Cassandra's POV
Pag-gising na paggising ko ay umalis na ako agad. Hindi ko na nga ginising si Marco eh, nag-iwan na lang ako ng note. Sabi ko hindi ako makakapag turo sa kanya mamaya kasi may aasikusuhin akong mahalagang importante. Kaya ayun, pumunta na ako sa bahay, sumakay pa nga ako ng jeep para mas mabilis. Pagdating ko dun, naabutan ko pa si Kuya.
"CASSANDRAAA!!! SAN KA NA NAMAN BA GALING?! ALA--"
"Alam mo ba kung anong oras na?! Uwi ba yan ng matinong babae?! Siguro nag-tratrabaho ka na naman no?! Diba sinabi ko na sa iyo na kaya ko na yun?! Bantayan mo na lang si mama! Kahit kailan ka talaga!!....Ano?! Yan lang naman ang sasabihin mo sa akin diba kuya?! Haay. Paulit ulit na lang kuya. Di ka ba nagsasawa?" Eh kasi, yan ang litanya palagi ni kuya kapag gabi o inuumaga na ako ng uwi. Sa sobrang paulit-ulit eh, nakabisado ko na.
"Bantayan mo si Mama! Pinuyat mo pa ako kagabi! Hindi ka na naawa kay mama, wala siyang kasama doon!" haaay. ito ang ayaw ko kay kuya eh. Magaling siyang mangonsensya! Ako naman, nakokonsensya, lalo na pag kay mama ang usapan.
"Oo na kuya! Whole day na akong magbabantay dun!" sinimangutan ko lang siya saka ako pumasok ng kwarto. Hindi ko naman na siya narinig sumagot.
Madali lang akong kumilos. Syempre, nakonsensya ako eh. Pagkatapos ko ay umalis na agad ako ng bahay. May kalayuan ang hospital dito kaya kailangan ko pang sumakay ng Jeep. Yes, tama kayo, ospital. nasa ospital ang mama ko. 8 months ago nung atikihin siya sa puso. That was not her first time na atakihin siya. Kaya siguro malala yung epekto sa kanya at hanggang ngayon, comatose pa din siya.
Bago pa ako umiyak sa kaka-kwento, sumakay na ako ng jeep. Medyo wala masyadong sakay at mabilis magpalipad ng jeep si manong tsuper kaya nakarating agad ako. Pagdating ko naman dun, agad na akong nagpunta sa room ni mama. Sakto namang nagpapalit yung nurse ng dextrose.
"Ah, nurse kamusta yung mama ko?"
"Pasensya na po ma'am. Hindi ko po kasi alam ang complete at correct details tungkol sa pasyente. Kung gusto niyo po, tatawagin ko na lang yung doctor." pagkatapos na pagkatapos ayusin ng nurse yung dextrose ni mama ay lumabas na siya.
Inayos ko na lang yung kumot ni mama. Grabe! Kahit pala palagi kaming nagtatalo ni mama noon, nakaka-miss din pala siya. Wala na yung maingay na boses na gigising sayo sa umaga. Wala nang taga-luto. Wala nang mag-lalaba. Haaay... Mahirap ang buhay.
"Ms. Alvarez?" napalingon ako sa gawing pinto at nakita ko yung lalaking nakaputi. The doctor.
"Yes." ngumiti ako sa kanya. Seryoso yung mukha niya. Gosh!! I hate this feeling!
"Sinabi sa akin nung nurse na gusto mo daw malaman ang kalagayan ng mama mo?.. Well, here's the truth.. You're mom's chance of survival is only 62%. Habang tumatagal siya dito sa ospital, paliit ng paliit ang tsansa niyang mabuhay. Masyadong na siyang nahihirapan. masyado na ding madami ang mga aparatong nakatusok sa kanya.. Kung ako sa iyo, pagpapahingahin ko na ang mama mo." pagkasabi nun ng doctor ay parang gusto ko siyang sampalin! How dare him say that to me. Akala ba niya madali lang gawin yun?! Para ko na ding pinatay ang mama ko!! Napatingin ako kay mama nun. Totoo nga, madaming aparato ang nakakabit sa katawan niya. Pero hindi yun reason para i-give up ko ang laban na to.
BINABASA MO ANG
My Sexy Tutor (Ang Pagbabalik) OnGoing
Romance(COMEBACK) - Marco Sandoval a nasty, jerk who hates studying and hates commitment. By hiring a SEXY TUTOR, will he find studying interesting, or will he be more interested with the sexy tutor? COPYRIGHT ©05032013 by HeyItsVinnnnnie