*Ryan's POV*
Kailangan ko pa bang ikwento ang storya namin? Wag na lang kaya? Nakakainis na eh. Parang wala nang magiging improvement 'tong LOVE story namin.
I'm so loveless! Poor me! Ano ba kasi ang dapat kong gawin?
Ang gulo ng relationship namin 'no? Bigla biglang naging malabo. Hay ewan. Siguro kasi, napaka torpe ko kaya ganun. Naman eh. Natatameme kasi ako sa kanya. Ba't naman kasi ganun? Tss.
Siguro, wala na ngang KAMI. Away na siguro niya sa akin. Or should I say, ayaw naman niya talaga sa akin. Napilitan lang siguro siyang sagutin ako kasi napaka kulit nina Anthony! Wala namang formal na ligawang naganap eh. Nagsimula lang sa asaran tas di nagtagal, kami na. Ewan? Ang gulo 'no? HAHA. Tawa na lang! Kaya siguro ganito, magulo pa rin kami.
*Theresa's POV*
Want to hear my side?
(co-a/n: Di po ako sure if ito nga po yung dahilan niya sa pagiging cold niya. HAHA. Basta, ito lang yung pagkakaintindi ko. Post your comments kung alam nyo pong mali yung dahilan na nakalagay sa story. Thanks!)
Okay, ganito kasi yun. Sophomore days, nalink ako kay Ryan. Nalaman kasi nilang crush daw ako ni Ryan, which is, kina Anthony ko lang din naman nalaman.
Hmm. Masasabi kong, he have the looks. Torpe nga lang. Kaya, sinagot ko siya. Teka, baka naman isipin nyo, one-sided love lang yung relationship namin ha? Hindi no. Actually, I fell in love with him. Hindi nga lang siguro equal yung weight ng love ko kung icocompare sa kanya. Sabihin na nating, 50kls ng rice yung kanya, ang akin naman e... 10kls? Haha. Idk.
So, naging kami na nga. During uwian, hinahatid niya ako. Pero hindi ko hinahayaang ihatid niya ako hanggang sa tapat ng bahay namin. Hanggang sa may kanto lang. Mahirap na, baka may makakita pa. Alam nyo kasi, bawal pa naman talaga ako mag-boyfriend. Eh ang kaso, napa-Oo ako. Anong magagawa ko? Haha. Wala nang bawian 'to kaya, ipush na lang!
Days passed. Bakasyon na. Nahahalata na ako ni Mama. Lagi daw akong may katext. Napapadalas na din ang pag-open ko ng account ko sa FB. Hindi naman ako ganito dati eh. Eh kaso, ng dahil sa may boyfriend na nga ako, feeling ko, oras-oras namimiss ko siya. I can't help it! Kaya lagi ko siyang katext.
BINABASA MO ANG
Second Chances
Teen Fictionjust look at the cover :D tinatamad akong mag-explain eh :3