Chapter Seven

1.4K 32 8
                                    

Blue's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko ... puti ang nakikita ko. Teka, nasa langit na ba ako? Buti naman kung ganun, pero paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko si Mama at si Doc.

Akala ko pa naman nasa langit na ako, nasa hospital lang pala.

"I'm sorry po Mrs. Alvarez pero this time ay mas malala po ang kundisyon ni Blue" rinig kong sabi ng Doctor.

"What do you mean Doc?" tila naluluhang tugon ni Mama sa Doctor

"Bumalik po ang cancer niya at mas grabe po ang atake nito sa ngayon" para akong nabibingi sa mga naririnig ko ngayon.

Masyado ba akong mahal ni Lord para pagbigyan ang hiling ko? Hindi ko lubos na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, dapat ba akong matuwa o ano. Diba wala na? Nalampasan ko na 'to eh.

"Pero Doc, we can still have chemotheraphy right? Nakayanan na niya ito noon and I'm sure kakayanin niyang muli. Si Blue pa" di na naiwas ni Mama na mapa-iyak

"I'm sorry po talaga pero this time ay nagmutate na sa buong katawan niya ang cancer cells at kapag nagsagawa pa po tayo ng chemotheraphy ay baka mas maaga siyang mawala" paliwanag ng doctor

Hinidi matigil sa pag-iyak si umupo habang kinakausap siya ng doctor

"Excuse me po" lumabas na si Doc

Lumingon sa akin si Mama at bigla akong pumikit.

"Akala ko ba tapos no. Diyos ko bakit ang anak ko pa?" nung mga oras na yun ay gustong-gusto kong aluhin si Mama at sabihin sa kanyang okay lang ako pero ako mismo sa sarili ko alam kong hindi ako okay.

Maya-maya pa ay dumilay na ako

"Mama saan po tayo?" kunwari ay tanong ko kay Mama

"Nasa hospital tayo Blue" pinipilit ni Mama na pigilan ang luhi niya. Alam ko yun kasi napapkagat siya sa labi niya para lang mapigilan ito.

"Hospital? bakit tayo andito?" kunwaring tanong ko ulit

Hindi na ako nasagot ni Mama kasi tuluyan na siyang napa-iyak at niyakap ako.

***

Pagkauwi namin ng bahay ni Mama ay pareho kaming matamlay. Sinabi na niya sa akin lahat ang sinabi ng Doctor na narinig ko rin naman. Wala na nga raw talagang pag-asang gumaling pa ako kasi nga kalata na sa buong katawan ko ang cancer cells.

Mabuti na rin siguro 'to kasi ang tanging dahilan ko lang naman noon para mabuhay eh ay ang bumalik ang lahat ng nawala sa akin na alam kong napaka-imposible na sa ngayon.

Napahiga ako sa kama ko at napatingin sa kisame.

Sabi ng Doctor, approximately ay nasa isang buwan na lang daw ang itatagal ko. Ang tagal naman. Hindi ba pwedeng 1 week na lang, kailangan ko pa ba talagang magdusa ng isang buwan, mamatay na nga lang ako eh, pahihirapan pa ako.

"If you ever leave me, baby,

Leave some morphine at my door

Cause it would take a whole lot of medication

To realize what we used to have,

We don't have it anymore"

Kinuha ko ang cellphone ko na biglang tumunog

"Tol napatawag ka?" Si Wade yung kakambal ko

"Nasabi na sa amin ni Mama ang nangyari. Akala ko ba okay ka na?" damang-dama ko ang pag-aalala ni Wade

Limited Days to Love - [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon