Lesson #24 Harutan sa ilalim ng ulan.

10.3K 85 15
                                    

Ipagpaumanhin ninyo ang matagal na update. Naging busy po ako sa Advertising, Political Science, Business Law, Market Research, Product Planning, in short, sa lahat po ng subject! :)))

Pagpasesyahan ang typos.

___________________________________________________________________________

Cassandra's POV

"Marco, tama na kasi! Nakakarami ka na!" sabi ko sa kanya sabay kurot sa braso niya.

as usual, matigas pa din! =.=

"Wait lang baby! Malapit na ako!"

"Malapit na? Kanina ka pa malapit na ng malapit na dyan! Na--hmmmp!!" hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko, paano, tinakpan niya ng index finger niya yung bibig ko.

"Ayan na baby!! Ayan na!!" sabi niya sa akin at tinignan ko yung ginagawa niya!

OMG!!

"Ayan na Marco!!!" napahawak ako sa balikat niya nun..

3

2

1

*YOU WIN!!!*

"Yes!!! Hahahaha!!!" tuwang tuwa si Marco nung makuha niya yung teddy bear mula sa machine. 

Andito kasi kami sa isang Amusement Park. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto niya dito!

"Sabi ko sayo eh! Makukuha ko!" pagmamayabang niya sa akin.

Oo na! Malay ko bang makukuha niya yun! Nakaka-ilang token na kaya siya!

"Oo na! Ang yabang nito!" sabay talikod ko pero hinawakan niya ang kamay ko nun at hinarap niya ako sa kanya..

"Nagtatampo na naman ang baby ko? 

"Hindi ah!"

"Tss! Ito oh. Para sayo yan." sabay bigay niya sa akin ng teddy bear kanina.

Yiiiiieee! Napakalandi ko na naman!!

"salamat Marco." sabi ko at tinignan ko ulit yung teddy bear. 

Ang laki niya! Kasing laki niya yung unan ko! Tapos kulay blue pa at may heart sa gilid!

"Anong salamat? May kapalit yan!" napalingon ako agad sa kanya nun.

Ano?! Kapalit?!

Kainis naman!!

Okay na sana eh! May kapalit kapalit pa!

"Ano naman yung kapalit aber?"

"Kiss." sabay turo niya sa pisngi niya. 

Sus!! Kiss lang pala eh! Akala ko naman kung ano na!

Lumapit na ako nun sa kanya at aktong hahalik na sa pisngi niya..

3

2

1

*Smoooooch!!*

O___O - mukha ko

^____^ - mukha ni Marco

Lumakad na siya nun paalis at may pasipol sipol pa! At ako? Ayun! Naiwan sa gitna ng parang!

Nakakainis!! Naisahan ako dun ah!! 

Sabi sa pisngi lang tapos biglang haharap!!! Nakakahiya! Ang dami pa namang tao!

bakit ba hindi ko naisip na gagawin niya yun?!

"Baby! Ano? Gusto mo isa pa?!" tiignan ko siya ng masama nun kahit nasa malayo na siya.

My Sexy Tutor (Ang Pagbabalik) OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon