun po! Hehehe sorry bitin! Love y'all! Keep on supporting Nlex and this story!!
Vote•comment•follow ❤️
BINABASA MO ANG
Bakit siya pa?
FanfictionsMagka-away sila. Di sila nagkakasundo. Laging parang aso't pusa. Akala nila, best friends. Peri di yun ang totoo. Publicity laman ang mga ito. Nang tahakin nila ang mundo ng showbiz nalaman nila "BAKIT SYA PA?"