Chapter 4:

32 7 0
                                    

Library

(Valle's POV)

Sumasakit na brain cells ko.
Ang lawak lawak ng library na 'to, napakadaming bookshelves, napakadaming section, napakadaming sikot-sikot, at napakadaming librong kailangan kong ibalik!

Nakaka-anim palang ako na libro, yung dalawa binalik ko sa biology section, dun pa sa pinakadulo ng library.
Yung isa, sa Filipino section, sa may pinakaharap ng library.
Tapos may Biology book olet, so kinailangan ko bumalik duon sa pinakalikod.

Hindi ko naman maayos mismo yung laman ng cart na 'to kasi madami nga talaga siya. I can't organize it, at sumasakit nga kasi brain cells ko!

Pumulot olet ako ng isang libro

Haaaay, Encyclopedia.
Sa kabilang parte naman yun ng library

So tinulak ko na yung cart papunta sa kabila, sumulyap ako sa tables ng library sa gitna, kakaunti lang ang nandito

Oo nga pala. Nasa groups pala silang lahat ngayon. Psh!

Ibabalik ko na sana yung libro dun sa shelf ng may nahulog sa left side ko na isa pang encyclopedia

Pinulot ko yun at binalik kung saan nakalagay.

Sumunod naman na nahulog yung katabi nun, pinulot ko olet at binalik

May nahulog nanaman!
Putcha.

Pumunta ako dun sa kabilang aisle, kasi may tumutulak kaya nahuhulog yung mga libro eh

Pagkatingin ko, yung lalaking sinigawan ko kahapon!

"Ah kuya! Alam mo bang nahuhulog yung mga libro sa kabila, natutulak. Sobra ka naman magbalik ng libro."
sita ko sakanya

Tumingin siya sakin, binalik niya olet yung librong hawak niya with full force

Nakarinig nanaman ako ng librong bumagsak dun sa kabila.
Lintek talaga 'tong lalaking 'to. Hindi makaintindi.

Lumapit siya sakin

Tae. Ang tangkad niya, hanggang dibdib lang ako sakanya.

Tapos ang bango niya, ang gwapo niya, ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha ... wait. Ano ba tong pinagsasabi ko?

Panget siya! Panget siya! Ang baho niya! Ang gaspang ng mukha niya! Ang pango ng ilong niya! Pwe.

"Talagang matigas ulo mo noh?"
sabi niya sakin, looking down at me. Kasi nga matangkad siya!

Tapos naalala ko, bawal nga palang kausapin mga katulad niya ........ mga katulad niyang ulul!

Napahilamos nalang ako ng mukha.
Nakakalokang rule naman kasi!
May rule ba na bawal silang upakan?

hindi ko na siya sinagot.
Baka kasi mamaya may isang rule pa akong malabag, bumalik nalang ako sa kabilang bookshelf at pinulot yung librong nahulog at binalik ulit.

May nahulog nanaman mula sa pinakamataas, na hindi ko abot.
Tangena!

Kung pwede lang talaga sumigaw, pero nasa library kami.

Kumunot na noo ko sa inis, pinulot ko yung libro na yun, pumunta sa kabilang aisle olet, at nilapitan si kuyang gago.

Hinampas ko yung libro sa dibdib niya

"Ibalik mo yan!"
bulong ko sakanya sa inis, kahit na gustong gusto ko na siyang sigawan olet

"Excuse me? Ako inuutusan mo? Alam mong bawal yun diba?"
nakangisi siya

"Hoy. Sinasadya mo na eh, kaya ikaw magbalik."
sabi ko at babalik na sana ako sa trabaho kong detention pero nagsalita siya

"Height problems. Masyado ka kasing maliit."
rinig kong sabi niya

Nangga-galaiti na ko sa inis
Gag* 'to ah! Maka maliit naman.

"For your information, short people are cute! kung pwede lang talaga kitang upakan, uupakan na kita."
sabi ko sakanya

Hindi ko na siya pinansin kasi wala akong matatapos pag pinatulan ko pa siya

Tinulak ko na yung cart papunta sa Geometry section pero may hinulog nanaman na libro yung buwiset

Napupuno na talaga ako.
Pinuntahan ko siya

"Hoy kuyang gagong tukmol! dinadagdagan mo lang trabaho ko, kita mo yung cart na puno ng libro? Kung di ka bulag."
sabi ko sakanya, pero tinignan niya lang ako

dahan dahan siyang lumapit sakin pero umatras ako, humakbang olet siya, umatras ako, humakbang siya, umatras ako hangga't sa matamaan ko na yung bookshelf

Tapos kinorner niya ako gamit nung mga kamay niya

Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa
Ano bang tumatakbo sa utak nitong lalaking 'to?

Nilapit niya pa lalo ulo niya sa akin, binulungan niya ako sa right ear ko

"The name's Ethan. And you're one tough girl, Valle. Hanggang saan kaya ang kaya mo?"
nung time na sinabi niya pangalan ko, kinilabutan ako. At nung sinabi niya na kung hanggang saan ang kaya ko ... what does he mean?

Nilayo niya na mukha niya, tinitignan ko parin siya sa mata

Nag-smirk siya at iniwan na ako na tulala lang. Ang bilis ng heartbeat ko dahil sa hindi ko alam. Pero the time na ang lapit na namin sa isa't isa, hindi na ako feeling comfortable. Naiirita ako na ang lapit ng mukha niya sa akin. But Frankly speaking, gwapo talaga siya. Parang Diyos na ang dating. Pero hindi naman ata yun ang rason kung bakit parang ang bilis ng heartbeat ko.

(Mitchie's POV)

"Okay guys! Break! 10 minutes."
sigaw ko sa squad

"Mitchie!"
rinig kong sigaw ng isang babae

Lumingon ako
Si Emma, isa sa tagareport sa akin ng kung anong nangyayari sa school

"Diba sabi ko after class mo sakin ibibigay lahat ng news mo?"
sabi ko sakanya

"Pero iba 'to."
sabi niya na inaabot sa akin ang camera

Kinuha ko sakanya yun, at tinignan

"What the..."
its a picture of Ethan and Iya sa library. Ethan and Iya are too close to each other! Tinitignan nila ang isa't isa!

Naramdaman kong nag init mukha ko sa galit.

"Post that in the school's website. Its suppose to be the number 1 post of the day."
utos ko kay Emma. Yes, may school website naman talaga ang lahat ng schools, but this website is being used by all students here in Millford High. Kasi kung minsan doon namin inilalagay ang important messages if ever makalimutan namin i-announce or when we have no time announcing it. Kaya siguradong kakalat ang chismis na 'to sa buong school.

Ethan is my Ex boyfriend.
Siya ang nakipag break sa akin.
We just broke up 2 months ago, eh hindi ko nga alam kung anong ginawa kong mali eh.

But all what matters to me is I want him back!

And second thing is they're both breaking a rule. Not to get attached to each other.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Fourth Chapter? Check.
guys, keep voting, reading and comment down

Millford HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon