Lesson #19 Feelings

11.5K 96 14
                                    

Cassandra's POV

Hmmm... Ang bango naman ata?! *singhot* singhot* Halaaa! Ang bango talaga! Niyakap ko pa lalo ng mahigpit yung unan ko. 

"arghhh.." 

Hala?! Nagsasalita na yung unan ko?! Medyo natauhan ako nun kaya napa-angat yung ulo ko at napadilat ako ng kaunti. Ang sarap sarap pa naman ng tulog ko! Pagtingin ko, puro puti yung nakikita ko.. OH MY!!! Dun ko lang nakita na wala pala ako sa bahay nasa hospital pa pala ako! Pinakilala ko pala si mama kay..

(O.O)

Automatic akong napalingon sa tabi ko at nakita ko si Marco na nakatingin sa akin.

"Marco?!?" ano ba yan! Siya pala yung mabango at niyayakap ko kanina. O baka nga hindi lang kanina! Bakit ba kasi nakatulog ako?!

"Good Morning baby. Ayos ba yung tulog mo?" sabay tayo niya at nag-unat. Bakit ba ako nahihiya? Hindi naman ako tuloy laway kung matulog.

"Oo. Ayos lang. Ikaw?"

"Hmm.. Ako? Okay lang. masaya." Masaya?!? Ano kayang napanaginipan nito.

"Masaya? Bakit ka naman masaya?" 

"Wala. Halika na nga. Medyo gutom na ako. " sabay hatak niya sa akin palabas. Ilang beses na ba akong hinatak nitong lalaki na to?! Nakakarami na ah! Buti na lang at hindi nako nadadapa! Sumakay kami agad nun sa kotse niya. 

"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang tinitignan siya ng masama nung magsimula na siyang magmaneho.

"sa bahay niyo." diretsong sagot niya. Ano daw sa bahay namin?! Eh ano namang gagawin niya dun?!

"Ano? Bakit dun? Ano namang gagawin mo dun? Umuwi ka na lang!"

"Dun ako kakain sa inyo. masama ba yun?"

"Wala kang makakain dun!" sagot ko tapos ay napatingin siya sa akin. 

"Eh di ikaw na lang ang kakainin ko." 

"MARCO!!" nahampas ko siya nun sa braso. Eh kasi, ang aga aga sinisimulan ako! Pag ako pumayag! Nako! Hindi pwede! tsaka.. teka! Pupunta siya sa bahay? Baka andun si Kuya?!

"Marco, ano kase--"

"Malapit na tayo baby. Hindi ka na makaka-angal." napatingin tuloy ako bigla dun sa kalye na dinadaanan namin. Jusko! Tatlong kanto na lang, BAHAY NA NAMIN!!!! 

"Marco, wala talagang pagkain sa bahay. Kahit saan na lang tayo. Please?" 

"Hmmm.. Ayoko. Ano bang meron sa bahay niyo at ayaw mo akong papuntahin dun?"

"WALA NGANG PAGKAIN!!!!"

*SCREEEECH!!**

nagulat ata si Marco sa sigaw ko kaya bigla niyang natapakan yung preno.

"Ano ba baby?! bakit mo ba ako sinisigawan?!" napahinga siya nun ng malalim. Nerbyoso pala tong isang to!

"Eh kasi, ang kulet mo! Sinabi ng w--hmmppp.." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi hinalikan niya ako. Ang bilis naman ng isang to! naka-seat belt pa yan ha?! Sanay na sanay talaga! -___- 

Marco's POV

Hinahalikan ko siya ngayon. I am not giving her a hard kiss pero kuntento ako. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako ganito dati.

Ano ba talaga tong nararamdaman ko? Naguguluhan ako. Pero isa lang ang malinaw sa akin, gusto ko palaging kasama si Cassie. Ayoko siyang nakikita na may kasamang iba. May kahulugan na ba yon? O nasanay lang siguro ako na parati ko siyang kasama? Siguro nga nasanay lang ako.

My Sexy Tutor (Ang Pagbabalik) OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon