Chapter 5:

40 5 1
                                    

Note passing? Bad Idea

(Valle's POV)

morning subjects ngayon.
Sinusubukan kong isa-isip mga pinagsasabi ng teacher namin, pero I can't help it. Kung san san nalang ako napapatingin, like .. out the window.

May bagong seat plan kasi, sa tabi ako ng bintana, tanaw mo ang grounds at ang entrance gate ng school. May mga studyanteng papasok palang, yung iba nagtatakbuhan kasi late na

"Pssst."
rinig ko mula sa gilid ko

Katabi ko si Braile sa right side ko

"Ano?"
bulong ko

Tapos nagsulat siya sa papel.

Tapos pinasa niya sakin

Balita ko na-detention ka kahapon ah.

psh. Bwiset 'to pina-alala pa. Hanggang dismissal akong nasa library na balik ng balik ng mga libro sa shelf.

Oo. Kelangan talaga ipa-alala? Naka sando't tight pants pa nga akong mag detention eh.

Tapos kinalabit ko siya at binigay yung papel habang nakatalikod teacher namin na nagsusulat

Tapos kinalabit nanaman niya ako at pinatong yung papel sa lamesa ko

Ano nanaman ba kasi ginawa mo? Parang araw-araw nakaka-break ka ng dalawa hanggang tatlong rules ah? Ano naman ngayon third day mo, makakalabag ka ng 3-4 rules?

basa ko

Eh nalalaman ko na nga lang na may brine-break akong rules kung ginagawa ko na eh. malay ko ba na madami pa palang kalokohang rules meron 'tong school na 'to. Para akong nasa kulungan!

sulat ko

Hahaha kulangan talaga?

sulat naman ni Braile

oo kulungan. Preso! Nakakatanga mga rules dito. Sa totoo lang ito lang ang school na napasukan kong ganto.

sulat ko.

Ipapasa ko na sana yung papel kay Braile pero di ko napansing nasa gitna na pala namin ni Braile si Sir

"Now what would you like to share to the class Miss Delos Reyes?"
sabi ni Sir saakin
Nagtitinginan naman mga kaklase ko

"Ah. Wala po Sir."
ngiting sabi ko, eh aminin naman na natin eh. Na kapag tinatawag attention natin ng mga teachers ngingitian natin sila eh

"Go infront. Take that piece of paper with you and read it aloud please. Kayong dalawa ni Miss Perez."
sabi sakin ni Sir at nginitian din ako

"Pero Sir wala lang naman po 'to e-----"

"I said go infront. Take that piece of paper with you and read it aloud with Miss Perez."
sabi ni Sir

And that time ramdan kong inis na sakin si Sir kaya tumayo nalang ako at dahan-dahang naglakad papunta sa harap ng klase, ganon din si Braile humawak siya sa kamay ko at pinisil

Kinakabahan din 'to for sure

Pagkapwesto naming dalawa sa harap pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin, which makes it more nervousing for us

Isang minuto na kaming nakatayo dito sa harap, nakikipagtitigan sa mga kaklase namin

"Well girls, you're wasting our time."
sabi ni Sir at nag cross arms pa

Millford HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon