Tios Point of View
Finally pinapasok na din ako ni mama. Ang hirap maging Team bahay nu. Hayy...
Naglalakad ako ngayon papasok ng gate nang may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Hi Tios! Kamusta kana? Okay kana ba?" paglingon ko laking gulat ko. Si Kuya Superman pala na nagligtas sakin sa kamay ng demonyong si Sammy saktong nakasabay ko pang pumasok.
"Ay! Ikaw po pala Kuya! Opo magaling na po ako. Gusto ko sanang humingi ng pasasalamat sa pagligtas mo sakin dun sa kainan. Naabala pa tuloy kita." pasasalamat ko.
"Ay wala yun. Ikaw talaga. Gusto ko lang iligtas yung mga kagaya mo mula sa mga bully." tugon nito sabay ngiti. Jusko ang pogi!!!
Tanging ngiti nalang ang tugon ko.
"Oh siya dito na ako ha? See you around Tios!" nakangiti nitong pagpapaalam sabay tahak sa landas nito.
"Sige po. Kayo din po." sabay kaway sakanya pero may naalala ako.
NAKALIMUTAN KONG TANUNGIN YUNG PANGALAN NIYA! Sayang nanaman yung pagkakataon para makilala ko si Kuya Superman.
Habang nanlulumo akong nakarating sa room namin ay sinalubong ako ng kambal kong kaklase na sila Dustin at Justin.
"Hi Vikentios!" bati sakin ni Dustin.
"Kamusta ka?" dugtong naman ni Justin."Ah eh... Ito okay na." tugon ko naman sakanila. Kasama nila yung demonyong si Dean nung nangyari yung sa may kainan pero di ko sila sinama sa galit ko dahil alam kong wala naman silang kasalanan.
Ngumiti lang ang dalawa ng biglang naging hyper si Dustin.
"Uy! Astig yang nasa noo mo ah! Lakas maka-bad boy!" pag-puna sakin ni Dustin at akmang hahawakan yung peklat sa may noo ko pero bago pa yun ay binatukan na siya ni Justin na kakambal.
"Ugok ka talaga! Nakikita mong tahi yun oh! Di pa nga natin sure kung magaling na yan eh. Kung masaktan nanaman si Vikentios diyan." sabi ni Justin.
Napakamot nalang si Dustin sabay hingi ng paumanhin sakin.
Nginitian ko nalang ang dalawa sabay pasok sa room.Pagpasok ko ay nakita ko agad ang demonyong si Sammy na nasa upuan niya. Nakatunganga at tila wala ata sa mood. Isa tong magandang senyales na di mambubully ang ugok. Magiging maganda araw ko nito.
Ayokong tumabi sakanya dahil baka pagtripan niya nanaman ako. Sa college pwede kung san ka man umupo. So umupo ako dun sa tabi ni Neshi, ang babaeng kalog sa room. Naging mainit naman ang pagtanggap sakin ni Neshi kasama yung mga kaibigan niya ding sila Criss, James at Lyra. So sila na ang naging friends ko sa room bukod sa mga nakilala ko na nung una na yung mga kabarkada ni Sammy.
Dumating na yung prof namin sa Filipino na si Sir Martinez. Siyempre todo kinig ako dahil nagsimula na yung lesson namin sakanya.
Pa-minsan minsan sumusulyap ako kay Sammy pero sa tuwing ti magnanakaw ako ng sulyap sakanya sakto din namang nakatingin ito sakin.
Dug-dug!! Dug-dug!!! Dug-dug!!!
Hala ano to! Bakit siya nakatingin sakin at parang ang bilis ng tibok ng puso ko!? At tila nakaramdam ako ng kuryente ng tingnan ko siya sa mata.
Anong ibig sabihin nito!? Hindi pwedeng mainlove ako sa demonyong to! Hindi pwede! Aarrggghh!
Iwas agad ako ng tingin sakanya. Malamang nakita niya din akong nakasulyap sakanya. Namumula ako sa oras na yun dahil sa kung anong nararamdaman kong to. Ano ba yan! Tsk!
Naging active sa klase si Sammy, madalas magtaas ng kamay kung magrerecite at tanong ng tanong sa mga bagay na di niya alam. May taglay din palang katalinuhan tong ugok na to. Di niya lang iniisip gamitin yung utak niya pag nambubully.
BINABASA MO ANG
Handwritten
RandomA story between a badboy bully fell in love with a boy labo. E sa agwat palang nilang dalawa pagdating sa mga aspeto tulad ng kultura sa buhay, mga gusto at hilig, mga nakagawiang gawin di na sila magkasundo sa pag-ibig pa kaya. How? Is it possible...