Tios Point of View
Gutom na ako! Sabay himas sa tiyan ko. Grabe nakakagutom palang makipagtalo. Eh kasi naman ung ugok na un eh. First day na first day sinisira niya. Panigurado ako tuloy tuloy na yan hanggang matapos ang semester.
Naglalakad ako ngayon sa napakalawak na unibersidad, naghahanap ng makakainan. Maghahanap ako ng ipapakain ko sa mga dragon sa tiyan ko. Nasa iisang lugar lang ang mga kainan dito sa university. May mga fastfoods. May stalls. May mga cafeteria. At karinderya. Meron ding bilihan dito ng school supplies at General Merchandise.
Sa daming kainan ba naman dito hindi ko na alam kung san ako tutungo. Hayy... bahala na basta may makainan dahil talagang gutom na gutom na ako.
Nakahanap ako ng isang karinderya. Eto na siguro ung pinakamura sa lahat ng mga nadaanan kong kainan dito sa university. Bukod sa maraming estudyanteng kumakain, mura nga naman talaga. Marami ding mapagpipiliang ulam at meryenda. Sobra sobra pa ang badyet ko pangkain.
Habang papasok ako, nabigla ako dahil nandun nanaman ang ugok na si Sammy. Jusko! Sa dinami dami ng kakainan ba't dito? Bakit dito to kumakain? Sa yaman niyang un tapos dito siya kakain? Anong meron?
Aalis na sana ako pero marami nang nakaharang dun sa pintuan kaya wala na akong nagawa kundi tumuloy at umorder ng pagkain.
Pumila ako sa pagkahaba habang pila. Jusko! Ang bagal pang magserve ng mga serbidor dito. Hayyysss!!
"Kruuugggg!!!" pagngitngit ng tiyan ko. Jusme! Nakakahiya! Tumingin pa ung nasa harapan ko! Anong magagawa ko? Gutom na talaga ako! T_T
Bagal talagang umusad ng pila. Nang biglang dumating ung isang serbidor, bale tatlo na silang nagseserve. Medyo bumilis naman ung usad nung pila. Kasi tatlo tatlo na ung sineserban.
At ng ako na ung seserban, pinili kong ulam yung puros gulay. Siyempre healthy living tayo, bawal ang magkasakit sakin. Ang hirap kaya ng may sakit. Saka bumili ako ng softdrinks at tubig para panulak.
Matapos ibigay ung pagkain ko at nailagay na sa tray lahat ng inumin at pagkain ko, naghanap ako ng mauupuan. Lahat ng upuan occupied na ngunit may katangi tanging upuan na walang nakaupo. Kaso malapit sa demonyo. Kay Sammy...
Tutuloy ba ako o hindi? Eh kasi naman sa ding kakainan dito pa kumain ang ugok na to. Hayyy!! Bahala na! Kung marami lang sanang bakanteng upuan, wala na sanang problema.
Tinahak ko ang daan papunta sa upuang iyon. Madadaanan ko ang impyerno kasi nandun ang demonyo. Pero wala akong magagawa eh. Gutom na talaga ako eh.
Nagmadali akong naglakad, binilisan ko ang bawat hakbang ko para makaiwas kung sakaling makita man ako ni Sammy. Pero nung malapit na ako sa upuan ko, sa bilis ng lakad ko biglang...
O_O
ASDGGHHKJFDDUFRACUAASGQUSRHFDFDNJFXNDJHASHQEJBEJFUSHZJ!!!
Aray! Ang sakit! Puta!
Bumagsak ako sa pagkakapatid sakin. Di ako makagalaw sa sobrang sakit ng katawan ko. Nagkalat ang kanin, tumapon ang sabaw ng ulam ko sa sahig. Naligo ako sa tubig at softdrinks. Nagkalat ang plato, kutsara at tinidor. Pati salamin ko tumilapon kaya ngapa nanaman ako sa dagat ng kanin at ulam, pati sa rumaragasang tubig at softdrinks.Puro hagalpakan at malalakas na tawa ang narinig ko sa paligid ko. At kahit malabo ang mga mata ko. Naaaninag ko ang mga taong nakapalibot na sakin at nagtatawanan. Mapalalaki man o babae.
"Ano ugok!? Ang sarap maligo sa ulam di ba?! Tatanga tanga kasi! Di tinitingnan ung daan! Kala mo siguro di kita makikita? Mali ka ugok! Bagay sayo yan! Kulang pa yan sa pagpapahiya mo sakin. Tanga! HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" ang demonyong si Sammy at tumawa nanaman ang lahat sa mga tinuran niya.
BINABASA MO ANG
Handwritten
RandomA story between a badboy bully fell in love with a boy labo. E sa agwat palang nilang dalawa pagdating sa mga aspeto tulad ng kultura sa buhay, mga gusto at hilig, mga nakagawiang gawin di na sila magkasundo sa pag-ibig pa kaya. How? Is it possible...