Chapter Twenty Four

555 18 1
                                    


Wew ilang months nga ulit akong walang update? Ipa-alala niyo nga sa akin, nakalimutan ko na eh sa sobrang tagal. Pagpasensyahan niyo na ang nakayanan ko, wal eh, kinakalwang na siguro ang utak ko. Random dedication ulit, salamat sa patuoly na sumusuporta nito kung meron man. God Bless ^_^

**********

Blue's POV


Kakauwi ko lang nga bahay galing kina Pink. Pagkarating ko ay agad kong tinungo ang kwarto upang mahiga sa aking kama, nahihilo nanaman kasi ako eh. Habang nagpapahinga ako aya may naramdaman akong malagkit na likido sa aking mukha partikular na bahagi sa aking ilong. Kinapa ko ito at hindi na ako nagulat sa nakita ko. Kinuha ko ang panyo sa tabi ng kama ko at pinunasan ang dugo sa aking ilong.

Patunay na lamang ito na kkaunting panahon na lang talaga ang ilalagi ko sa mundong ito.

I only have approximately 2 weeks left at hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi kay Pink ang kalagayan ko.

Nagi-guilty nga ako kanina eh kasi dahil sa pag-aalala niya sa sakit niya, okay lang ba daw sa akin na may sakit siya? Kung alam niya lang, gustong-gusto ko ring tanungin sa kanya yun. Naisip ko nga eh na hindi na niya kailangang malaman ito kasi makakasama lang to sa kalagayan niya. Baka kapag nalaman niya ay mas lalong lumala ang kundisyon niya.

Sa ngayon ang maari ko lang gawin ay iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal sa nalalabing oras ko sa mundong ito. Gagawin ko ang lahat para maramdaman niya iyon.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit makatulog, hindi ko na kaya, sobrang sakit na ng ulo ko. Ayaw kong mag-alala pa ang mga taong nagmamahal sa akin kaya hindi ko na lang ipinapaalam ang mga nararanasan ko ngayon.

"Blue gising na at maghahapunan na tayo"

narinig ko ang isang tinig ng babae na parang ginigising ako. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Mama.

"Ikaw pala Ma, akala ko nakabalik ka na sa manila?" pagtatakang tanong ko sa kanya. 

"Dito muna ako, makakapaghintay ang trabaho ko kaya bumangon ka na diyan at kumain na tayo" inalalayan ako ni mama sa pagbangon at inilapag ang pagkain sa katabing lamesa.

"Masarap ba?" tanong sa akin ni mama pagkatapos niya akong pahigupin ng sabaw

Tumango lang ako bilang tugon sa sagot niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman ko ulit ang sobrang sakit sa ulo ko, para itong mababasag at kinukuryente, hindi ko maipaliwanag pero sobrang sakit.

"Aaahhh, ang s-sakit!" paulit-ulit kong sigaw habang pinupokpok ko ang ulo ko sa sobrang sakit.

Bigla namang inilapag ni mama ang sabaw at agad na tinawag si Ninang Sally

Limited Days to Love - [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon