Chapter 19 - 5 Years of Nothing

5 0 0
                                    

***Ryan's POV***

As the sunlight hit my face, it all reminded me of her. She used to be the sunshine in my life, and then I remembered, it's been 5 years of nothing.












Saturday morning, walang klase kaya naman 10am na ako nagising. Besides, ang sarap kaya matulog! *insert Christmas Breeze* Nakaka-antok din yung lamig ng panahon.

Pero ang totoo, gusto ko pang matulog para ituloy yung panaginip ko. Andun kasi sya, kasama ko.




Sa panaginip ko, we're very happy together. Nasa isang amusement park kami. HHWW, nagSUSUBUAN (ng ice cream! You PERV!) at masaya lang. Usually hindi ko naman natatandaan ang mga panaginip ko eh, sabi nga nila, the more you try to remember it, the more you forget. But this is different. I can recall every single moments of that dream. Maybe because it is something really special.









I woke up, everything felt real. Hindi ko na ma-distinguish kung alin ba ang panaginip at hindi. Then I remembered, it's been 5 damn years since that girl shut me down.

Wala na halos akong balita sa kanya, hindi naman sya ganun ka-active sa social media lately at ganun din ako. We don't have each other's number so we can't send texts. And besides, what's the point of having it? To make it short, wala kaming direct communication ever since.





It all felt weird yet somehow amazing at the same time. Alam kong matagal na, pero parang bumalik lahat sakin. Parang tae lang ako dito sa kama, nakatulala sa kisame. Umaasa pa ba ako? Putek naman oh, limang taon na! Dapat naka-move on na ako.

Sya kaya? Naiisip din kaya nya ako? Napapanaginipan? Pinagnanasa... Shhhhhhh! Erase erase! Panung napunta dun?! Ano ba naman yan?! Inatake na naman ata ako ng makamundong pag-iisip!








Bumangon na ako and decided to grab a coffee dun sa malapit na coffee shop.

Malapit lang naman sya kaya nilakad ko na lang. Excercise ko na rin kahit papaano.






"Same old pa rin." Sabi ko dun sa barista. Halos regular customer na rin ako dito. Kaya alam na nila order ko.






After ma-serve sakin yung coffee, I grabbed a seat. Dito muna ako magpapalipas ng oras.

While savouring and enjoying every single sip from my coffee(LEVEL UP SA ENGLISH THOO!), I noticed 3 familiar faces sa kabilang table.


Yung isa matangkad tas payat.
Yung isa malaki ang ilong.
Yung isa naman bansot.





WALANG DUDA! Sila nga yon! Pero bago ko pa sila tawagin, nauna na sila.

"Ryan!"
"Altura!"
"Theresa!"

Okay, hindi kayo nagkasundu-sundo sa kung anong itatawag sakin. At bakit may Theresa?! (-_-)




That was awkward. Medyo umeskena ang mga tagpong yun sa loob ng coffee shop. But still, I transferred sa table nila.




"Hoy! Kamusta ka na!?" Unang bumati sakin si Maan.

"Okay lang naman, kayo? Tagal ko na kayong 'di nakikita!" sagot ko.

"Ikaw ang hindi ko makita! Ang liit mo pa rin!" Nanlait pa 'tong Anthony na to.

"Ikaw na matangkad!" Sabay pa naming sabi ni Vanessa!

"HAHAHAHAHA! Sabay pa talaga tayo?! HAHAHAHAHA!" Tawang-tawa naman si Vanessa sa nangyari.

"Aba makatawa?! Hoy baka masinghot mo pa yang kape mo katatawa, sumama pa yung tasa!" Sabay sabi ni Anthony.





Speaking of kape, napatingin naman ako dun sa mga iniinom nila at dun sa table.


Aba?! At bakit may mga sachet ng 3 in 1 coffee mix dito? Wala bang pambili 'tong mga 'to?!







"Oh bago ka magsalita, sasabihin ko na! Bumili naman kami, naubos na lang kaya nagtimpla na lang kami. Sakto kasing may dala akong mainit na tubig sa tumbler ko. Tapos sina Anthony at Vanessa naman may dalang 3 in 1 coffees galing sa mga dorm nila." explain sakin ni Maan.

"Wow ha?! At pinlano nyo talaga 'to 'no?" Yun na lang ang nasabi ko.





Grabeng lakas ng trip netong mga 'to! Kung ako lang may-ari netong coffee shop, sinipa ko na 'tong mga 'to palabas.




Pero nakakamiss sila! Hindi pa rin nagbabago yung mga kalog na utak nitong tatlong 'to! Lumala pa ata!








Buti pa sila hindi nagbago sa loob ng 5 years. Samantalang sya, nag-school vacation lang, naging complete different person na sya. (HUUUGGGOOOTTT ANG LOLO MO!)






"Oh! Wag ka nang matulala jan. I know it's a lot to take in. Saka hindi ka na ba nasanay saming tatlo?!" Sabi ni Anthony.

"Hindi ko lang talaga maisip na magagawa nyo 'to" Sagot ko naman.

"Haha! Hayaan mo na minsan lang kasi kami magkita-kita eh. Why not spice it up a little bit. Ngayon lang nagka-break sa school. Nakakastress kaya ang magsaulo ng napakahabang hindi mo maintindihan tsaka magcompute nang magcompute!" Sabi ni Maan

"Oo nga! Buti ka nga number lang, eh ako may kasama pang letter. x, y, e, ahh ewan, lahat na ata ng letter sa alphabet pinagsama-sama sa iisang equation!" - Anthony

"Okay, usapang math na. Ayoko na. Uwian na" - Vanessa




Nagkatawanan na lang kaming lahat sa hirit ni Vanessa.

Nagkakwetuhan at kamustahan pa kaming apat. Ang dami kong nalaman tungkol sa mga nang yari sa kanila this past years. Parang kulang ang isang araw para sa kwentuhan.















"May balita ba kayo kay Theresa?"























In the midde of nowhere sa aming usapan, bigla ko na lang nasabi yun. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil siguro yun sa kanina pang occupied ang utak ko dahil dun sa panaginip ko.







Nagkatinginan silang tatlo na para bang nakakaloko... Then sabay-sabay pang nag-lean forward sakin..










"Hindi mo ba alam?" Sabi ni Vanessa

"Teka. Ano ba yun?" Mausisa kong tanong




----end of Chapter----

Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon