Chapter 6

1.3K 42 14
                                    

Yeheeeeeey! Merry KISS-mas mga readers and nlexters!!!! Naks! Ahahaha
************************

Alexa's POV

"Tara guys! Kain tayo sa labas? My treat! Super nakakamiss kayo like crazy!" Pag aaya ni Kyle. Ka-miss tong loko na to. :">


"Game ako diyan!" sabi ko. Libre eh ahahaha.


"Oh ano tara na?" Sabi ni Kyle habang nakalahad kamay niya. Ohmygosh. :""""">


"Tara!" At kinuha ko kamay niya. Ganyan kasi kami sa barkada or tropa. Walang awkward-awkward pag hawak kamay mapa-girl-boy man yan. Well, except kay Nash kasi magkaaway kami.


Naglakad na kami papuntang kotse nila Hilary. Papunta kami sa Il Terazzo sa may Tomas Morato. Kakain kami sa Banapple yumm!


Pababa na kami ng kotse ni Kyle ng sumigaw si Hilary.

"Oy oy oy! Kayong dalawa ha? Something fishy!" Asar niya samin ni Kyle. Napabitaw naman kamay ko sakanya.


"Ally Bear?! Pano na si Pareng Nash?!" Asar rin ni Jared sabay pat ng likod ni Nash. "Okay lang yan pare! Iiyak mo lang lahat yan sakin!" Biglang tinabig ni Nash kamay ni Jared. Nako. Mukang nabadmood



"Tsk! Pare pwede ba? May girlfriend ako okay?" Pagk'klaro niya. Bakit parang sumikip dibdib ko? Nanlaki mata ng lahat except sa luv u cast.


"Woaaah. Pare! Ipa-meet na yan dito samin!" Sabi ni Mykk. Ngumiti lang si Nash.


"Pare maganda ba?" tanong ni Kyle.



"Syempre naman! Ako pa?" Preskong sagot neto kay Kyle.


"Tss.. maganda nga, impakta naman yung ugali!" Bulong ko. Napatingin sakin si Nash.


"May sinasabi ka ba diyan, baboy?" Bwiset talaga tong mayabang na to. Sumikip nanaman dibdib ko nung sinabi niya yung word na 'baboy'. Nagulat naman sila Hilary sa tawag sakin ni Nash.



"Hoy ikaw lalaki! Be a gentleman! Hindi magandang tawagin ng ganyan ang mga babae!" Saway ni Hilary sakanya. Bigla nalang parang lumabo paningin ko.


Ano bayan?! Bakit ako naluluha sa mga sinasabi ng lalaki na yan?! Dapat sanay na ako ah?


"Tsss.. wait lang, cr nalang muna ako!" Sabi ko ng medyo mahina. Pumunta akong cr. Yung katabi nung banapple kung nakapunta na kayo.


Pagdating ko dun, nilock ko yung pintuan at tumingin sa salamin.


"Ano ka ba! Dapat sanay ka na! Bakit nag-aarte arte ka diyan ngayon?!" Pagalit ko sa sarili ko. Nababaliw na ata ako. May tumulong luha ano bayan. Masyado ba akong mataba? Papayat na kaya ako? Wag na muna kaya ako kumain?


Siyempre nakaka-insecure pag tinawag kang mataba ng isang lalaki. Ikaw ba naman. Medyo mababa self-esteem ko eh.


Lumabas na ako ng cr to see Kyle. Nakasandal siya sa may pader between girls and boys cr.


"Oh Kyle? Bakit andito ka?" Tanong ko sabay ayos ng sarili ko.


"I know you're not okay." Sabi niya sabay hug sakin. Hala, wait lang!! :"""""">


"Teka? Pano mo naman nalaman? Eh okay na okay nga ako eh!" Sabi ko sabay ngiti ng peke.


"See! Sobrang fake ng smile mo! Hay nako! Let's go na nga!" Sabi niya at hinawakan kamay ko papuntang banapple. Bago kami makapasok, nakita namin si Nash nakatayo, hawak phone niya, halatang kakatapos lang nila magusap nung tumawag sakanya.


"Uy Nash! Andito ka pala! Sabay na tayong pumasok!" Yaya ni Kyle. jusko bakit :((((( Napatingin siya samin ni Kyle tapos napatingin siya sa kamay namin. "A-ah sige t-tara na" sabi niya at nauna nang pumasok sa loob. Sabi nga sabay, tapos nauna pa siya T___T


Pagpasok namin sa loob, shuuucks! Ang bango ng food! Yumm! Pero sabi ko, di muna ako kakain.


"Alexa, ayan na order mo! I know you like their cream dory and yung blueberry cheesecake nila kaya inorder na kita." Sabi ni Shar.


"Ah? Ehh..." Bago pa akong makasagot, naramdamang kong nakaupo na ako sa upuan at kaharap ko pagkain ko. "Kain na, please?" Sabi ni Kyle.


"Hayy." Sabi ko. Nagsimula na sila kumain. Ako naman, pinopoke ko lang food ko. Ayoko talaga eh. Parang wala akong gana.


"Ally? Bakit di ka pa nagsisimulang kumain? Kami patapos na eh?" tanong ni Jared. Ay onga no. Patapos na sila ako hindi pa.


"Wala naman talaga kasi akong gana kumain." Sabi ko sakanya. "Bakit? Diet ka ba?" Tanong niya. "Ha? Hindi ah! Nakakawalang gana lang talaga kasi sobrang pagod na ako." Palusot ko.


"Ayaw mo talaga kainin? Kumain ka na please? Kahit onti lang?" Pilit ni Kyle habang tinapat sa bibig ko yung fork na may fish. Umiling nalang ako.


"Hay sige. Gusto mo patake out ko nalang to?" Sabi niya. "Okay sige. Ayoko talaga eh." Sabi ko. Pina-take out nalang yun at umuwi na kami. Sakit na ng ulo ko ah?


Habang nakadapa ako sa kama ko at nagt'twitter sa laptop, may nagtext.

Fr: Kyle :)

Heeey parang i know da reason kung bakit ayaw mo kumain kanina.

Reply: weh? Why? Wala naman akong gana eh.


Fr: Kyle

Wushuu. Is it bcoz Nash called you 'baboy'?

Reply: Maybe maybe not :p


Fr: Kyle

Dontcha worry! that's not true! Hmm.. it looks like may crush ka sakanya ah?

Reply: Hala to? Wala no?


Fr: Kyle

Hay nako Alex. I bet a hundred bucks, magkakagustuhan kayo niyan! And please wag mong isipan ng masama yung actions ko sayo ah? It is as a friend. And nung nakita ni Nash na hawak ko kamay mo, i saw there's something na nagiba sa mood niya eh.

Reply: imagination mo ang lalim hahaha! Goodnight na! Itulog mo nalang yan ah? Haha!

Fr: Kyle

Night Lex!!


Napabuntong hininga nalang ako. Wow this is super unbelievable. Nagtweet ako:


@alexailacad: Thanks for cheering me up! @KyleClytheee even though non sense lahat pinagsasabi mo! 😑👊


Mayamaya, nagreply na siya


"@alexailacad di yan nonsense pagdating ng panahon swear! HAHAHAHA."

Finavorite ko nalang yun at nagtweet uli.


@alexailacad: It was a fun fun day! Thanks wawa! @AguasNash01 and thanks friends for today! ❤️


Ilalapag ko na sana laptop ko, biglang.....

TING!


@AguasNash01: @alexailacad welcome wawa! :))) next time game???


Finavorite ko nalang uli at may nagtext sakin.

Fr: Direk Badj
Wow alexa for the publicity. Galing hehehe.

Reply: No problemo. Kahit sobrang ka-badtrip ngayong araw.


Pinatay ko na phone ko at natulog.



*THE NEXT DAY*


"Alexa! Gising na bebe!" aray ah. Sino ba tong talon ng talon sa kama ko.


Dinilat ko mata ko at nakita si Shar.

"Aray ano ba yan? Bakit ba?" tanong ko sakanya. "Mag mall tayo! Glorietta? Please." Sabi niya at nagpuppy dog. Hay, anong magagwa ko?


Pumunta na ako sa banyo at naligo. Nagbihis lang ako ng pink na loose top tska ng white na skinny jeans. pati pink na flats.

"Tara na! Sa mcdo nalang tayo kumain." Sabi ko. Umalis na kami ng bahay at pumunta sa mall.


"Beb! Di pa naman ako gutom. Tara, shopping muna tayo." Sabi ko. Ayoko kumain diba? Hahaha.

"Di ka pa kumakain eh?" sabi niya. "Ayoko pa. Busog pa ako eh." Sabi ko.


Pumunta na kami sa mga stores. Nakakahilo yung mga tao. Umalis na muna kami papunta sa hindi crowded. Biglang may nagsigawan sa bandang gilid namin.


"Aaaaah! Nash!!" "Nashieeee!" "Ang pogi mo!!" HALA SI NASH ANDITO. Pero mas malala, KASAMA NIYA SI TALIA. ANO NANAMAN BA TONG SIKIP SA DIBDIB NA NARARAMDAMAN KO. HALA LAGOT KA NGAYON.


"Shaaaar! Si Nash!" sabi ko ng natataranta. "Oh ano naman? Hayaan mo yan." Sabi niya. "Hindiii! Kasama niya si Talia! Lagot kami kay Direk Badj!" sabi ko.


"Hala! Puntahan mo na!" Sabi niya sabay tulak. Wala na akong nagawa kasi natulak na ako sa siksikan at may humatak na sakin. Naramdaman ko nalang bumangga ako sa lalaking naka-jacket.


"A-ah wawa! san ka ba nagpunta? Iniwan mo nanaman ako!" Sabi ni Nash sabay akbay. "Diyan lang. Ano? Tara na? Guys, una na kami ah?" Paalam ko. Hinatak ko na kamay nilang dalawa ni Talia. Nakita ko si Sharlene sa may tabi nung isang stall. Pagdating namin don, nagpaalam si Nash may bibilhin lang daw sa loob.


"Tss! Anoba! Let go nga! Alisin mo yang hands mo sa balat ko!" Sigaw ni Talia. Wow ah?

"Wag ka ngang mag-inarte! Salamat nga sinave ko kayo dun eh!" Sabi ko naman.

"Wala naman akong sinabing isave mo kami dun ah? Ikaw kusang nagsave samin kasi for sure, gusto mo nanaman maissue with Nash." aba't sumusobra na to ah?


"For your info, para narin yun sa image ko. Dahil pagagalitan ako ni Direk. Ano bang pake ko diyan kay Nash ah?" Sabi ko.

"Tss.. Bakit ba kasi siya na-loveteam sa isang katulad mong hindi marunong umarte. Bakit ka nga ba naging artista? Eh di ka nga marunong umarte ng tama. Hayy, pati mga ninuno mo sa industry ng showbiz. They're all pathetic actor and actresses." That's it. Bigla ko siyang sinampal.


"ALEXA! ANONG GINAWA MO SA GIRLFRIEND KO?! WALA KANG KARAPATAN!" Sigaw ni Nash habang tumatakbo palapit sakin.

"Baaaabe, sinampal niya ako. I was just trying to thank her sa pagsave satin tapos sinampal niya ako." Story maker ah?! HINDI NAMAN GANUN NANGYARE EH!

"Nash, hindi ganon--"

"ALEXA SA TINGIN MO NAGSISINUNGALING SIYA?! TIGNAN MO NGA MGA LUHA SA MATA NIYA!" Ang lakas ng sigaw ni Nash. Naramdaman kong namumuo mga luha sa mata ko.


"Eto nalang tandaan mo Talia, wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan pamilya ko. Okay na kung ako sinasabihan mo ng mga masasakit na salita eh. Pero ano?! Dinamay mo pa pamilya ko?! Tapos babaliktarin mo ang storya sa harap ni Nash at para magmukang anghel? Wag na wag kang mangdadamay ng iba kung ako lang kinalaban mo.." Humihikbi kong sabi dahil sa mga luhang pumapatak.

"Alexa, tama na.." comfort sakin ni shar.

"At ikaw naman Nash! Subukan mo kasi munang alamin ang kwento bago ka mang husga! Hindi porket umiiyak siya paniniwalaan mo. Masama na palang tumulong ngayon no?! Sige! Sabihin niyo sa susunod na hindi niyo na pala kailangan ng tulong ko! Masama na palang tulungan ang reputasyon ng kapartner ko. Sige. Paalala niyo next time ha? Para di na ako nahuhusgahan sa pagtulong ko." Dugtong ko habang humihikbi.


"Tara na!" Sabi ko kay Shar habang pinupunasan muka ko. "Tama na bebe.." comfort niya sakin. "Dapat pala di ko na tinulungan!" sabi ko habang pinipigilan luha ko.


This day.... super bad day!!! ARGH KAINIS KA TALIA! BABAWI AKO!



••••••••••••••

Yaaaay! merry kiss-mas uli! Comment, vote and follow me!!! Tska comment kayo on what you think about Talia! Sorry medyo oa ehehe. Comment rin kayo kung ano tingin niyo sa chapter na to!! Thank youuuu!!! :*

Bakit siya pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon