Chapter I

67 2 0
                                    

Riiiiiinnnngggggg!!! Riiiiiinnnnnnmnnggg!!!

Kinakapa ko ngunit 'di ko maramdaman kung asan ba yang bagay na yan.

RIIIIIINNNNGGGGGG!!! RIIINNNNNGGGGGGG!!!

ARRRGH! Ano ba yan?! Nasan na ba yan!? Kapa kapa ulit. Ngunit wala talaga!? Ano ba yan? Hanggang sa may nakapa ako ngunit nahulog ito.
Tsk! Yung salamin ko! Kinapa kapa ko nanaman kung nasan ba yang salamin ko.

"Tios! Ano ba yan ang ingay!! Baka pati kapitbahay magising diyan sa alarm clock mo! Jusko kang bata ka! Ano bang ginagawa mo diyan?" sigaw sakin ni mama.

At mas lalo ko pang binilisan ang pagkapa dun sa salamin ko. Kapa... kapa... kapa... at yun! Sa wakas! Naipailalim lang sa kama ko!

Marahan at madiin kong ipinikit ang aking mga mata sabay suot ng aking salamin. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at unti unti kong naaaninag ang liwanag na dala ng dim light.

"Tios! Isa! Huwag mo na akong antayin na umakyat diyan anak! Gumising ka na diyan! At baka isumpa ka ng mga kapitbahay natin sa sobrang ingay!" sigaw ulit ni mama habang nasa kusina.

"Oho! Nariyan na po! Saglit lang po!" tugon ko naman at agad kong hinanap yang malaspeaker na alarm clock ko at agad agad na pinatay. Baka nga siguro nabulabog ko na ung mga kapitbahay namin dahil sa ingay.

Diretso agad ako sa kusina pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo.

Si mama maagang nakapagluto kasi maaga din siyang nagluluto ng kanyang mga ititinda. May karinderya kasi kami, na pinundar ng aking mga magulang. Naabutan ko na din si Papa na kumakain sa hapag at naghahanda na rin si mama ng baon ko. Si Papa naman nagtatrabaho sa isang advertising company. Well, masasabi ko naman na may kaya kami kaso turo sakin ng mga magulang ko na matuto daw dapat akong magtipid at di laging umaasa sa sweldo ng aking ama at benta ng aking ina. Simula bata palang ako itinanim na nila sa utak ko yan. Kaya naiintindihan ko sila.

"O anak kumain kana at sumabay kana saking pumasok mamaya ha?" sabi sakin ni Papa pagka-upo ko sa hapagkainan.

"Oho." Yun nalang ang tangi kong sagot. Pagkatingin ko ng orasan, 5:45 am na so nagmadali akong maligo at magpalit ng uniporme. 6:00 kasi umaalis si papa dahil malayo ung pinagtatrabahuhan niya. Buti nalang at may kotse kami, siyempre paghihirap nila mama at papa un. Kaya proud na proud ako sakanila. Talagang kayod ng kayod para mapunan ung mga pangangailangan ko - kami.

So pagkatapos kong magpalit at madali na akong bumaba at hinablot ung bag ko dahil kagabi ko pa naman to inayos. Kaya wala na akong problema kung sakaling magmadali ako.

"Dalian mo anak at mahuhuli kana. May bibilhin pa ako sa palengke at may nakalimutan akong rekado sa menudo ko. Sasabay na ako senyo ng papa mo at magcocommute nalang ako pauwi. Dalian mo!" sigaw nanaman sakin ni mama.

"Opo! Opo! Nandito na po" sagot ko at nagtatakbo akong nagpunta sa sasakyan. At lumarga na kami.

Di naman kalayuan yung university na papasukan ko. Mga dalawang sakayan lang naman. Kaya maaga din akong gumagayak para maaga din akong makarating.

Pasukan ngayon... Ano kaya ang mga kaganapan sa panibagong school year na to? Hayyy... Kalain mo yun. First year college na ako. Sino kaya ung magiging kaibigan ko? Terror kaya mga prof ko? Papasa kaya ako? May tsansa ba akong maging cum laude o kaya magna? Ay bahala na! Basta gagawin ko nalang yung part ko bilang isang estudyante lalo't nasa kolehiyo na ako, ang magdoble kayod sa pag-aaral.

Kumuha ako ng kursong Bachelor of Secondary Education sa isang pampublikong kolehiyo. Pero infairness, di 'to nagmumukhang public sa facilities nito. Parang pang-university na nga ang dating eh.

Nang makarating kami ng school.
"O anak nandito na tayo. Anak baka hindi ako nakadaan dito mamaya may meeting kasi ang papa. Commute kana lang pag uwi ha?" sabi ni papa sakin.
Si papa talaga ang sweet saka suportado ako kahit na alam na nila ni mama na isa akong Bisexual tanggap parin nila ako.

"Opo pang, sige una na po ako." nakangiti kong sabi sakanya.

"Ay anak teka! Yung baon mo!" pahabol sakin ni papa.

"E binigyan na po ako ni mama." sabi ko naman.

"E di dadagdagan ko. Wag mo nalang sabihin kay mama mo. Alam mo namang malakas ka sakin." sabay kindat na sabi ni papa.

"Salamat pa!" sabay yakap sakanya.
"The best papa ka talaga!" pahabol ko.

"Sus nagawa pang mambola. O siya sige na at baka malate kana. Ingat anak!" paalam sakin ni papa at tanging kaway nalang ang naitugon ko sakanya.

At dahil late na ako dahil hinatid namin si mama sa palengke, kumaripas ako ng takbo sa paghahanap ng room ko dahil tapos na ung orientation of first year students which is hindi ko na nadaluhan dahil un nga. (Uulitin nanaman ba ng author? :D)

Ang nakalagay sa Pre-Enrollment form ko eh, Rm 8 sa IEd building. Hanap agad ako at kumaripas ng takbo. Sa pagmamadali ko bigla akong may nabunggong sino man dahil di ko na alam ung tinitingnan kong daan.

"Aray! Ano ba yan?! Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" bulalas ng isang lalaki. Jusko! Lalaki pa tong nabunggo ko baka mamaya jombagin ako nito.

"Pasensya na ho. Nagmamadali lang po kasi ako." kako naman na kinakapa kung nasan nanaman ung salamin ko na natanggal sa lakas ng pagkakabunggo ko kay kuya.

"Ano bang kinakapa mo diyan? Para kang baliw!?" wika nanaman nito.

"Ah... eh... yung salamin ko kasi. Tsk! Nasan na ba yun?!" inis kong sabi sakanya.

Kahit malabo ung paningin ko eh naaninag ko ung pagngiti niya sabay pulot dun sa tumilapon kong salamin.

"O eto ba yung hinahanap mo?" Sabay abot nung salamin ko.

"Ah! Oo eto nga! Salamat pre." sabi ko naman sakanya.

"Sa susunod ingat ka sa daan ha? Ano bang hinahanap mo't nagmamadali ka?" tanong nito sakin.

"Ah eh... yung room ko kasi." sabi ko naman sa kanya sabay abot nung pre-enrollment form ko para malaman niya section ko.

"Ah! Rm 8? Ayan oh!" sabay turo sa may kanan. Saktong tunginan naman ung mga estudyante dun dahil sa eksena naming parehas na nakasalampak sa sahig.

Medyo namula ako sa hiya nun. First day of school may kahihiyan agad ako. Tsk! Ano ba yan!!!

Tumayo siya at ini-abot ang kamay niya para tulungan akong tumayo.

"Ingat ka sa susunod ha? Wag kasing padalos dalos. First day of school palang. Paniguradong walang regular class." natatawang sabi nito.

"Ah sige pasensya na sa abala." nakangiti ko namang sagot sakanya.

"Good! Sige una na ako ha? Ingat ka Tios!" sabay karipas ng takbo.

Teka ba't niya ako kilala? Hmmmm... sino pala siya? Taga sang Institute siya? Anong course niya? Argh! Ang bopols naman di ko man lang natanong lahat yan kay kuya! Ang pogi pa naman niya.

At tumuloy na akong pumasok sa Room...


ITUTULOY...

--
A/N: Never forget to leave a comment! That will help for the improvement of my story. Thank you! :)

HandwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon