Chapter 6:

33 5 0
                                    

School's famous b*tch

(Valle's POV)

Lumabas ako ng locker room na tulak-tulak yung janitor cart

Napabuntong hininga nalang ako, at tinali ang buhok ko.

Kinuha ko ang walis, at sinimulang walisan ang bawat bleachers.

Nakakangawit pala sa braso ang ganto. Medyo matagal din bago ko natapos walisan ang lahat ng bleachers pati na rin yung buong saheg ng gym na 'to.

Sunod ko naman ginawa ay pinagpupunas ko lahat ng bleachers at nag mop ng saheg, para matanggal yung mga shoe marks.

Habang nagmo-mop narinig kong bumukas ang pinto ng gym at napalingon ako doon, para tignan kung sinong pumasok.

Ng makita ko na kung sino, nasira lang araw ko.

"Bawal ang tao dito."
sabi ko sakanya ng hindi tumitingin

"Ang kulit mo lang talaga 'no?"
sabi niya

Shocks! Oo nga pala. Bawal palang makipag usap sa mga taong tulad niya. Eh bakit naman kasi sa dinami dami ng tao sa school na 'to eh siya pa ang napapunta dito

Oo. Si Ethan? Ethan ba pangalan nito? Or Ian? Ethan?

Hindi nalang olet ako nagsalita at tinuloy ang pagmo-mop.

nakalahati ko na ang buong saheg ng gym, at halatang nananadya itong lalaking 'to.

Naglaro ba naman ng basketball? Eh hindi pa naman masyadong tuyo yung sahig! Nagmarka yung madumi niyang sapatos, pati kung saan tumatama yung bola, nag iiwan ng maduming marka. Dagdag trabaho!

"Pinapahirapan mo ba talaga ako!?"
sigaw ko talaga sakanya ng malakas, kasi imbes na matapos na ako at mag popolish nalang eh kinakailangan ko pang linisan yung dumi na ginawa niya.

Tumigil siya sa pag-dridribble at tinignan lang ako.

"Medyo."
sagot niya

"Pwede ba! Umalis ka na kung wala ka din lang matutulong!" sigaw ko olet sakanya, nag e-echo yung boses ko

Hindi niya ako pinansin at tinuloy ang paglalaro. Mas lalong nadumihan yung part ng saheg na nalinisan ko na.

Ano bang nagawa ko sa lalaking 'to at parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao!?

----------

15 minutes na lumipas, hinahayaan ko nalang siyang maglaro at dumihan ang court kasi wala naman akong magagawa.

Pero binigyan ko naman na siya ng time magdumi diba? Kaya pwede ko naman na ata siyang palayasin?

"Tama na! Binigyan na kita ng oras! Layas na dito! At lilinisan ko olet ang sahig!"
sigaw ko sakanya sa inis, nag eecho olet boses ko sa buong gym

Naglakad na ako papunta sa gitna ng court habang hatak hatak ang mop, at tinignan si Ian or Ethan ng masama

Lumapit siya sa akin, sobrang lapit ng mukha niya nakikita ko yung patak ng pawis niya pababa ng jaw line niya, hinihingal siya, tinitignan niya lang din ako ng masama. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo.

Millford HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon