"Hmmmm?!" bumalik na ang malay ko pero ba't parang ang liwanag? Nasan ba ako? Di ko maigalaw ung katawan ko. Embalido pa din ako sa tindi ng bagsak ko kanina. Nag naglaon ay unti unti kong iminulat ang aking mga mata.
Pero ba't ganun pa rin? Ang liwanag? Ito na ba yung sinasabi nilang white light? Sinusundo mo na ba ako God? Wag muna ngayon God. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. Ba't naman ganito kaaga? pagsigaw ko dahil sobrang nakakapagtakang sobrang liwanag.
God! Please wag muna ngayon! Please God! Pagmamakaawa ko sa ilaw.
Nang biglang may kumatos sakin...
asdfgfjznvgsiwkskbsaj#%*#*$$-@&#*!!
"Aray naman! Ano ba yan?!" pag-angal ko.
"Kaw talaga bata ka! Kung anu ano sinasabi mo! Di ka mamamatay! Buhay ka oh! Gising na gising ka! May pa-O God ka pang nalalaman diyan. Di ka pa kinukuha! Wag kang excited! Wala na kaming baby niyan." galit na sabi ni mama.
"Eh kasi naman ma sobrang liwanag. Parang yung white light na nanunundo." paliwanag ko naman.
"Loko ka talagang bata ka! Sa pagkakabagok mo siguro di mo na naalala na malabo yang mga mata mo." sabi ulit ni mama.
Sabagay may punto naman siya. Malabo nga pala yung mata ko. Ba't ngayon ko lang naisip. Muntanga lang...
"Eh ma yung salamin ko. Para makakita ako ng maayos." hiling ko kay mama.
"Ah eh anak nagpagawa pa ang papa mo sa Optical eh. Halos kakapunta palang niya. Mamaya pa yun siguro makakabalik." paliwanag naman ni mama.
"Ah... okay ma." tugon ko.
Nakaramdam ako bigla ng pananakit ng ulo. Parang binibiyak ito sa sobrang kirot. Napahawak nalang ako ng ulo ko.
"Arrraaaayyy!!!!" sigaw ko ng malakas kaya't nagulat si mama at agad na tinawag ang mga nurse.
After akong check upin ay napag-alaman na kaya sumakit yung ulo ko dahil sa pagkakagalaw ng ulo ko sumabay na din ung pagkaka-untog ko.
Matapos nun ay umalis na ung nurse.
"Pasensya na anak ko. Dahil sakin sumakit pa ulo mo." nag-aalalang sabi ni mama.
"Okay lang po yun." nakangiti kong tugon.
"Anak ano bang nangyari? Nasa karinderya ako kanina ng may biglang tumawag sakin na nandito ka daw sa ospital. Dineretso kana dito ng nagdala sayo kesa sa clinic ka ilagay." pagtatanong sakin ni mama.
May nagdala sakin dito? Sino naman? Ang huli kong naaalala eh lahat ng nasa paligid ko nagtatawanan kaya imposibleng mangyaring may nagdala sakin dito.
"Ma sinong nagdala sakin dito." pagtatanong ko kay mama.
"Di ko alam kung sino anak. Basta yung tumawag sakin ay isang lalaki at sinabi ung room mo dito sa Hospital. Pagkadating ko naman dito, walang kang kasamang iba dito." pagsagot sakin ni mama.
"Ah ganon po ba?" tanging tugon ko na lamang.
Pero sino kaya yun? Ang bait naman niya. Sa gitna ng pangungutya sakin may nagdala pa din sakin dito. Hayyy... lakas makasuperhero.
"Saglit lang anak ha? Pupunta lang ako sa ward ha? Magbabayad muna ako ng bills natin para makalabas kana din dito." pagpapaalam sakin ni mama.
"O sige po." sabi ko sakanya.
At lumalabas na nga si mama.
Patuloy ko pa ding iniisip kung sino yung nagdala sakin dito. Kalain mo yun, di naman ako ganon agad kasikat o kilala sa school pero parang may nakakilala sakin at dinala ako dito.
BINABASA MO ANG
Handwritten
RandomA story between a badboy bully fell in love with a boy labo. E sa agwat palang nilang dalawa pagdating sa mga aspeto tulad ng kultura sa buhay, mga gusto at hilig, mga nakagawiang gawin di na sila magkasundo sa pag-ibig pa kaya. How? Is it possible...