Lesson #26 Victoria strikes again!

5.9K 94 24
                                    

This update is for the 100,000 reads of My Sexy Tutor! Hindi ko inexpect na ganito aabot ang reads nito! SUPER THANKS! I love you guys! :* ♥♥

______________________________________________________________________

Cassandra's POV

"Ayan ang sinasabi ko sayo Cassandra eh!! Ayaw mo kasing makinig sa akin! Sabi ko sayo na pinlano nila ang lahat! Mas pinaniwalaan mo pa yung Troy na yun kesa sa akin!" sermon sa akin ni Mildred.

Pinapunta ko siya ngayon dito sa bahay ko dahil parang hindi ko kakayanin ang sakit na nararamdaman ko. Buong magdamag nga akong umiyak buti na lang at hindi nagtanong si kuya tungkol sa akin.

"Oo na. Sorry na dahil hindi na ako naniwala sayo. Malay ko bang kayang gawin ni Troy yun!" sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya at umupo sa higaan ko. Kinuha ko yung tissue at suminga dun.

"Anong gagawin mo ngayon?" tanong niya

"Ewan ko ba. Hindi ko pa alam." sagot ko sa kanya sabay higa. Pagkahiga ko, naisip ko na naman si Marco. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Iniisip niya kaya ako?

"Anong hindi mo pa alam?! Hindi pwedeng magmukmok ka lang dito no! Kausapin mo kaya siya?"

"Mildred naman! Parang hindi mo alam kung anong pinagsasasabi niya sa akin kagabi! Ni hindi niya nga ako pinakinggan at basta na lang ako inakusahan, tapos ako pa ang mag-iinitiate na kausapin siya?!" hindi makapaniwalang sagot ko sa suggestion niya. Totoo naman na masakit ang mga binitawang salita ni Marco sa akin kagabi sa harap ng maraming tao, siya dapat ang unang gumawa ng move para magka-ayos kami.

"Ang taas ng pride mo girl! Hindi ko kinakaya! Bahala ka dyan. Sa ginagawa mo, lalo mo lang binibigyan ng pagkakataon si Victoria na maagaw sayo si Marco." napasimangot na lang ako sa sinabi niya. Errrrr!! Nakakainis talaga yung Victoria na yun!!! Ang landi landi niyaaa! -___________-

***************************************

Marco's POV

"Why Marco? Is there something wrong?" tanong sa akin ni .. ano nga bang pangalan nito?! Ah basta! Kinuha ko na yung boxers ko at sinuot ko ulit.

"None. Just get your things and leave my house. NOW." utos ko sa kanya. 

"But last night y--"

"Gusto mo bang tagalugin ko pa para sayo ang sinabi ko kanina para mas maintindihan mo? Last night's just an ordinary night. Forget about it." sabi ko sa kanya at naglakad na papunta sa bathroom. 

Naghubad na ako at binuksan ang shower. Hinayaan kong dumaloy sa katawan ko ang malamig na tubig habang iniisip ang mga nangyari kagabi.

Paano nagawa sa akin yun ni Cassie? Akala ko mahal niya ako. Minahal ko siya pero itinapon niya lang ang pagmamahal ko. At ang mas masaklap pa, dun pa sa Troy na yun! Dun pa sa kapatid ko sa labas!!!

My Sexy Tutor (Ang Pagbabalik) OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon