Lesson #18 Sorry

11.3K 96 6
                                    

Cassandra's POV

*PAAAAAKKKK!*

"Aray! Ang sakit ha?! Bakit mo ako sinampal ulet?!!"

reklamo ko kay Mildred. Andito kami ngayon sa Starbucks. Kakatapos lang ng shift namin. Oo. Sinabi ko na sa kanya, nahalata niya kasi ata na namugto yung mata ko. Hanggang ngayon nga di ko mapigilang hindi umiyak eh. I'm so stupid! Kahapon, wala namang nangyari. Nagbantay lang ako kay mama sa ospital. Di ako pumasok nun sa bar dahil hindi ko feel. Pakiramdam ko ay nandoon pa din yung presence nung mga nangyari nung sabado. Natuwa nga ako dahil ang daming text sa akin ni Troy. Puro sorry. Samantalagang SIYA! Kahit isang text, WALA! Aasa pa ba ako?! Eh wala ngang puso yung taong yun!

At ngayon, sumisigaw kami dito sa loob ng starbucks. Paano?! Sampalin ba naman ako ng dalawang beses?! Aba! Sumusobra na to!

"Eh kasi, napakatanga mo! May pa-'OO! Hindi ako ma-iinlove sa kanya no' ka pa dyan! Tignan mo kung nasan ka ngayon?!" sermon niya sa akin sabay higop nung Mocha Frappuccino niya. Ako naman ay kumain na lang nung cake.

"Bakit kasalanan ko ba yun?!" sagot ko.

"Oo! Kasalanan mo yun! Alangan namang kasalanan ko diba?!" 

"Psh! Kasalanan na pala ang magmahal." sabay subo ko ulit ng cake. Kaya lang bigla na lang akong binatukan nitong ni Mildred! Masakit yun ah!

"Namimilosopo ka pa! Ugh!!! Ano ng gagawin mo?" napa-isip ako sa sinabi niya. Ano nga ba?

"Alam mo kapag nag-resign ako dun, sayang yung kinikita ko. 5,000 per 4 hours yun eh. Tapos every week-end may bonus pa na 10,000." sabi ko

"So parang ang punto mo eh, mag-sstay ka dun? Diba masama yun? Baka di ka tuluyang maka-ahon sa pagmamahal mo dyan kay Marco?"

"Oo. ganun na nga. Wag kang mag-alala. Mag-momove on na ako!" Move on?! Para namang naging kami?! Pero sabi nga nila, uso ang moving on kahit hindi naman totally naging kayo.

"Hay nako! Bahala ka nga sa buhay mo! Basta, wag kang iiyak iyak sa akin pag nagkataon ha?!" Nag-make face na lang ako sa kanya at inubos na yung cake. Ngayon Cass, purong pag-tu'tutor na lang ang gagawin mo kay Marco. Kaya ko to!!!

Nung mag 8PM na pumunta na ako sa bahay nila Marco. Di tulad ng dati. Hindi ako ganun ka-excited. Ewan ko ba! Pagdating ko dun, pumasok na agad ako at umakyat papuntang kwarto ni Marco. Kumatok na muna ako at pinagbuksan naman niya. Parang gulat na gulat siya nung makita ako. Nanlaki kasi yung mga mata tapos.. biglang..

KAPAL NG MUKHA TALAGA!!

My Sexy Tutor (Ang Pagbabalik) OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon