Chapter Twenty Two

843 26 5
                                    

Ang layo ng pagitan ng mga updates ko eh. Tinatamad kasi ako this past few months. Hehehe pero from now on, susubukan ko'ng dalasan at magpapaka-feeling writer na ako ulit. Hehehe sa tingin ko sabaw 'to eh pero sana naman magustuhan nyo pa rin.

Random Dedication ulit ^_^ Thanks for reading at sa patuloy na suporta

***

Pink's POV

Tatlong araw na pala ako sa ospital at mamayang hapon ay uuwi na kami. Buti naman, nakakapagod kasing tumambay dito sa ospital noh. Imbes na gumaling ako, parang mas nagiging matamlay pa ako dahil sa environments dito.

Mag-isa lang ako sa kwarto ko ngayon. Ina-asikaso kasi nina Mommy at Daddy yung billing para makalabas na ako. Si Kuya naman at yung iba naming kaibigan ay namili raw ng prutas at nagharvest ng strawberry sa farm namin.

Maya-maya pa ay biglang bumukas yung pinto. Iniluwa nito si Blue at nakangiti ito'ng nakatitig sa akin.

"Oh Blue. Ikaw pala. Halika, pasok!" medyo ilang pa ako dahil dun sa revelation niya nung birthday ko

"Kumusta ka na? Pagpasensyahan mo na kung ngayon lang ako nakadalaw. Sumama rin kasi ang pakiramdam ko eh pero okay na ako ngayon" tugon nito

"Okay na ako. Lalabas na nga kami mamaya eh" maikli kong tugon

"Ahm Pink. Tungkol dun sa sinabi ko. Totoo lahat ng iyon"

"Alam mo ba kung bakit ako hinimatay nung gabi'ng iyon?" tanong ko sa kanya

"Nasabi sa akin nina Drake na may sakit ka raw sa puso"

"Oo meron. Ina-atake ako kapag sobrang sama ng loob ko oh di kaya ay sobrang nasasaktan ako" 

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin? Masama ang loob mo ng dahil sa sinabi ko? Sorry Pink pero yun yung nararamdaman ko eh" kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya

"Ano ka ba. Hindi noh. Mas inaatake ako kapag sobrang saya ko, yung tipong hindi ko makapaniwala sa mga nangyayari sa paligid ko o di kaya sa mga naririnig at nasasaksihan ko. Para kasi'ng lumalabas ang puso kapag ganoon eh kaya ang ending ina-atake ako" paliwanag ko sa kanya

"You mean, masaya ka sa sinabi ko? Hindi ka galit? Hindi masama ang loob mo?" sunod-sunod na tanong nito

"Hindi nga. Isa pa, ako rin ay may aaminin sayo"

"Ano yun" nagtatakang tanong nito

"Sa tingin ko kasi pareho tayo ng nararamdaman eh. Simula nung una kita'ng makita sa bar. Feeling k---"

"Sa bar? Ano'ng bar?" Hindi ko natuloy ang kwento ko kasi obviously sumingit siya.

"Hindi mo maalala? Diba nagkasalubong tayo nun sa bar, papunta akong powder room noon eh at ikaw naman paliko-liko yung lakad mo. Akala ko nga lasing ka nun eh pero hindi ka naman amoy alak at isa pa tinatanong kita kung ayos ka lang pero hindi mo ako sinagot, sa halip ay dinaganan mo ako. Ang bigat mo, alam mo yun" kwento ko

"Ah ikaw pala yun. Kaya pala sayo napunta yung kuwintas. Naalala ko yun kaso kasi nanlalabo yung mata ko nung mga oras na iyo eh kaya hindi ko naklaro yung mukha mo" saad nito

"Ah ganoon ba. So paano, itutuloy ko ang kwento ko ha at subukan mo lang sumingit ulit at hindi ko na tatapusin"

"Pasensya naman. Nagulat lang kasi talaga ako eh pero sige ituloy mo na" nakangisi nitong tugon

"So ayun nga, nung una pa lang kitangg makita sa bar ay parang may something na at nung makita ko yung kwintas, feeling ko kilala ko ang may-ari at basta ewan, hindi ko maintindihan. Tapos nung dumating ka dito sa Baguio, nung naging medyo close na tayo ay parang mas lumalalim ang pagtingin ko sayo. And another thing, bago ako magising nung inatake ako ay nagreplay ang childhood memories ko. bumalik ang lahat ng ala-ala ko, ang mga memories natin and by that I can say na since childhood pala ay parang may iba na akong nararamdaman para sayo. Simula pa noon, mahal na pala kita Blue"

Hindi ako makapaniwala sa mga nasabi ko sa kanya pero yun ang nararamdaman ko.

Napansin ko'ng parang nanunubig yung mga mata niya pero nakangiti siya

"Mahal rin kita Pink and I'll do everything to make you happy until my last days" bigla na lang bumuhos ang luha nito at niyakap ako ng sobrang higpit.

Niyakap ko rin siya ng sobrang higpit at ngayon, damang-dama namin kung gaano namin kamahal ang isa't-isa kahit na hindi pa namin ganun kakilala ang isa't-isa.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa atin at tiningnan ako ng maigi

"We love each other right. So ibig sabihin ba nito tayo na?" tanong nito

"Parang ganun na nga" nakangiti ko'ng tugon

"Yes. Ang saya-saya ko"

"I love you Pink" sabay halik nito sa pisngi ko

"I love you too Blue"

And once again, we hugged each other tight.

***

Drake's POV

Alam ko'ng hindi dapat at wala akong karapata'ng masaktan pero wala eh, hindi ko mapigilan. Pagkatapos ko'ng masaksihan at marinig ang pinag-usapan nina Blue at Pink ay para akong sinaksak ng ilang beses sa sobrang sakit.

Simula pa lang, alam ko na na may pagtingin sila sa isa't-isa kaya inihanda ko na ang sarili ko pero akala ko handa na ako, hindi pa pala

"Kalalake mo'ng tao, napaka-iyakin mo" may nag-abot ng panyo sa akin

"Sisa ikaw pala" pinahid ko yung luha ko at tumingin sa ibang direksyon

"Tanggapin mo na 'tong panyo ko at wag mo na'ng itago ang mukha mo kasi obvious na obvious ang pag-iyak mo" tugon nito

Hindi ko siya kinibo

"Ano'ng problema Aki. You can count on me"

"Alam mo ba yung feeling na sobrang mahal mo ang isa'ng tao pero hindi mo ito maipakita sa kanya kasi alam mo'ng hindi tama at walang patutunguhan ang pagmamahal mo sa kanya. Ang masakit pa, may mahal siyang iba at alam mo'ng mas karapat-dapat sila" tanong ko sa kanya

"Yeah I know that feeling and I'm feeling it now. Kung pwede nga lang agmahal na lang ng iba eh, ang dami'ng lalake diyan oh kaso hindi ganoon kadali yun eh. Hindi madalingb maghanap ng katulad mo"

Napatingin ako sa kanya

"Oh ano, mag gugulat-gulatan ka nanaman. Eh diba nga naamin ko na sayo na mahal kita" dire-diretsong tugon nito at hindi pa rin ako sanay na naririnig ko yun

"Ahm Louissa, ganito pala yun noh. Ba't ba kasi hindi na lang ikaw?"

"Oo nga eh, san tayo na lang"

Limited Days to Love - [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon