Chapter 8:

39 4 0
                                    

Chocolate Waffle

(Valle's POV)

Friday parin ngayon at parang ang bagal ng oras.

May 3 hours break kami.
Si Braile nasa library mag babasa nalang daw siya. Samantalang ako, magkaaway kami ng libro, bihira lang ako magbasa ng kung anu-ano.

Kaya 'eto ako.
Naglalakad papunta kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
lilibutin ko nalang 'tong BUONG school para naman malaman ko kung saan ang ganito ganyan.

And since napakalaki ng school na 'to siguro makain yung tatlong oras ko na break at hindi ako ma-bobored.

May ibang classrooms na on-going padin ang klase. Iba kasi ang schedule nila.

Napadaan ako sa isang canteen at parang nagutom ako.
Bumili ako ng chocolate waffle kasi napakasarap ng chocolate filling na ginagawa nila dito

Binayaran ko na at hahawakan na sana ng kamay ko yung waffle na nakalagay sa tray ng may biglang humablot nito at kinagatan

Kumunot noo ko sa inis.
20 pesos yung waffle na yun, binili ko para sa akin at hindi manlang AKO yung kumain!

"Thanks."
sabay kindat sa akin ng tukmol na Ethan na 'to at naglakad palayo

Ethan. Oo si Ethan.

Pwede ko siyang sumbatan kasi siya naman unang nakipag usap sa akin

"Hoy ang kapal ng mukha mo! Binili ko ba yan para sayo!? Sino ka ba para kainin yang binili ko!?"
sigaw ko dito sa cafeteria, tinitignan na ako nung nagtitinda

"Pambawi mo 'to para sa mga kasalanan mo."
sabi niya at tinalikuran na olet ako

"Hoy excuse me!? Kelan pa ako nagkaroon ng kasalanan sayo!? HOY!"
sigaw ko pero nag dederetso lang siya'ng naglakad at nawala na

Bwiset!
Ano 'to!? Magsasayang nanaman ako ng 20 pesos para bumili olet ng waffle!?

Huwag na nga! Kaines.

"Ate isang chocolate waffle po."
harang ng isang lalaki sa dadaanan ko, kasi may bars na naka lagay dito sa counter. Yung panghiwalay, alam niyo yun? Para sa daanan, para maayos ang pila. May sign pa nga sa bawat dulo na 'Start line here.' at 'Exit here.' Gets? Basta yun.

Pagkatapos niyang bumili humarap siya sa akin at iniabot yung chocolate waffle

"Uhmmmm..."
ang wierd. Sa akin niya ba inaabot?

Lumingon ako sa likod ko baka may tao at doon niya inaabot, pero wala namang tao.

natawa siya at nag smirk
"It's for you."
sabi niya sa akin habang nakangiti




Teka




Wait




Saglit





Millford HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon