Chapter Eight

1.2K 32 6
                                    

*short update lang to ... hehehe ^_^ enjoy reading!!!*

*random dedication for the new readers, salamat sa pagbabasa*

Pink's POV

"Dali na kuya, bilisan mo nga diyan. Excited na ako eh" kinakatok ko ngayon si Kuya sa banyo kasi kanina pa siya dito eh.  Sumakit yung tiyan sa sobrang katakawan, yan tuloy nadelay pagpunta namin.

"Sandali nga, kitang nagbabawas pa eh. At saka hindi ka naman mauubusan ng strawberry noh, Farm natin yun remember?" sagot ni kuya habang nasa loob siya

Oo nga naman, kahit siguro mamayang gabi o bukas pa kami pumunta doon ay makakakain pa rin naman ako ng strawberry pero kasi excited lang talaga akong makakita ng strawberry farm eh at saka siyempre, gustong-gusto ko nang kumain ng strawberry.

"Eh kahit na kuya. Bilisan mo na diyan" katok ko ulit sa banyo

"Ay ang kulit, sige ka pag di mo ako pinatapos dito. Magsasabog talaga ako ng di kanais-nais na amoy mamaya. Gusto mo yun? Hahaha" Eww kadiri ka kuya

Iniwan ko na lang si Kuya dun at hinintay na lang siya sa sasakyan.

Teka, san napunta si Mommy at si Daddy eh nandito na sila kanina ah. Hay naku baka nainip at pumasok na muna, si kuya kasi eh ang tagal. Tsk!!!

Habang nakaupo ako sa loob ng sasakyan ay naisipan kong makinig ng music kasi naboboringan ako dito. Binuksan ko ang maiit na bag ko para kunin ang cellphone ko at nakita ko ulit yung kwentas.

Muntik ko nang makalimutan to ah. Tinaas ko yung kwintas at tiningnan ulit ang nakasulat dun. Blexie talaga eh, nagbabakasakali pa naman akong mali lang ang basa ko pero yun talaga ang nakalagay eh.

Sino ba kasi ang Blexie na 'to?

"Alright ... let's go" narinig kong sigaw ni Daddy na papunta ng sasakyan, kasunod niya si Mommy at si Kuya na di maipinta ang mukha. Siguro, masakit pa rin ang tiyan.

"Yan kasi sobrang takaw" baling ko kay Kuya pagkapasok niya ng sasakyan.

"Hoy Pink, tigilan mo ako ha. Gusto mo magpasabog ako ng kababalaghan dito" banta pa niya sa akin

"Eww kadiri ka Kuya ha" sabi ko sa kanya at kinuha ko na lang ang headset ko at itinuloy ang pakikinig ng Music.

Habang nakikinig ako ng music ay nakatingin ako sa bintana ng kotse pero nakatuon ang pansin ko sa kwintas na hawak ko. Basta titig na titig lang ako dito, sobrang nacucurious talaga ako kung paano'ng napunta sa akin ang kwintas na 'to.

Blue's POV

"Sir Blue, kakain na po raw. Tinatanong po ng Mommy niyo kung bababa raw po kayo or magpapahatid na lang kayo ng pagkain dito sa taas" dinig kong tugon ng maid namin sa labas ng kwarto ko.

"Yaya pakisabi po kay Mommy na bababa na lang ako, kaya ko naman eh" Tsk!!! Mamatay lang ako noh pero hindi ako baldado para dalhan ng pagkain sa kwarto ko.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at nakaramdam ako ng kaunting hilo. Naupo ulit ako at nagpahinga saglit bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Nang makita ni Mommy na malapit na ako sa dining area ay agad itong tumayo para alalayan ako.

"Mom kaya ko po okay" pigil ko sa kanya kaya umupo na lang siyang muli

Medyo matagal talaga akong nakarating ng dining area kasi bawat paghakabang ko ay nakakaramdam ako ng hilo, siguro nga ay masiyado na'ng mahina ang katawan kaya kahit kunting kilos ko lang ay nahihilo na ako.

"Uhm Blue, what do you thinkof having a vacation?" tanong ni Mommy sa akin pero kapansin-pansin na malungkot ang tinig nito.

"Wag na po, marami kayong gagawin diba at saka tipirin niyo na lang po ang pera niyo para sa burial ko" Hindi ko sinasadyang sabihin yun pero yun na ang lumabas galing sa bibig ko.

Napahinto naman si Mama sa pagkain at natahimik. Maya-maya pa, tears were suddenly flowing from her face.

"I-I'm sorry Mom, sige po magbabakasyon na tayo" sabi ko na lang kay Mommy bilang pambawi.

Nanatili pa ring tahimik si Mommy hanggang matapos kaming kumain.

"Mom sorry na" nilapitan ko siya at saka niyakap

"Hindi ko lang talaga kasi matanggap Blue na within 1 month na lang kitang makakasama. Akala ko tapos na eh, gumaling ka na ... bakit kailangan pa'ng bumalik?" sabi nito at nagsimula nanamang umiyak

"Sa ayaw at gusto po natin ay ito na talaga ang kapalaran ko. Wag ka na ngang umiyak diyan, pumapangit ka na oh" pinunasan ko ng mga kamay ko ang mga luha ni Mommy

Napangiti naman si Mommy sa sinabi ko at masaya ako sa kahit papaano ay napagaan ko ang loob niya.

"So ano, saan tayo magbabakasyon? Hindi ko naman po talaga kailangan magbakasyon eh pero kayo po kailangan niyo, Masyado na'ng haggard yang mukha niyo oh, stress na stress kaya kailangan niyo talagang magrelax" biro ko ulit kay Mommy

"Dapat ba akong matuwa o mainis sa sinabi mo?" tanong ni Mommy at pareho kaming napatawa

"Miss ka na daw ng ninang Sally mo kaya gusto ka niyang makita. Isa pa, may ginawa raw siyang strawberry jam para sayo, sayang naman daw kung di mo matitikman" dagdag ni Mommy

"Oh sige po, namiss ko na rin pumunta ng bagyo eh at kumain ng bottomless na strawberry" tugon ko kay Mommy

Strawberry ... isa yan sa mga pinakapaborito kong prutas. Naalala ko pa nung bata ako ay parati akong pumupuslit dun sa isang strawberry farm para lang makakain ng strawberry. Nahuli pa nga ako nung isang batang babae eh, buti na lang mabait yun at naging kaibigan ko. Simula noon hindi ko na kailangan pa'ng pumuslit kasi parati na niya akong inaaya doon at saka minsan kinakain pa namin sa puno ng mangga malapit sa bahay nila yung mga strawberry na nakuha namin.

Hmmm!!! Kumusta na kaya ang batang yun, ano na kaya ang ginagawa niya. Makikita ko ba uli siya doon? Sayang lang at hindi ko nakuha ang pangalan niya. Ganoon naman kasi kapag bata diba, basta magkasundo kayo, wala na kayong paki-alam kong magkakilala ba kayo o hindi bast masaya kayo sa ginagawa niyo.

Limited Days to Love - [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon