Kinakabahan akong pumasok sa room namin. Bukod sa wala akong kakilala, nakakahiya pa rin ung eksena kanina. Halos maistranded na din ung mga dumadaan doon dahil sa drama naming dalawa ni kuya. Patuloy ko pa din siyang iniisip. Sino kaya siya? Ba't parang ang bait pa niya sakin kahit nabunggo ko siya? Buti nalang di siya bully kundi napagtripan na ang lolo niyo ng bonggang bongga. Gusto ko siyang makilala.
Pagkatapos akong pagtinginan ng mga magiging kaklase ko balik agad sila sa kani-kaniyang mundo. May grupo ng babae na puro lipstick ang hawak at laging nakaharap sa salamin. May grupo naman ng mga beki na naghaharutan habang nakatingin sakin. Siguro nahumaling sila sa kapogian ko. Di naman kasi talaga ako totally nerd eh. Malabo lang talaga yung mata, at nagbabasa din naman ako mga libro. Ang pinagkaiba lang, isa rin akong dancer at isang choreo. Sa kabilang banda may grupo din ng kalalakihan na nagkukuwentuhan, magtotropa to siguro. Ang ingay nila promise! Kantyawan dito, asaran doon, alaskahan dito, murahan doon.
Agad akong naghanap ng upuan at di nga ako nabigo sa paghahanap. Ang masama lang, nasa tabi ako ng magtotropang maiingay na 'to pero okay na'to atleast may pagtatyagahan at may mauupuan.
Tumabi sakin yung isa sa grupo ng lalaki, infairness pogi siya. Maputi, medium built yung katawan although may kapayatan pero hubog na hubog pa din ang katawan dahil sa mga muscles na bumabakat sa hapit ng kanyang t-shirt. Maamo ang mukha niya, rosy cheeks, mapula ang mga labi, gusto ko tuloy siyang sunggaban kaso baka sapakin lang ako nito. Medyo makapal din ang kanyang kilay at mapungay ang mga mata niya, may katangusan din ang ilong nito. Higit na nagbigay sakanya ng kagwapuhan ay ang buhok niyang semikal kasabay pa nito ang paglabas ng kanyang mga bigote at balbas. Pati narin ang sideburns niya. "Aarrrgh!" pagtitimpi ko. Ang hot kasi niya, siya ung tipong bad boy look at yun ung mga tipo ko. Mukhang basagulero, naattract ako sa mga mabalbon at may bigote o kaya'y side burns.
"Hello nerdy boy!" bati nito sakin sabay punit ng napakatamis na ngiti.
Ang cute niya kung ngumiti! Pantay pantay ang ngipin na sobrang nakakaattract talaga."Ah... eh... Hi!" bati ko din naman sakanya. Shet! Bakit ganto! Parang nauutal ako.
"Kamusta ka naman?" tanong niya ulit sakin.
"Ahm... o-okay lang naman. Hehehe! Ikaw?!" hala nauutal talaga ako.
"Good! Doing great!" Sabi naman nito sakin.
Napangiti naman ako dun, shet ang pogi niya talaga! Di ko siya matingnan ng maayos.
Inilahad niya ung kamay niya na tipong makikipagkamay.
"Samuel pare! O Sammy nalang itawag mo sakin." nakangiti niyang sabi.
"Tios po." tugon ko naman sakanya.
At nung nagkamay kami, may naramdaman akong parang malagkit at mamasa masa. Shet! Bubblegum!!
"Shet! Yuck! Bubblegum!" sigaw ko bigla. Sa totoo lang ayoko ng slimy things. Nasusuka ako.
"Yari ka nerdy boy!" saka hagalpakan sila sa pagtawa. "HAHAHAHAHAHA! Naisahan kita dun! Yan kasi tatanga tanga!"
Kala ko ba naman mabuti ung intensyon niya sa pakikipagkilala. Yun pala pagtitripan lang pala niya ako. Shet! Nagoyo ako dun! Tumakbo agad ako sa CR bago pa ako masuka sa room at madagdagan nanaman ung kahihiyan na ginawa ko.
Yung CR e nasa dulo ng hallway, medyo malapit lang naman ito sa room namin kaya di ako nahirapan sa paghahanap. Pagdating ko dun diretso ako sa cubicle saka naduwal duwal. Agad kong hinugasan ung kamay kong nadikit dikitan ng bubblegum at nagsabon ng maigi.
Paglabas ko ng CR, bumungad nanaman yung lalaking nambwisit at nagpahiya sakin sa room. Si Sammy.
"Ang saya di ba?" nakangising sambit nito.
BINABASA MO ANG
Handwritten
RandomA story between a badboy bully fell in love with a boy labo. E sa agwat palang nilang dalawa pagdating sa mga aspeto tulad ng kultura sa buhay, mga gusto at hilig, mga nakagawiang gawin di na sila magkasundo sa pag-ibig pa kaya. How? Is it possible...