Chapter Two

1.9K 39 6
                                    

*random dedication ... thanks for reading this crap ^_^

sa wakas nakapag-update rin, tagal ko ring di naka-update. Nabusy sa Multimedia Designs Club eh, Hehehe, If you have time guys, please visit my thread their. Just click the external link.

Thank you ^_^

***

Blue's POV

*tugs tugs tugs tugs tugs tugs tugs tugs tugs tugs tugs tugs tugs tugs tugs

*woohhhhhhhhhhh

Yan ang samu't-saring ingay na naririnig ko pagkarating namin ni Andrew sa bar at sa totoo lang sumasakit ang ulo ko.

Naninibago ako ...

Di na ako sanay sa maingay at mataong tao tulad nito, ibang-iba kasi si kinalgyan ko for six months. Tahimik at wala masiyadong tao, kung may ingay man minsan, yun ay dahil sa mga taong umiiyak na nawawalan ng minamahal sa buhay.

Honestly, naisip ko na rin noon na baka one day si Mommy na ang iiyak.

"Bro tulala ka diyan" pukaw sa akin ni Andrew nung mapansing di ako kumikibo

"Ah wala. Saan tayo ngayon" tanong ko na lang sa kanya

"We reserved a VIP room, hinihintay ka na ng iba nating friends dun" saad ni Drew at iginiya ako sa VIP room

Pagkapasok namin ng VIP room ay biglang

"WELCOME BACK BLUEEEEEEEEEEEE" sabay-sabay nilang sigaw at isa-isa silang lumapit sa akin

Grabe, napakasarap sa feeling na andiyan pa rin pala sila. Akala ko nawala na ang lahat sa akin pero di pa pala. I still have my friends, my real friends.

Sa buong gabi, kwentuhan lang ang ginawa namin. Ang layo na pala nung narating ng iba, napag-iwanan na talaga ako.

Si Andrew hindi nagsasabi na isa na pala siya sa mga sikat na drag racer ngayon. Di na rin naman nakapagtataka yun kasi sa galing ba naman nito at bilis magpatakbo ng motor na parag hihiwalay ang kaluluwa ng sinumang aangkas sa kanya.

Si Drake naman na kasabay kong nag-audition ay isang vocalist na ng kilalang banda ngayon.

Si Alexa na bestfriend naman ni Lexi ay namamayagpag naman sa larangan ng fashion designing sa Paris.

Basta lahat ng mga kaibigan ko ay may kanya-kanya na'ng propesyon.

Nakaka-inggit sila

Kahit naman kasi magimik kami ay priority pa rin namin ang pag-aaral kaya di pa rin kami naliligaw ng landas.

"Pare, simula pa nung dumating ka napakatahimik mo na ah" linapitan ako ni Drake at tinapik sa balikat

"Wala 'to pare, naninibago lang talaga ako sa paligid" tugon ko rito

"Ag ganoon ba, punta ka naman sa mga gig namin minsan. gagawin kitang guest singer, malay mo may makadiscover sayo diba" sabi nito saby tunga ng iniinom nitong light drink.

"Magandang idea, sige minsan dadalaw ako sa gigi. Kumusta na nga pala ang kaptid mo, diba sabi mo nahanap niyo na siya" pag-iiba ko ng topic

Nawala kasi ang kapatid ni Drake nung mga 3 years old yata ito at before graduation ay nahanap naman nila. Hindi kasi talaga tumigil ang parents ni Drake sa paghahanap kahit na ilang taon na ang nakalipas.

"Ah yun, siyempre nung una nagkakailangan pa pero nung tumigil lumabas na ang tunay na ugali. Sobrang kulit grabe at simula nung dumating siya, parati na'ng masaya sa bahay. Napakamasayahin kasi nun eh at lakwatsera rin kaya nagiging sakit rin ng ulo minsan" pagkukwento nito

"Kuyang kapre, tumatawag ako sagutin mo" bigla na lang tumunog ang cellphone ni Drake

"Excuse me bro ha, sasagutin ko lang 'to" paalam nito at umalis na

Totoo nga, boses pa lang yung narinig ko sa kapatid niya pero alam kong makulit na talaga.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na si Drake

"Yung kapatid ko talagang yun. Ginawa nanaman akong alibi. Gumala daw at sinabi kay Mommy na kasama ako kay kapag tumawag daw si Mommy sabihin kong kasama ko siya" napakamot pa ito ng ulo

"Mukhang close kayo ng kapatid mo ha" 

"Oo pare, akala ko nga noon di kami magkasundo eh pero di nagtagal nagkasundo rin pala at mahal na mahal ko yun, kung di ko lang siguro kapatid yun ay girlfriend ko na yun, sobrang mahal ko eh. hahaha" ani Drake

"Pare labas muna ako" paalam ko kay Drake

"Oh sige, mag-iingat ka ha. I heard di ka pa masiyadong magaling" paalala nito

"Pssh! Kaya ko na" pagkatapos nun ay lumabas na ako

Kahit ilang oras na ako dito ay di pa rin ako nasanay sa ambiance ng bar.

Pagkalabas ko, parang mabibiyak ang ulo ko. Sobrang ingay na sumasakit ang tenga ko at nasisilaw ako sa mga liwanag at maya-maya pa naramdaman ko na lang na bumagsak ako.

Limited Days to Love - [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon