Chapter 13 (Certain Catastrophe)

13 2 0
                                    

Aella POV++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

F*CKSH*T!!!!!!!!!!!!!!!!!

dahan dahan kong kinurap ang mga mata ko habang desperadong umiiling iling. grabe magkakastip neck nako kakapilig sa ulo. Mamamaga na yung mukha ko kakasampal sa sarili ko...

Maingat kong hinawakan ang ice bag na nasa ulo ko at dinampi dampi ang nananakit kong ulo na may kasama pang hilo. Oh ano laban ka? ako na yata ang pinaka praning na tao ngayon. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. napakabilis naman ata ng lahat ng ito.

"Ano Ayos kana ba? nahimasmasan kana?" tanong niya.

HIndi ako makasagot at tiningnan ko lang siya na puno ng inis. Tinaasan ng kilay, pinagkunutan ng noo.. lahat lahat. pero di man lang naapektuhan ang mokong nato. I end up pouting habang padabog na pinapadyak ang paa ko.

"Stop pouting. PSYCHO" muling sabi ng mokong nato.

"Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!! hindi kaba lalayas!!! wag mo na ipakita ang panget mong pagmumuka sakin, please?*huk* HUHUHUHU" buong lakas kong pagmamaktol habang pumupunas ng luha sa sobrang inis.

Hinimatay kasi ako kanina pagkatapos ng phone call kay lolo. sino ba namang di masisiraan ng bait, kung makakareceive ng ganoong balita diba? ano pa bang expect mo? edi paggising ko naghihysterical nako.

Ayos na buhay ko eh. Masaya na at puno ng kaastigan kasama ang Laxonicus gang. Bakit pa kasi kailangan niyang umeksena sa buhay kong puno ng action. Isa siyang panira. I hate him lalo na kapag sinasabihan niya akong Psycho. Nagpapanting talaga yung tenga ko at gusto kong tapyasin yung dila niya.

Napagpasyahan ko nalang na mahiga sa kinauupuan ko, tutal ay isa naman itong sofa.

"Hey, may kwarto ka diba? Bakit dyan ka pa matutulog?" -Adrian

"Wala kang pakielam!! Get out of my sight! Hindi kita gustong makita"-Ako

Bumaling ako sa right side para talikuran sya habang nakahiga. This is a very tiring and catastrophic day for me. Ano? Gulat kayo noh? Hindi komo hindi ako taga section A ay hindi kona kaya mag english. Sadya nga lang talagang kilala ang section A bilang matalino sa academics pero half of it is just a false one.

Minsan kasi, mas pinipili ng admin na kumuha ng magagandang babae at hindi warfreak para ilagay sa section A to improve the image of the school. Tutol ang university sa gangs, palibhasa ay bitter sila sa pagkawasak at pagkasira ng abusadong gang ng 'section A' long long years ago. Simula noon, wala nang nangahas na muling bumuo ng gang sa section A.

Ang Laxonicus gang na sa kasalukuyan ang pinakasikat at kinatatakutan sa aming skul. Marami akong pinagdaanan bago makuha ang pwesto bilang lider ng gang na iyon. At hindi ko iyon isusuko. Isa ako sa mga fearless leader na nagpatatag at lalong nag palawak at nagpalaki sa gang. Hindi ko isusuko ang pinaghirapan ko. I hate section A's it loathes me. muka lang silang mabait sa panlabas pero puno sila ng baho. Sa Halcon University, uso ang humukay ng sariling lupa at magbaon ng mga sikreto. Bawat isa sa amin, misteryoso, bawat isa may tinatago maski ang mga honors at tinitingala sa Section A. At hindi ako papayag na makabilang sa section na yun.

...

Adrian POV+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Matagal akong umalis sa kinauupuan ko. nasa sofa ako katapat ng hinihigang sofa ni Aella. Pinapanood ko lang sya habang mahimbing syang natutulog. Mula nang mahimatay siya hanggang sa mag hysterical sya, kita ko talaga kung gaano siya kagalit at naiinis sakin.

I am also aware na natural lang yon dahil isa siyang gangster at isa naman akong taga section A. BIgdeal yon lalo na para sa isang lider ng gang na tulad niya at sa mga taong nag aaral at nakapalibot sa Halcon University. Parang isang mortal sin kapag naging magkaibigan ang section A at mga gangsters na kinabibilangan ng iba ibang sections.

Napansin kong nakatulog na siya. I decided to sleep also sa sofa na kinauupuan ko since hindi niya naman ako winelcome sa bahay niya at nakakahiyang magbukas ng kung ano anong kwarto dito.

...

Third Person POV+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Mahimbing na natutulog si Adrian at si Aella sa magkabukod na sofa.

Nang biglang.....

Bogsssshhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!

Agad na naalimpungatan si Adrian nang makitang nasa sahig na si Aella habang natutulog.

"Grabe, napaka tulog mantika naman nitong babaeng to" naiiling at iritadong usal ni Adrian  habang kumakamot sa ulo. Tila iniisip niya ng mabuti kung anong dapat gawin.

Agad niyang binuhat ang babae at muling ibinalik sa sofa. Maya maya pa ay muli na rin syang nakatulog. Kita sa mga ngiti ng makisig na binata, na napaka himbing at sarap na ng kanyang tulog.

Nang biglang.....

Bogggggssssssssssshhhhhhhh!!!!!!!

Muli siyang nagising at nakitang nasa sahig na naman ang babaeng si Aella. He just shook his head in disappointment. Sa sobrang antok at inis ay muli na lamang siyang nahiga..

biling dito.. biling doon..

"HAHAHAHAhaHAHA" tawa ni Aella habang natutulog...

Marahang umupo sa sofa ang lalaki imbes na mahiga at matamang tiningnan si Aella. Mukang Tanga si Aella habang Nakataas ang isang kamay.
Di malaman ng lalaki kung anong uri ng sleeping position ang ginagawa ng babae.

"Adrian!! *snor*alam mo *snor* gwapo ka. *snor*pero *snor* di talaga tayo pwedeng maging magkaibigan *snor*... hindi talaga *snor*" usal ni Aella habang natutulog ng mahimbing

Hindi makapaniwala ang lalaki sa narinig. Dahan dahang sumilay ang ngiti ng lalaki dahil sa pag amin ng babae na "gwapo siya".

Adrian POV+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Hindi ko mapigilang mangiti nang marinig sa kanya na gwapo ako. Marunong naman palang umamin ang babaeng ito. nakakalungkot lang nung sinabi niya na hndi kami maaaring maging magkaibigan. Tingin niya talaga sa akin ay isang kaaaway dahil sa Section A ako..

Agad ko siyang binuhat. May puso naman ako para hindi siya hayaang matulog at lamigin sa sahig. Dahan dahan akong umakyat  sa hagdan at hindi naman ako nahirapang hanapin ang kwarto niya.
Agad ko itong binuksan at maingat siyang nilapag sa kama. inayos ko ang kanyang pagkakahiga saka siya kinumutan.

Aalis na sana ako at tatayo nang bigla niyang hablutin ang isa kong kamay..

"Dito ka lang.. wag.. mo.. ko.. iwan.." pakiusap ng babaeng nasa harapan ko habang natutulog..

Natigilan ako sa mga sinabi nia.. Uso ba talaga ang sleep talking?

Lalakad na sana ako paalis nang bigla niya ako hilahin at masubsob sa kanya. Sa di sinasadya ay muling nagdikit ang aming mga labi.. Parang pamilyar ang ganitong pakiramdam.. malambot na mga labi.. mahina ngunit na kakapagpanatag na paghinga at sensasyon.

Humiwalay ako sa kanya habang pigil ang paghinga. Di ako ganun kabaliw para samantalahin ang isang babaeng natutulog.. pinagmasdan ko lang siyang matulog... maamo naman ang kanyang mukha. maganda siya.. pero bakit ko nga ba napagkakatuwaang biswitin siya?

"Hmmmmmm.."-Aella

agad niya akong hinatak na naging dahilan ng pagkakahiga ko tsaka siya yumakap sa akin. Hala akala niya siguro ay teddy bear niya ko.. shiks!!!! Masakit na yung mata ko at maluha luha.. antok nako kaya't hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.






Definitely Not A Good LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon