Chapter 9:

35 3 1
                                    

At Starbucks

(Valle's POV)

YES!
Thank God its Saturday!

Woohoo!

Papunta kaming dalawa ni Braile sa Mall.
Inaya ko siya, kasi wala akong kasama at ang boring ata. Buti nga napilit ko 'tong lumabas kasi may binabasa daw siyang Novel.

Bibili ako ng mga damit ko, kasi since walang uniform ang Millford High mauubusan ako ng pantalon at t-shirt kung hindi ako bumili, baka sa susunod na pag pasok ko eh dahon nalang ang pang-damit ko.

Nandito kami sa may Department Store at tumitingin ng jeans.

Haaay! Grabe. Parang makaka relax ako ngayong araw, walang nang iirap ng mata, walang awkward movements, walang bwiset na mayabang at wala yung nakakatakot na Mithcie na yun

"Ah sorry po!"
sabi ko bigla kasi bigla akong umatras na hindi ko alam na may tao pala sa likod ko

"Ikaw!?"
sabi nito sa akin, parang pamilyar yung boses?

Pagkatingin ko.















Si MITCHIE! Kasama ng tatlo niyang impaktang alipores.

akala ko ba rest day ko 'to? T___T

"So-sorry."
sabi ko nang naka yuko yung ulo ko

Anubayan. Pati ba naman dito sa Mall?

"Harang ka talaga sa daan."
tapos tinignan niya yung hawak kong jeans at tinignan si Braile na nasa tabi ko "Ang papanget talaga ng mga taste niyo. Bagay sainyo." tapos nagsitawanan silang apat na magkakaibigan

Ano nanaman ba ngayon?
Pati ba naman 'tong mga damit namin huhusgahan niya?
Pake niya ba?
Letche. Parang konti nalang maiinis na din ako sakanya.

Tinignan niya ako ng masama, Ulo-Paa-Ulo, nagtuloy siya sa paglalakad at sinadya niya pa akong banggain sa balikat.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Good thing you asked me to join you."
sabi ni Braile

"Ha?"

"Sabi ko, buti nalang tinawag mo ako. Paano nalang kaya kung wala kang kasama at nakasalubong mo sila? Edi kawawa ka nanaman? Alam mo, hindi ko din alam eh." sabi ni Braile na parang nag iisip "Nang makita ko ang parents ni Mitchie mababait naman, kaya nagtataka ako at hindi ko alam kung saan niya namana yung pagiging demonyo niya." sabi nalang ni Braile na naiinis at binalikan nalang ang pagtingin sa mga jeans.

makakasalubong pa kaya namin olet sila mamaya?

Nako! Sana naman hindi oh.

--------------------

"San mo gusto kumain?"
tanong ni Braile, kakatapos lang namin mag shopping ng tatlong jeans at apat na shirts para sa akin at sakanya naman dalawang jeans at isang magandang shirt.

"Wala ako masyadong ganang kumain ng kanin o kahit ano eh."
sabi ko, hindi ko pa ramdam yung gutom ko

"Ako din. Nawala nung nakita ko pagmumukha ni Mitchie."
sabi niya tapos nagsitawanan kaming dalawa

"Gusto mo ba mag coffee? Frappe?"
tanong ko

"Tara starbucks!"
sabi niya na parang nabuhayan

Millford HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon