Chapter 1:

55 6 0
                                    

"My First Day"

(Valle's POV)

"San ka magaling?"
tanong ng babaeng mukhang estudyante din dito

"Ahh cheerleading po."
sagot ko

"Sports?"
tanong niya olet sakin, tinitignan niya lang ako deretso sa mga mata ko, walang ka-expre-expression

"Badminton po."
sagot ko nanaman

"Are you energetic? Enthusiastic? Active to any activity? Focus minded?"
dere-deretso niyang tanong

"Yes, yes, yes and yes."
dere-deretso ko ding sagot

"Any hand skills? Like sewing?"
tanong nanaman niya
Seriously!? Pang slambook naman na ata 'to.
Baka mamaya ang itanong naman na niya eh kung anong klaseng tubig ang iniinom ko?

"Aah hairdressing."
sagot ko, at nagsulat nalang siya olet sa papel

Pagkatapos nung "INTERVIEW" kuno niya, binigyan niya ako ng printed floor plan para mahanap ang room ko.
Hindi ba pwedeng yung buong blueprint nalang ibigay sakin? Kasi wala din naman 'tong matutulong, mawawala at mawawala padin ako. Ang laki kasi ng school.

Ay. Introduce pa pala.
Heyow! Iya Valle Delos Reyes nga pala. 17 years old, dalaga pa. Haha. Grade 11 student, kasi naabutan ako ng K-12 curriculum, which means I have this school year and 1 more year bago ako makapag-college. Isang bagong transferee dito sa Millford High dahil lumipat din kami ng bahay.

Sa ngayon, eto ako hinahanap ang room ko.
paakyat ako ng hagdan nang may bumangga sa balikat ko, solid!

"Will you watch where you're going!?"
sabi sakin ng isang babaeng maputi, matangkad, naka-make up, mukhang mayaman at inirapan ako

Aba! May pa-irap irap pa 'to ah! Ka-beastmode, first day na first day ko e.

Pero ayoko ma-stress.
Yinuko ko nalang ulo ko

"Sorry."
sabi ko at tumuloy na siya pababa ng hagdan habang may tatlong babaeng nakasunod sakanya. Ano yun mga alipores? Uso pa ba yun?

* * *

Fifteen minutes na akong naghahanap ng room ko, syet lang. Ang laki naman kasi ng school na 'to at di ko naman maintindihan 'tong floor plan.

Kaya no choice ako kundi magtanong kahit nahihiya ako.

Nilapitan ko yung lalaking matangkad sa right side ko na nag aayos ng locker.

"Aah kuya."
kinalabit ko siya, humarap naman siya

(*o*) OMO!
ang gwapooo!
Matangos ang ilong, makinis ang mukha, thin red lips, kayumanggi, at napakagandang mata, lalaki siya at ang haba ng pilik mata niya kaysa pa sa akin. Tell me, nagparetoke ba 'to?

Habang nakatitig ako sa maala-DIYOS niyang mukha, I feel awkward.

nilingon ko paligid ko

0_____________0?

Lahat sila nakatingin sakin!?
Bakit!?
As in lahat, bakas ang pagkagulat sa mga mukha nila na para bang may ginawa akong mali. Ang tahimik.

"Ah kuya alam mo ba kung s-san a-ang r-room B1?"
nauutal kong bulong sakanya, kasi pati itsura ni kuya gwapo na pinagtatanungan ko eh ang sama sama na din ng tingin. Parang pinapatay niya ako sa tingin

Ilang segundo din lumipas, tahimik padin, nagti-titigan kaming lahat.

Tinignan ako nung lalaki mula ulo hanggang paa, sinara niya ng padabog locker niya, inirapan ako, tinalikuran ako at naglakad palayo

Millford HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon