Maaga akong nagising dahil na din siguro napa-aga din ang tulog ko kagabi. Agad akong bumangon dahil nag-eeskandalo nanaman yung napaka-ingay kong alarm clock kaya't dali-dali ko tong pinatay para di na makapangistorbo ng iba.
Nang marating ko ang kusina ay naabutan ko dun si Papa na kumakain na ng agahan samantalang si Mama nama'y hinahanda na yung mga nalutong ulam na ihahain niya sa karinderya.
"O bakit ang aga mong nagising ata?" tanong ni Papa
"Ah eh... Sa pagkakaalam ko po may pasok ako ngayon." nagtatakang sagot ko naman.
"Siguradong okay kana ba anak?" alalang tanong ni Papa sakin habang inaalalayan akong umupo.
"Jusko kang bata ka. Magpahinga kana dun. Huwag ka munang pumasok tutal wala pa namang regular class dahil kasisimula palang ng pasukan." singit naman bigla ni mama.
"Eeeehhh! Ma naman eh! Ang aga kong nagising tapos di niyo lang ako papasukin?" inis kong pagpupumilit.
"Ah basta! Subukan mong pumasok at pipilayin kita ng tuluyan." pagbabanta ni mama.
So ang ending ko ay umakyat muli ako sa kwarto at ibinagsak ang aking katawan sa kama. Di pa din natatanggal ang benda saking ulo dahil kamakailan ay dumugo yung sugat sa ulo ko sa pagkakagalaw ni mama. Pinatahi na namin ang mga sugat at sabi ni mama pupunta daw kami sa doktor para ipatanggal yung benda.
Tumunganga lang ako maghapon, kung hindi naman magbasa ng libro, maya maya napagpasyahan kong matulog nalang.
Kinahapunan ay pumunta na kami ni mama sa doktor at ipanatanggal ang benda saking noo. Nag-iwan ito ng peklat na siyang dahilan para magmukha akong badboy kahit nakasalamin ako. Baka pag-initan nanaman ako ng mga bully sa school at pagkamalan akong siga siga lalo na yung demonyong si Dean. Tsk!
Konting kirot nalang ang nararamdaman ko pag hinahawakan yung sugat ko at pagaling na ito. Sabi ni mama papasukin na niya ako bukas. Hayy... Sa wakas naman! Gusto ko na din kasi makita si Dean.
😲
Teka? Sinabi ko ba yun?! Bakit yun ang pumasok sa utak ko! HINDI PWEDE!! DI PWEDE AKONG MA-INLOVE SA DEMONYONG YUN! AYOKONG MAPAAGA ANG PUNTA KO SA IMPYERNO! 😭 ERASE! ERASE!
--
Sammy's Point of View
Maaga akong pumasok dahil gusto kong masimulan ang pagiging good boy ko sa boy labong yun kahit ang sarap niyang i-bully. Pero ano magagawa ko? May kasalanan ako sakanya. Hayyy...
Dumating na yung prof namin sa English pero di pa din dumadating yung boy labong yun. Bakit kaya?
Konting oras pa baka na-traffic lang... O kaya naman may dinaanan lang.
Maya maya pa ay wala pa rin ang boy labong inaantay ko. Halos din ako mapakali sa kinauupuan ko at di na ako nakikinig kay Ma'am dahil inaantay ko yung pagpasok ni Tios. Dungaw ako ng dungaw sa bintana nang biglang...
👊😂
"Aray!" napasigaw ako sa pagkabigla ng batukan ako ni Dustin na siyang katabi ko.
Tinginan naman ang lahat sa kaklase ko pati na din si Ma'am."Is there something wrong Mr. Alonzo?" tanong sakin ni Ma'am.
"Ahm... nothing ma'am! Naipit lang po yung daliri ko sa zipper ng bag ko." palusot kong ganyan.
At balik sa pagdidiscuss si Maam at tiningnan ko si Dustin ng malademonyong tingin.
"Bakit mo ba ako binatukan?!" inis kong sabi sakanya pero mahinang boses.
BINABASA MO ANG
Handwritten
RandomA story between a badboy bully fell in love with a boy labo. E sa agwat palang nilang dalawa pagdating sa mga aspeto tulad ng kultura sa buhay, mga gusto at hilig, mga nakagawiang gawin di na sila magkasundo sa pag-ibig pa kaya. How? Is it possible...