Lesson #9 Bed Lessons?!!

23.4K 133 10
                                    

(A:N) - Naka-PRIVATE po yung LESSON#8. Kung di niyo po makita, tignan niyo po sa profile ko. :)

_____________________________________________________

Cassandra's POV

5PM na nung makarating ako sa starbucks. Super late na ako! Gusto kong tumakbo pero di ko kaya! Di nga ako makalakad ng maayos eh! Jusko! Ayaw kong ma-AWOL! Si Marco kasi, kung di ko pa pagtutulakan paalis ng bahay, eh hindi talaga siya uuwi! Parang balak ng tumira dun sa bahay ko! Buti na lang at wala si kuya, kasi kung hindi, NAKOW! Pumasok na ako sa loob at sinalubong ako ni Mildred..

"Ano ba naman yan Cassandra! Bakit ba naman kasi Late ka?" sabi ni mildred habang nakapamewang. Oo, nag-tratrabaho din yan dito sa Starbucks. Syempre, gabi daw kasi ang mga schedule ng booking niya!

"Ano.." ano nga ba?! Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo dito! Teka, bakit ba hindi ko pwedeng sabihin?!

"Ahh.. nalate kasi ako ng gising eh!" palusot ko pero binigyan niya ako ng tingin na nagsususpetsya.

"Nalate ng gising?! Bakla, 5PM na! Nalate ka pa din ng gising?!! Tinalo mo pa yung mga nag-bu-booking!!!" sermon niya. Haaay! Ito na naman. Nagulat ako nung tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, pero pabalik sa may gitna ko. Alam niyo na siguro kung nasan siya nakatingin.

"B-bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya..

"Talikod ka nga!" hinapit niya yung braso ko tapos ay tinalikod niya ako sa kanya..

"B-bakit ba Mildred? May problema ba?" pagkasabi ko nun ay iniharap niya ulit ako sa kanya at tumingin siya ng diretso sa mata ko. (O.o)

"Lumakad ka nga." sabi niya. Ano ba yan?! Lalakad ako?! Eh ang sakit nga ng ano ko eh!

Wala naman akong nagawa, at lumakad na ako. Pero iika-ika. Masakit talaga eh! Lumakad ako palayo tapos ay bumalik ako sa kanya. Nagulat na lang ako nung biglang lumaki yung mga mata niya!

"Tell me, sinong HALF-MALAS at HALF-MASWERTENG lalaki ang naka-una sayo?!! Waaaaah!!" halos mabingi ako sa sinabi niya. Wait, paano niya nalaman?!! Wala naman siya dun nugn ginagawa namin yun ah?! At hindi din naman ganun kalakas ang yugyug at ungol namin para marinig sa kabilang kanto!

"Anong sinasabi mo?!! Tumahimik ka nga dyan! Mamaya may makarinig sayo!" kinuha ko yung gamit ko para kunin yung uniform ko.

"Nagsinungaling pa. Alam mo Cassandra, I've been there, Done that, and still doing it!" sabay ngiti niya ng nakakaloko.. "Now tell me, kaninong SAGING at UBAS ang iyong NAPITAS?" Nakakainis naman! Bakit ba kasi napakagaling nito sa mga ganung bagay!

"Fine! Aamin na ako..." humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago ko sinagot yun. "Si Marco Sandoval." 

"SABI NA EH!!! KAYA KA TALAGA NAG-APPLY PARA MAGPAKANG-KANG DUN NO?! NAHIYA KA PANG AMININ SA AKIN!" (O.O) ghaaad! Nakakahiya, isinigaw ba naman niya sa loob tapos nakuha niya yung atensyon ng mga tao!

"Pwede wag mo namang ipagsigawan! Nakakaloka kang bakla ka!" sabi ko sabay hampas pa sa braso niya..

"Ano ka ba?! Dapat nga pinagmamalaki mo yun eh! BE PROUD!! Biruin mo? Nadapuan ka ng isang Marco Sandoval?! Eh sa pagkaka-alam ko, mga HIGH CLASS B*TCH lang ang pinapatulan nun eh!" pagpapatuloy niya..

"Oo na! Proud na ako! Tumahimik ka na dyan pwede?!!!" sigaw ko sa kanya.. Nakakaloka kasi eh! Di pa nga ako maka-get over dun!

"Yan ang kaibigan ko! Pero hindi ka makakalusot sa akin! May utang ka nga actually sa akin eh!" nagulat ako dun sa sinabi niya. Kelan ako nangutang sa babaeng to?!

My Sexy Tutor (Ang Pagbabalik) OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon