Tios's Point of View
Sayang naman at di ko talaga natanong ung pangalan ni Kuya Superman. Gusto ko siyang maging kaibigan.
Bumisita ulit ang doktor sa kwarto ko para check upin ulit ako. At sinabi naman niya na okay na ako. Konting pahinga nalang ang kailangan. Pagkaalis ng doktor ay agad kaming nag-alsabalutan para umuwi na at doon na ako sa bahay makapagpahinga.
Habang palabas na kami ng hospital ay pumukaw saking paningin ang isang lalaking nakatayo sa may garahe. At namumukhaan ko to. Maya maya pa'y nagtago ito. Di nga ako nagkakamali, ang demonyong si Sammy nanaman. Anong ginagawa nito dito? Ang kapal talaga ng mukha at nakuha pang pumunta dito. Sa likod ng kanyang shades na napakalaki ay ang kademonyohang di maitatago pa. Labas na ang sungay at buntot niya. Wag lang malaman nila mama na nandito to kundi bugbog ang aabutin niya. Bigla akong tinapik ni mama sa braso.
"Uy anak bakit natigilan ka? Para kang naestatwa dyan sa kinatatayuan mo? May mali ba? Naipasok na ni Papa ung mga gamit sa loob ng kotse. Halika na at umuwi na tayo." ang sabi sakin ni mama.
"Ah wala po... inaantay ko lang kayong matapos sa ginagawa niyo. Minamasdan ko kayo ni Papa. Ang sweet niyo." nakangiti kong sagot kay mama.
"Eh siyempre pogi ang Papa mo kaya nagayuma ang mama mo." pagmamayabang naman ni papa.
"Sus! Ako ba o ikaw?" balik naman ni mama.
Ang sweet nila. Parang di dinadapuan ng problem. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Tawanan lang at asaran ang ginawa ng dalawa. Maya maya pa'y nag-aya nang umuwi si mama at sumakay na kami sa kotse at umuwi na. Di ko nalang pinansin ang ugok na si Sammy na tatago tago pa sa mga halaman. Halatang halata naman siya.
Habang nasa byahe kami ay ganun pa rin ang drama, nag-aasaran sila mama at papa. Tawanan sila. At kung may magtampo man, suyo agad ginagawa nila. Maya maya nanaman ay mag-aasaran ulit. Ang cute nilang dalawa.
Pagkadating namin sa bahay ay agad nilagay ni papa ung mga gamit ko sa kwarto at si mama naman ay diretso sa kusina at nagluto ng mga kakainin namin. Ako naman ay nahiga at nakatingin sa may kisame. Hayyy... iniisip ko pa din si kuyang Superman. Ano ba pangalan niya? San kaya siya nakatira? Daming tanong sa kokote ko. Maya maya pa ay napapikit na ako't nakatulog.
Sammy's Point of View
Maghapon akong tulala dahil iniisip ko yung nangyari dun sa pinagtripan kong nerd. Ang daming sinasabi nung mga prof pero pasok dito labas doon ang trip ko. Ni isa walang magregister sa utak ko. Hayy... puntahan ko kaya siya, baka patay na yun. Jusko!
So pagkatapos ng klase ko ay dumeretso agad ako sa hospital lulan ng kotse ko. Iniwan ko nalang ang tropa dahil siyempre alalang alala na ako dun. Kahit naman sino si kakabahan.
Pagkadating ko sa hospital sakto namang nakita ko sila ng mga magulang niyang papalabas na. Nakita niya ako siguro dahil napatingin siya sa kinatatayuan ko kaya nagtago ako agad sa mga halaman doon. Nagtatawanan pa sila ng mga magulang niya. Ngayon ko lang napansin na napakapogi niya. Kahit sa salamin niya ay nangingibabaw pa din ang kagwapuhan niya.
Ay teka! Mali to! Ano ba yan!? Nababakla na ata ako. Hayy...
Lalaki ako. Di pupuwedeng maging bading ako. Sa dami ba namang nagkakandarapng chix sakin magkakaganito pa ako. Wrong! Very wrong talaga! -_-Maya maya pa ay nakita ko na siyang sumakay saka lumarga na ang sasakyang sinakyan niya. Nang madaan sila sa harapan ko ay nakita kong nakatitig ito sakin. Nakita nga niya ako. Pero inalis din agad nito ang tingin sakin. At naiwan na nga akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
Matapos nun ay umalis na din ako at tinext ang kambal na magkita kami sa may cafeteria malapit sa mall. At pumayag naman ang dalawa at papunta na sila.
BINABASA MO ANG
Handwritten
RandomA story between a badboy bully fell in love with a boy labo. E sa agwat palang nilang dalawa pagdating sa mga aspeto tulad ng kultura sa buhay, mga gusto at hilig, mga nakagawiang gawin di na sila magkasundo sa pag-ibig pa kaya. How? Is it possible...